Pagtitipon

6 1 0
                                    


Isang gabi ng Mayo, Sa gitna ng bulwagan ng isang malaking gusali sa Ermita, Naroon ang mga sikat na tao mula sa ibat-ibang larangan. Isa na dito si Gloring. Pinuno ng isang samahan ng kababaihan kung san tinataguyod nila ang mga karapatan ng kababaihan. Nais ni Gloring na mag karoon ng katungkulan sa Gobyerno, kaya naman panay ang dikit niya kay Boy Abnoy. Si Boy Abnoy ay anak ng isang Senador na may ambisyon na maging pangulo, kaso sa kasamaang palad patay na ang tatay ni Boy Abnoy. Binaril sa terminal ng bus. Si Boy abnoy ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas. Maimpluwensya ang pamilya ni Boy Abnoy. Meron silang malaking sakahan na kasing laki ng Quezon City. Maraming tao ang naniniwala sa pamilya ni Boy Abnoy. Lalo na yung mga taong nabulag ng media, At ang may pakana ng kagagohan na yan ay walang iba kundi ang isang istasyon sa tv. (Channel 22.) Si Loreto Pezan, Na andoon din sa bulwagan, Siya ang may ari ng Channel 22. "Mr. President, hangang kelan ba natin ipapalabas sa tv ang aral ng monumento sa ?" tanong ni Loreto Pezan. "Ipapalabas sa TV yan hangang sa magsimula ang eleksyon" sagot naman ni Boy Abnoy. Nais kasi ni Boy Abnoy na ipahatig sa publiko ang kasinungalingan ng gobyerno tungkol sa Monumento Revolution. Ang Monumento Revolution ay isang pangyayari sa bansang Pilipinas, kung saan nais patalsikin ng iilang tao sa gobyerno ang dating presidente na si Fernando Marcelo Coseteng. Si fernando Marcelo Coseteng ay isang pinuno kung saan nais niyang mag karoon ng disiplina ang bawat sa pilipino, kaso madami ang hindi naka intindi sa paraan ng pamamalakad ng dating pangulo. Ang nais nila ay maging "MALAYA". Malaya? malaya sa korapsyon, malaya sa droga, malaya sa krimen, malaya sa lahat ng aspeto ng buhay kriminal. Pati ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno ay nasasangkot sa hindi ka nais nais na gawain tulad ng pagmamalabis sa kapangyarihan. Ito sana  ang gustong baguhin ng susunod na bise presidente, at ito ay si Fernando Marcelo Coseteng Jr. o mas kilala sa tawag na Long-Long.





Hangang dito na lang muna may kasunod pa yan.. Sa mga makaintindi ng sinusulat ko salamat. sa mga nakakaintindi at naniwala sa mga teacher nila sa pangyayare noong dekada 80. pasensya na. ito ang talagang totoo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CANCERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon