20 : Giving Up

9 1 0
                                    



"Long time no see Demetry." Blaire said and smile, more like a smirk.



Kasalukuyan akong naghihintay ng taxi na dadaan. Naggrocery kase ako ngayon kaso naisipan kong magcommute na muna. Minsan lang naman eh. At heto naman si Blaire nakasabay ko pa maggrocery. Naghihintay din sya ng masasakyan dito sa labas. Tsk! Minamalas nga naman oo!



"Diba nakicked-out ka? Kawawa ka naman. Di mo na makakasama sa school si Orion. Aww." pang-aasar ko sa kanya.


"Jan ka nagkakamali. Nakakasama ko pa rin sya araw araw kase pinupuntahan nya ako sa condo ko. Heto nga pati oh, parating na sya kase susunduin nya ako dito. Baka ikaw ang kawawa." She explained. Stop smirking Blaire! Urgh! It's annoying!



Nakakainis sya. Di ko tuloy alam kung ano na ang sunod na sasabihin ko. Kainis. May humintong kotse sa harapan namin.



"Oh pano ba yan Demetry, mukang uulan na oh. Wag kang magpapabasa sa ulan ha? Baka mag alala ako. Gotta go. Bye" she said at sumakay ng kotse, si Orion ang nagdadrive. Urgh! Ang fake fake ng tono ng pananalita nya. Pabebe eh! Di man lang ako pinasakay ni Orion paghatid kay Blaire! Tss-_- Magkaratig lang kaya kami ng condo. Jablig!



Nangangalahating oras na akong naghihintay ng masasakyan hanggang ngayon wala parin? Oh come on!



Si Blaire nagpapakasaya dahil kasama nya si Orion tapos ako mag isa lang naiwan dito? Aray. Wala pang masakyan eh selos na selos na nga ako! Ang malas naman oo!



Oh! Bigla namang bumuhos ang napakalakas na ulan. Yung totoo? May galit ba talaga kayo sakin?! Aish. Wala ba talagang sasakyan na magpapasakay sakin? Malamang wala, basang basa na ako eh.



Haaaay. Orion balikan mo naman ako dito. Ang sakit lang kase sa feelings. Basang basa na ako kahihintay ng masasakyan oh. Di ka man lang ba nag aalala sakin? Wala pa naman akong payong. Sana kahit ngayon lang ako naman ang unahin mo kesa kay Blaire. Haaay!



May humintong sasakyan sa may harapan ko at may lalaking lumabas don. Tinanggal nya yung jacket nya.



"Ano bang ginagawa mo jan laloves? Bat di ka sumilong muna? Buti nakita agad kita. Nako baka magkasakit ka nyan." Sunod sunod na sabi ni Dryx habang sinaklob nya sakin yung jacket nya para di na ako mabasa.



"Wag mo nga ako tawaging laloves! Wag mo akong pandungan nyang jacket mo. Nag hihintay pa ako ng taxi eh."sabi ko naman



"Wag ka na magtaxi. Hatid na lang kita. Basang basa ka na oh!" He explained.


"Di ako sasakay sa kotse mo! Basa na rin lang ako edi magpakabasa na nga naman dito sa ulan! Bwisit. Basa kung basa! Wag mo kong pakialaman!" sigaw ko sa kanya.



"Ano bang nangyayari sayo? May nangyari ba? Huh? Tell me." He calmly said.



"Wala." sabi ko ng di sya tinitignan. Buti pa sya andito sa tabi ko ngayon, eh si Orion na kay Blaire. Lintek na potion!

Nagulat na lang ako ng yakapin nya ako.


"Dahil na naman to kay Orion diba?" sabi nya.


Di ako nagsalita. Alam kong alam nya na nagkakaganito ako dahil kay Orion. Lalong humigpit ang pagkakayakap nya sakin. Ipinatong nya ang ulo nya sa balikat ko. Di ko alam ang gagawin ko.



"Sana ako na lang si Orion." he stated.


I feel bad for him.


"Sana nga." I mumble.





In the end sumakay na lang din ako sa kotse ni Dryx. Ngayon eh nasa bahay nya ako. Pinahiram ako ni Tita ng mga luma ng damit. Basang basa kase ako.Si tita ay mommy ni Dryx. She's nice. Sana sya na lang din ang ina ko.



"Ija ikaw pa lang ang nadadala ni Dryx na babae dito sa bahay." masiglang sabi ni Tita.



"Ma! She's just a friend!" pag suway ni Dryx. Ang saya ng pamilya nila. Sana ganto din kami kung di lang nawala si Daddy.



Ang bait para ngayon ni Dryx. Kase di nya na sinasabi na boyfriend ko sya. Buti naman.


"Weh? Friends lang talaga kayong dalawa?" pangungukit ni Tita.


"Ma naman." sabi ni Dryx. Nakakatuwa silang tignan. Naiinggit ako sa pamilyang meron si Dryx. Haaay.



"Mommy wag mo ng ipagpilitan. Friends lang daw sila eh." sabat naman ni Tito galing kitchen dala dala ang miryenda namin.



"Edi friends. Oh sige na kain na kay----" natigil sa pagsasalita si Tita dahil sa sinabi ko.



"Actually po boyfriend ko sya." I said giving them a genuine smile.


Wala naman sigurong masama kung bigyan ko ng chance si Dryx. Mabait naman pala sya eh. Matalino pa. RK pa at may mabubuting magulang pa. There's no reason para di ko sya bigyan ng chance na maging boyfriend ko. Para pati malimutan ko na si Orion. Ang sakit kase talagang makita syang inlove parin kay Blaire. Haaay.



O.O -Dryx


"Oh boyfriend ka pala nya anak ah. Sabi mo kaybigan lang. Nako ha!" sabi ni Tita.


"Kinakahiya mo ba sya na sya ang girlfriend mo anak? O nahihiya ka lang na ipakilala sya sa amin?" pagtatanong ni Tito kay Dryx. Nanlalaki parin hanggang ngayon ang mata ni Dryx, gulat pa rin sya sa sinabi ko na boyfriend ko sya.



"Uhh..A-ano. Ma sampalin mo ko! Sampalin moko ma!" utos ni Dryx kay Tita.


"Huh? Sigurado ka anak?" pagtatanong ni Tita.



"Oo ma! Sampalin mo k----"


"Bang!" Nasampal ni Tita si Dryx ng napakalakas. Grabe! Pulang pula yung kabilang pisngi nya. Gosh! Ang sakit nung pagkakasampal na yon promise! Pero sa halip na maiyak si Dryx dahil sa sakit ng sampal eh naghihihiyaw pa ito.



"Waaah! Di nga to panaginip!"Sabi nya ng nagtatatalon at saka sya lumapit sa kinauupuan ko at saka nya ako niyakap ng sobrang higpit. Natawa na lang ako sa pinaggagagawa nya.



"Hoy Dryx! Ano bang nangyayari sayo?" sabi ni Tito na parang naasar na sa kinikilos ni Dryx. Hahaha. Bahala ka Dryx.



"I love you." malambing na sabi ni Dryx habng yakap yakap nya ako.



"Aww. Ayun naman pala. Tara na daddy. Maiwan muna namin kayo dito sa sala ha." nakangiting sabi ni Tita at humiwalay na sa yakap si Dryx. Ano ba yan nakakahiya!



"Wow. I still can't believe." Dryx said incredulously.


"I'll try to give back the love you gave me. I'll try." malumanay kong sabi.


"Sigurado ka ba? Okay lang sakin kahit gawin mo kong rebound. Okay lang talaga. I just wanted to be with you." he said sweetly.



"I think it's about time to forget him." the way na binanggit ko yung him, alam ko na alam nya na si Orion yun.



Bye bye Orion. Sawa na akong umasa eh. Sawa na akong magpakatanga. Ayoko na. I give up. Siguro nga mas better kung lalayuan na kita. Para wala ng kokontra sa lovelife nyo ni Blaire.


I just realize na di nga lang pala ikaw ang nag-iisang lalaki sa mundo. Madami pa namang iba kagaya ni Dryx. Almost perfect na sya sa ideal ng mga babae.

I'll forget my feelings towards you and remember that Dryx's just here willing to give his heart to me.

--------------

Give up na ba talaga si Demetry? Aww. Well, di pa natin alam. Let's just read more chapters. Ano naman ang say nyo kay Dryx? Ano? Chicks ba? Ayiieee.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Most Powerful ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon