"Junas? J-Junas?" Kagigising ko lang at hinanap ko siya agad. Nilibot ko na buong bahay wala siya. "Saan na kaya yun? Junaaaaasss.."
"Who are you?"
Lumingon ako. "Sino po sila.?"
"I'm Junas's mother"
"Oh, Hi po. Ako po si Gia, friend po ni Junas."
"Saan siya?"
"Hinahanap ko nga po eh, kanina pa. umalis po ata. may binili."
"Bakit ka nandito?"
"Ah! Nakituloy lang po ako, hinahanap ko din po kasi ang kuya ko eh."
"Gia? Gia...M-Ma?" Nabigla si Junas ng pumasok siya sa loob at nakita niya kaming nag-uusap ng mama niya.
"Ma? Bakit ka nandito!?"
"Para ipaalam sa babaeng to anong klase kang tao!"
"Ma, please no! Not this time., mag usap tayo"
"Natatakot kang malaman niya anak? Bakit? Mahal mo naba ang babaeng ito at ayaw mong malaman niya ang totoo na ikaw ang pumatay sa kuya niya?"
"A-ano? J-Junass?"
"No no no Gia, please listen!"
Tumulo ang luha ko at bigla akong lumabas.
[Junas's POV]
"Gia.... wait!" sinundan ko siya. Hinawakan ko siya sa braso at hinarap sa akin. "Look, Gia, I didn't mean to kill your kuya"
Sinampal niya ako.
"So, totoo nga? Bakit mo siya pinatay ha? Bakit? Walang hiya ka!"
"Isa akong aswang!
"A-ano? Nagpapatawa kaba?"
Tinitigan ko siya, pinakita ko sa kanya ang kakaiba kong mata. Iniba ko ang itsura ko.
"AAAAAHHHHHHHH Aswang!"
Tumakbo siya ng tumakbo. Natakot siya sa anyo ko. Bigla nlng tumulo ang luha ko.
"Junas, see? hindi ka niya kayang mahalin sa anyo mo. Umuwi na tayo, naghihintay si Hanna dun.Siya ang tunay na nagmamahal sayo."
"I love Gia Ma, siya ang mahal ko. Sa araw-araw na kasama ko siya, nadama ko ang saya at nadarama kong malinis ako. Parang walang kasalanan, parang hindi mamamatay tao."
"Aswang tayo anak, kaylangan natin pumatay para mabuhay"
"Yes Ma, pero pumapatay parin tayo ng tao!"
"Kasi nga Aswang tayo!"
"Yun nga, ayaw ko na maging aswang! Ayaw ko na!" sumigaw na ako habang umiiyak. "I need her back. I love her."
"Kami? hindi mo ba kami mahal?"
"Ma, wag niyo ako papiliin!"
"Kaya nga, umuwi na tayo."
"Paano si Gia?"
"Mahal kaba niya?"
Hindi ako nakasagot. Napaisip ako. Mamahalin pa ba niya ang isang katulad ko?
[Gia's POV]
I'm so scared. Isa siyang halimaw. Pinatay niya ang kuya ko. Walang hiya siya! Hindi ko siya mapapatawad.
Sinabi ko na ang tungkol doon sa mama at sa iba pang mga tao pero pinagtatawanan lang nila ako. Kaya wala akong magawa. Iyak lang ako ng iyak.
"Girl, okay ka lang?" gising sa akin ng bestfriend kong si Renna.
"Ahh! Okay lang, may iniisip lang."
"Bkit ganun Renna, kahit gaano kasama ang ginawa sayo ng isang tao mahal na mahal mo parin ito?"
"Ano?"
"Ahh! ayy, wala wala.."
"Naku girl, inlove kaba?"
"Oo, esti ano ba hindi"
"Sinabi mo na eh, sino ba ? si Anton?"
"Si Anton?"
"Oo, hello! Baka nkakalimutan mo? halos 2 years mo ng crush yun!"
"Ahh si Anton.. oo si Anton nga."
"Kung si Anton, ano naman ginawa niya sayo?"
"Wala, nalilito lang ako"
"Siya nga pala girl, may good good super good news ako sayo!"
"Ano?"
"Break na si Anton at Janice!"
"Okay. Good"
"Ohh? Parang ewan ka lang ah? Diba dapat mag celebrate ka? mag fiesta? mag diwang! 2 years mong hinihintay yan girl!"
"Ayy, oo nga pala! YEEEEEEE"
"Plastik!"
"Eh?"
"Tapatin mo nga ako Gia! Ano ba? May tinatago ka sa akin ano? Alam ko, kilala kita!"
"Wala.."
"Wag kang mag sinungaling!"
"I'm inlove with Junas"
"Who's Junas?"
"A monster. Isang aswang. Ang taong pumatay sa kuya ko."
"HAHAHAHAHAHAAHHA"
"Ano ba, pati ba naman ikaw?"
"Grabe joke mo best! the best!"
"I'm not joking, if di mo ako papaniwalaan! FINE! BYE!" Nagwalk out ako.
"Uy, Gia! teka.."
"Sige na! Magsama na kayong lahat!"
"Nabigla ako kase, sino ba naman ang maniniwala sa sinabi mo"
"Pero nagsasabi ako ng totoo!"
"Oh siya, siya, sino ba yang Junas na yan, ikwento mo lahat sa akin."
Sinabi ko ang lahat sa bestfriend ko at mukhang nakombinse ko naman siya.
Mahal ko si Junas. I miss him. Kaylangan ko siyang makita ulit. Babalik ako doon. Babalik ako..
to be continued..
BINABASA MO ANG
Mahal kita, Aswang!
RomanceMahal parin kita, kahit alam kong ikaw rin ang papatay sakin..