Chapter one : her past (1)

56 4 2
                                    

                    ☆chapter one☆

Mabilis na tumakbo palabas ng mansyon ang isang batang babae at batang lalaki matapos marinig nila ang busina ng isang sasakyan. mga nasa edad anim na taong gulang ang mga ito.

"Mommy!!.momsie.!" Malakas na sigaw ng batang babae habang nakangiti na sinasalubong ang ina at lola nito.

Siya si althea jane jimenez alvarez. Anim na taong gulang lamang ito.

"Mom!granny!" Sigaw na salubong naman ng batang lalaki dito.

siya si tristan fred jimenez alvarez. Anim na taong gulang lang din ito. At siya ang kakambal ni althea mas matanda lamang ito dito ng limang minuto.

Masayang bumaba naman sasakyan ang ina at lola nila ng makita sila.

"Oh, my beautiful grand daughter, and my handsome grand son." Salubong ng matandang alvarez ang kanilang lola. mahigpit niyang niyakap ang mga apo.

"Momsie/granny. I cant breath" halos sabay ng sabi ng kambal. Napatawa lamang ang matandang Alvarez sa sinabi ng kambal. Naisip niya na kambal nga talaga sila dahil sabay at parehas pa sila ng reaction.

Mabilis naman na bumitaw ang matandang Alvarez sa mga apo. At ang ina naman ang niyakap ng kambal.

"I miss you so much mom" althea. habang mahigpit na nakayakap sa ina.

"Me too mom. I miss you so much"segunda naman ng kambal nito at niyakap din nito ang ina.

"namiss din kayo ni mommy." Masayang sabi naman ng ina. At niyakap niya din ng kay higpit ang kambal.

Siya naman ang ina nila na si Trisha jane jimenez.
Jimenez ang pangalang dinadala nito at hindi ang pangalang alvarez sa kadahilanang hiwalay na sila ng ama ng kambal kung baga devorce na sila.

Labis naman ang tuwa at pagpapasalamat niya sa lola ng kanyang kambal na anak dahil kahit hiwalay na sila ng anak nito ay hindi sila pina-alis sa mansyon na ito. Sinabi nito na dito lamang sila . Dahil hindi niya kayang mawalay sa mga apo. Kahit na may iba ng pamilya ang anak nito. Ay hindi niya parin tanggap abg ikalawang pamilya ng anak.

Matapos ang masayang pagsalubong ng kambal sa ina at lola nila sa labas ay napag-desisyunan na nilang pumasok sa loob. Ngunit hindi pa man sila na kakahakbang ay siyang pag-dating naman ng isang sasakyan.

Bumusina ito at pinagbuksan ng gwardia. At pumasok na nga ito.

Samantala. Masayang nakatingin ang batang althea sa sasakyang papasok sa garahe dahil batid niyang ang ama nila ito. Kung gaano mo makikitang masaya ang mukha ng batang althea kabaliktaran naman ito sa mukha ng kanyang kambal. dahil wala kang kahit isang bakas ng imosyon na makikita mo rito.

Bumaba na ng sasakyan ang taong nagmamaneho nito. Ngunit na gulat sila ng hindi lamang ito mag-isa dahil mabilis na umikot sa kabila ng sasakyan. Pinagbuksan nito ang kasama at doon lang nila na pag-tanto na babae ito.

Ngunit binaliwala ito ng batang althea. masayang sinalubong niya ang ama at niyakap. Ngunit laking gulat niya ng bigla siyang itulak ng ama.

"Lumayo ka nga sa akin bastarda." May diing bawat saLitang binibigkas nito.

Mababakas mo sa mukha nito na galit siya dahil namumula na ito.

Mabilis naman na lumapit ang kakambal nito at tinulungan siyang tumayo.

"Are you ok. Dont cry" sabi nito sa kakambal at pinunasan ang mga luha nito.at hinarap ang ama nito. " you dont have a right to hurt my twin. ikaw na mismo ang nagsabi na were not your child. Were not blood related. Kaya sa susunod na saktan mo pa ang kapatid ko hindi na ako magdadalawang isip na labanan ka. Kahit matanda ka pa." Mahabang sabi nito sa ama.

At hinila ang kakambal palayo sa kanila ngunit bago pa sila makalayo ay huminto muna siya at nagsalita.

"Remember this day old man. dahil ang araw na'to ay ang araw nakakalimutan kung ama pala kita." Sabi nito at nagpatuloy na sa paghila sa kakambal nito.

Nakarating sila sa kwarto ni Thea.

"Kuya, bakit ganun si daddy?" umiiyak na tanong nito sa kakambal.

"*shhh dont cry ok. Stop crying. " sabi nito sa kakambal nito. "Listen to me ok. Hes not our dad . He didnt treat us like his own child so stop crying. And stop calling him dad." Dugtong na sabi pa nito sa kapatid.

"But-" pagtutul nito dito.

"No more buts ok. Promise me na hindi mo na siya tatawaging dad. Promise me twin please" sabi nito habang hawak ang dalawang pisge na kapatid at pinupunasan nito ang mga luhang napatak dito.

"P-promise" sagot nito habang umiiyak. niyakap siya ng mahigpit ng kakambal matApos marinig ang sagot nito.

Napa-iyak naman lalo ang batang thea sa paghigpit na yakap ng kapatid at sa nanyari kanina. Hindi niya lubos maisip kung bakit ganun na lang ang turing sa kanila ng ama.

Labis naman ang galit na nararamdaman ni tristan. Sa kanyang ama at awa naman sa kanyang kapatid.

Galit siya sa kanyang ama dahil hindi sila nito tunuturing na sariling anak. Bagkos kung ituring sila nito ay parang wala lang. Higit na pinapahalagahan pa nito ang ikalawang pamilya nito. At kasing edad lang din nila ang anak nito sa ikalawang pamilya.

Naaawa naman siya sa kapatid dahil kahit anong gusto nito na mapalapit sa ama. Ay siya namang pinagtutulakan ng ama palayo.

Alam niyang labis na nasaktang kapatid sa ginawa ng ama. Kaya hinding-hindi niya talaga mapapatawad ang kanilang ama.

Ilang sandali pa ay naramdaman niyang parang lumuluwag ang pagkakayakap ng kapatid sa kanya.

Doon niya lamang napagtanto na nakatulog na ito sa nakakaiyak.

Maingat niyang inihiga ang kakambal at ng masigurado niyang na ihiga na niya ang maayos ang kapatid ay kinumutan niya ito at hinalikan sa noo.

At lumabas na sa silid ng kapatid.

THE ASSASSIN'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon