ONE SHOT

7 0 0
                                    


A Broken Destiny

C-H-U-N-J-I. Ang lalaking nagparamdam sakin ng tunay na pagmamahal. He makes me feel that I deserved to be loved.

Marami na akong naging ka-MU and ka-flings but none of them got my heart completely. Siya lang, siya lang ang nakakapagpabago ng pananaw ko sa salitang 'PAG-IBIG'. Naramdaman ko na nga na TRUE LOVE ko na siya. Siya lang ang nakakapagpasaya sakin ng ganito. He brought smiles into my face and into my heart even without doing a thing. I guess I'm in love with him. Nang dahil sa kanya, I'm more than willing to take the risk. I'm more than willing to break my own promise to myself and follow my heart's decision.

I promised to myself that I'll be having a boyfriend when and only when I graduated college, but I guess I need to break my very own promise. Hindi ko na kasi talaga mapigilan itong nararamdaman ko sa kanya.

"Baby, ang lalim na naman ng iniisip mo ah! Tell me about it." Napatingin agad ako sa kaharap ko ngayon and immediately flashed a smile. Nakatitig lang ako sa kanya.

'Buti ka pa, ang swerte mo. Ano ba kasi ang mayroon sa'yo na wala ako?'

"Hay nako momskie, wala 'to. I'm just thinking about my projects. Marami kasi kaming gawain. Pahirap kasi masyado ang mga professors namin. Tsk!" At napatingin ako kay Chunji na tumatawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Pero ang sarap sa pakiramdam na marinig ang tawa niya. Pinapagaan nito ang pakiramdam ko.

"Ano ka ba Prince? Why are you laughing?" Nakita kong kinurot-kurot ni Laiza aka momskie si Chunji sa tagiliran kaya mas lalo lang itong natawa. Napaiwas na lamang ako ng tingin.

'Akala ko ba tanggap mo na Veronica?' 'Tanggap ko naman eh pero hindi ko talaga maiwasang masaktan.'

"Ang cute lang kasi ni V." Napatingin ako kay Chunji with a confused look. Wow, cute talaga? Hindi pwedeng maganda? "Sino ba kasi ang may sabi na kumuha ka ng Engineering, V? You once told me that you want to be a flight attendant. Ngayon naman pagiging mekaniko ang pinapasukan mo." Inambahan ko siya ng suntok kaya natawa na naman siya, raising both of his hands as a sign of surrender. Ang hilig talaga mambwisit ng isang 'to.

"Correction, I'm a future mechanical engineer. Kapag ako'y magiging isang legendary mechanical engineer, who you ka talaga sakin." Seryoso kong sabi pero tinawanan lang ako ng loko. Sumali pa sa pagtawa si momskie.

"In your dreams, V."Inirapan ko na lamang siya.

Sana hindi nalang nila ako nakita dito sa mall. Edi sana hindi ko masaksihan ang paglalambingan nila. Nagpapasalamat na nga ako na magkaiba kami ng paaralan simula nung magkolehiyo kami.

"Bakit ka nga pala pumunta dito sa mall, baby? May bibilhin ka ba?" Nilingon ko si momskie saka umiling. Napatingin naman ako sa wristwatch ko only to find out na 3PM na.

"May hinihintay akong ka-block ko momskie. Mag-paplano kasi kami sa project namin." At ngayon di ko alam kung tutuloy ba ang lalaking iyon. Dapat nandito na siya kasi uuwi na ako bago mag-5PM. "Kayo? Baka naka-isturbo ako sa date niyo ah?"

"Gumala lang kami, V. Magiging busy na kasi kami pareho lalo na't malapit na ang finals." Tumango na lamang ako.

Naramdaman ko namang nagvibrate ang phone ko sa bulsa kaya kinuha ko ito. Sa wakas! Nagparamdam din ang loko.

"Excuse me. I just need to answer this call." Sabay silang tumango kaya ngumiti ako sa kanila at saka tumayo at naglakad palayo. "Hoy mokong, nasaan ka na?"

(Kalma lang, honeybunch. Kakarating ko lang. Ang traffic kasi eh.) And I rolled my eyes. Ganyan naman tayo ee, we always blame the traffic kahit pwede naman tayong umalis ng maaga para hindi ma-late sa usapan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A BROKEN DESTINY (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon