"Judith. Baka siya na yung sign na hinihingi ko kay God. Waah. Baka magka-lovelife na ako. Thank you po, Lord. Sinagot niyo na po yung mga panalangin ko.""Hay nako. Tigilan mo ako at tigilan mo rin ang pagpa-pantasya mo. 'Wag ka ngang malikot diyan. Nagd-drive ako eh."
"Sungit mo naman. Ayaw mo bang maging masaya ang bestfriend mo? And excuse me, hindi ako nagpa-pantasya no. 'Di ba nga pinakita ko sa 'yo ang text niya. Kaya 'wag kang panira ng moment. Dahil akin ngayon ang araw na 'to. And beacause of that, I will treat you." Waaah! Kinikilig pa rin ako dahil sa nangyari ngayon. Ay teka, wala pa palang nangyayari ngayon. Hehe.
"Ah, ganun ba? Sige mamaya bibili ako ng maraming simcard pagdating natin sa mall." What?
"Ano namang gagawin mo sa simcard? Anlayo sa pinag-uusapan natin ha. Naloloka na ako sa 'yo 'bes, ha."
"Anong malayo? Bibili ako ng simcard para i-text ka ng mga corny na text. Aba, Julie, baka nakakalimutan mo, isang beses ka lang manlibre sa loob ng isang buwan at take note, ha, halos araw-araw tayong magkasama. At ngayong buwan na 'to pangalawang beses na 'yan, kaya talagang himala 'yan."
"Kung sana nireto mo na lang ako noon. Edi sana, everytime na nirereto mo ako sa iba at tine-text ako, edi sana nililibre kita lagi." Right?
"I did. Pero wala eh. Hindi ko nakasalanan kung pangit ka."
What the...? Sinabi niya bang pangit ako. Oy, hindi ako pangit no. Wala lang nagka-kagusto sa akin, but that doesn't mean na pangit ako.
"Tse!" Nag-cross arms ulit ako para kunyari nagtatampo ako sa kanya. Kaso mukhang walang epekto dahil binunganaan na naman niya ako.
"Cheche. Chenelasin kita d'yan eh." Ha! Baka may sinelas siya. "Ah, hindi pala. Chepatusin kita d'yan."
Grabe siya, no? Hindi na naawa sa bestfriend niya. Wala na akong lovelife sasapatusin pa ako. Edi lalong nawalan ako ng lovelifee kung pumanget ako? Huhu. Kawawa naman ang face ko. Ayaw kong tumandang dalaga. Pero mabalik tayo sa lovelife ko. 'Wag niyong paki-alaman ang kagandahan ko. Baka mausog, papalaway ako sa inyo. Eww.
Binuksan ko ulit yung message para reply-an siya. Kaso nag-salita na naman si Judith.
"Pero Julie, hindi mo ba naisip na group message lang 'yan? Hahaha. 'wag ka ngang mag-feeling close d'yan. Kung ako sa 'y hindi ko na re-reply-an 'yan. Hindi mo alam baka manyak 'yan o kaya naman rapist at ang malala, baka tomboy 'yan. Hahahaha. Ang corny kaya ng text niya. Hahaha" Tss. Hindi siya tuwang tuwa eh, no? Kanina lang ka-seryoso ngayon tawa ng tawa. Oh Judith, naloloka na talaga siya. "'Dahil ako ang sagot sa mga dasal mo' ha--hahahaha. Corny talaga." At talagang ginaya niya pa ang sinabi ni Stranger. Nilakihan niya pa ang boses niya. Tss.
"Eh ano naman? Para sa 'kin may flavor yung ka-corny-an ni Stranger. Sweet Corn." Sabi ko hang pupungay-pungay pa ang mga mata ko.
"Bagay nga kayo. Parehas kayong corny. Alam niyo may tawag din ako sa inyo. Popcorn!"
"Popcorn? Teka may flavor din ba 'yan? I'm glad na sinosuportahan mo na ako sa lovelife ko, bes. So ano?" Nae-excite na ako. Buti naman boto na siya sa lovelife ko.
"Ah hindi, walang flavor 'to. Plain like you lang ito." Waah. Ang sweet ng bestfriend ko. Kaya love na love ko siya eh. "Popcorn, dahil gusto kong magpop na parang bula ang dalawang popcorn. Right? Kung ikaw may tawag sa kanya, may tawag na rin ako--" Pinutol ko na agad ang sasabihin niya. Juicecolored, akala ko pa naman suportado na siya.
BINABASA MO ANG
We Were Strangers : Message Recieved (On-Hold)
Storie d'amoreWe Were Stranger : Message Recieved Love is unexpected. You don't know when will it happen. Isang babaeng naghahanap lang ng pagibig mula sa isang lalaking mamahalin siya ng tunay. Hangad niya ay pagibig na totoo. Lahat ay gagawin magka-lovelife lan...