[One-Shot] Puzzle Piece

650 12 1
                                    

WAPAK! Boring.

Sana lunch na. Okaya dismissal. Tagal naman ng next teacher namin. Matulog nalang kaya ako?

"Good morning class."

WOOOOOOHH, finally, science time! Naalis na antok ko! "Good morning Ms. Rose!"

"Miss, ano gagawin?" Tanong nung kaklasi ko na mukhang unggoy.

"Ano bang gusto niyong gawin?" Tanong niya sabay upo sa upuan sa teacher's desk.

"Wala!"

"Kumain!"

"Miss, games!!"

"Matulog!"

Yan yung mga sagot ng mag walangya kong kaklasi.

"May activity kayo. By group kayo. Para fair, ako maggroup sa inyo." Sabi ni Ms. Rose.

"Awwwwww." mga kaklasi ko na nainis, WAHAHAHA buti nga. Pero pati ako naiinis.

"So.. Eto groupings, group 1 - Kiara, Russel, Brandon at Rap. Group 2 - Michael, Clarissa, Katrina at Melissa.." And so on and so forth. Kailangan ko pa ba sabihin lahat? Wag na. Tinatamad si author! Tsaka ayoko mga kagrupo ko. Di ko kaclose. Kung sana si crush lang yung kagrupo ko eh! Mas gaganahan sana ako. Pero, hindi eh! Tadhana nga naman oh, why so harsh to me?!

Oh? Gulat kayo noh?! Kala niyo wala akong crush? Pwes, kala niyo lang yon! Maraming namamatay sa maling akala.

Tama na nga drama ko! Baka magwala pa ko dito.

So, ayun na nga! Inexplain ni Ms. Rose kung pano yung activity. Puzzle, sisiw lang yun!

Pero may twist daw para medyo mahirapan kami. Yung ibang puzzle pieces daw, nasa ibang grupo kaya kailangan namin makuha. Bahala na daw kami kung pano namin kukunin. Bahala na daw kam makipagtransact sa mga panget naming kaklasi. Dapat daw may strategy kami. Eh wala kaming maisip na strategy eh. Ano kaya?

Eh kung awayin ko kaya? Dejoke, di ako ganun. ✌

Isa ako sa mga na-assign na makipag transact sa mga kaklasi kong panget.

So, nalaman na namin kung anong bubuuin namin. Circulatory system. Yung may heart? Heart ba kamo? Wala na heart ko sakin. Ninakaw na ni crush. Ok, corny ko ba? Bayaan na, maganda naman ako.

Inis, hirap maghanap ng puzzle piece. Nakakalito pagmumukha ng mga kaklasi ko. Parepareho kasi silang pangit eh.

Ingay na nga namin eh. Parang nasa palengke na bumibili ng isda. Yung iba parang humihingi ng tawad sa palengke na ibaba yung price ng baboy, yung mga ganun? Ah basta! Wag nga kayong slow.

Yung iba naman, nag aaway na ata. Kulang nalang magsuntukan. Bigyan ko kaya ng kutsilyo? Kunin ko sa cafeteria? Para mas masaya yung away, nagsasaksakan nalang. De wag na. Kawawa. Baka mawalan ng panget.

"Uy, ano yung binubuo n'yo? Ano pa kulang sa puzzle-" Yung pamilya namin ng crush ko yung binubuo. Dejoke. Sino ba tong kumakausap sakin? O ako ba talaga tong kausap nya?

Napatingin naman ako sa kanya.

O_____________________________O

S-si crush!

"Kulang? Ikaw. Ikaw nalang kulang sa buhay ko. I need you to make my life complete. My life's a puzzle. It's still not complete. And you're the only one who's able to make it complete. You're my life's missing puzzle piece."

Hindi ko alam kung bakit nasabi ko yun. Dahil siguro nahihilo ako? Dahil wala ako sa sarili ko? O sadyang sobrang malakas lang talaga tama ko sa kanya?

Oh, You're really the missing puzzle piece in my life.

-=-

So... Dedicated to kay @stuckinadreamworld (Joahnna Colleen MAGANDA Canivel) na mahal ang KathNiel at mahal na mahal ko! Dati ko ng story to dito. Dinelete ko kasi, wala lang. Trip ko. Pinabalik niya kasi daw gusto nya. So.. Colleen! Ang ganda ganda mo grabe at salamat sa ice cream sandwich kanina! I love you 'til death.❤

- fabulousbiatch x

[One-Shot] Puzzle PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon