Maika's PoV
8:30 p.m. Wednesday
Medyo okay na si Cristine. Nakakatatayo naman siya kahit papaano. Pumunta muna siya sa banyo para maglabas ng sama ng loob yung hindi literal. Si Sandra nakatulog uli.
"Parang tumatagal sina Ryan." sabi ni Reyes.
"Kaya nga. Sana walang nangyaring masama sa kanila." sabi ko.
"Bakit nga pala tayo ang nagbabantay dito? Nasaan ang mga magulang nina Aurora at Sandra, pati na rin si Cristine." tanong ni Cedric.
"Only child sina Aurora at Sandra at magpinsan sila. Yung mga parents naman nila nasa business trip,
mga ilang days pa bago makarating dito yung magulang nila.""Oh? Magpinsan sila?" pagtataka ni Cedric.
"Bakit kaya walang sinabi sakin si Sandra tungkol doon?" tanong niya.
"Pake niya sayo?" pang-aasar ni Reyes.
"Suntukan tayo?" hamon ni Cedric.
"Ang lalaki niyo na ang immature niyo mag-isip." sermon ni Cristine. Kakalabas niya lang sa banyo.
"Ikaw Cristine? Nasaan yung mga magulang mo?" tanong ko.
"Nasa ibang bansa para mataguyod ako. Ang ate ko lang ang kasama ko. Pero iniwan na rin ako, nagtanan kasama yung tigang niyang boyfriend." sabi niya.
Ang lungkot naman ng istorya ng buhay niya.
"So ikaw lang?" tanong ko.
"Pwede na rin. Kaso may yaya akong nag-aalaga sakin. Nagpapadala naman sina Mommy. Kaya push lang sa buhay." sabi niya sabay ngiti.
"Go girl!" sabi ni Maika. Nagulat kami sa biglang pagpasok ni Dexter.
"Dexter?"
Anong ginagawa niya dito? Concern ba siya sa atin? Hindi ba niya kasama si Lyka yung mga kadiring bitch sa Amity.
"Hey guys."
"What are you doing here?" tanong ni Cristine.
"I'm concern to you. All of you." sagot niya.
"Whatever." Humiga uli si Cristine sa kama niya.
Ang tahimik na naman ng paligid. Bakit laging ganito? May namamamatay lang samin isa-isa nagulo na agad buhay namin? Bakit hindi nangyari agad? Bakit ngayom lang kami inatake ng karma? Kung kailan makakaalis na kami sa kamay ng Principal doon pa kami aatakihin ni Felix.
Sino nga ba talaga ang pumapatay? Ano ang mga koneksyon ng bawat isa?Naguguluhan na kaming lahat.
Sarah's PoV
7:20 p.m."Pa?" Naalimpungatan ako sa masang-sang na amoy.
Napansin kong nakasabit ako kung anoman.

BINABASA MO ANG
Amity Isn't Real {Tangled Minds Series #2}
Mystery / ThrillerThis is not an ordinary revenge story you always saw in T.V series/Movies/Books or EBooks. Everything's twisted, everything's a mind blown. Why not see our main protagonist? The killer, and the justice they deserve, or they're seeking at the wrong p...