Chapter 9
Bullet's POV
"Bilisan mo naman maghanap Bullet, mahuhuli pa tayo nito eh." Knife.
"Teka lang pwede ? Ikaw kaya maghanap no ? Mang gugulo nalang kayo at lahat lahat eh kailangan talaga maganda pa suot niyo ?" bwisit tong dalawang to.
"Tss, ang dami mong sinasabi diyan, bilisan mo na mamaya niyan pababa na yun si Yandel." Nalu.
Hayy nako ! Bakit ko ba kase naging kaibigan ang dalawang to. They are really pain in the ass. Nandito kami sa isa pang bahay na pag aari ng family namin. Uhm, minsan lang ako bumisita dito kapag kasama lang sila Yandel. May apat na kwarto dito, tatlo sa taas isa sa baba, sala, c-r , kusina ah basta kumpleto siya para sa isang bahay. Pang tambayan lang naman dito at pag may gagawing kalokohan sila Nalu tss. Nandito kami sa baba ngayon at naghahanap ng masusuot, bakit ? Gusto lang naman ni Knife at ni Nalu na sundan namin sila Yandel at Micah sa date nila, mga baliw diba ? Hindi na sila nakuntento sa pagsunod namin kila Dagger gusto pa nila na sundan yung kila Yandel, mga walang pag asa at pag unlad sa buhay ang dalawang to' hindi ko din alam kung bakit naging magkasundo sila sa ganito well alam ko naman na pumapangalawa si Knife kay Viahm sa pagiging close kay Ace pero kay Nalu ? Ewan ko ba.
"Bullet ?" katok ni Yandel sa pinto, bukas naman yon pero kumatok lang siya.
Sa pagkagulat namin ay nagkatulakan pa sila, si Nalu sa sobrang taranta ay pumasok sa baul na pinag hahanapan namin ng damit at sinara niya yun, parang tanga talaga siya, si Knife naman ay nagkunyaring nagbabasa ng libro sa tabi ko.
"Oh, Yandel." ako nalang ata ang matino ang pag iisip ngayon.
"Alis na ko. Iiwan ko muna dito yung bag ko babalikan ko nalang mamaya, dito lang naman kayo diba ? Pupunta ba sila Viahm dito mamaya ?"
"Ahh sige, oo pupunta sila." sabi ko nalang.
"Okay ! Alis na ko." tatalikod na sana siya pero napatingin muna siya kay Knife. "Hey Knife, kelan ka pa natutong magbasa ng libro na nakabaliktad ?" bigla naman napatingin si Knife kay Yandel at napatingin sa libro na hawak niya. Ugh, baliktad nga.
"Ngayon lang, nagpapractice palang ako." magaling din talaga magpalusot to si Knife.
Hindi na sumagot si Yandel at lumabas na ng tuluyan. Paglabas naman ni Yandel ay mabilis na lumapit sakin si Knife, si Nalu naman ay mabilis na binuksan ang baul at pawis na pawis pa siya ng makita namin.
"Ano ba yan, tumae ka ba sa loob ?" tawa tawang tanong ni Knife.
"Ikaw kaya magkulong dito, bwisit kase na Yandel to eh bigla bigla nasulpot." pinunasan ni Nalu ang pawis niyang namumuo muo pa at umalis na ng tuluyan doon.
Ipinagpatuloy na nila ang paghahanap ng damit at nakahanap naman sila, aish hindi ko alam ang pumasok sa utak nila at talagang magsusuot sila ng damit pa ng mga kalolo-lolohan at kalola-lolahan ko mga baliw talaga. Si Knife ay nagdisguise na kunyaring may edad na lolo, may suot siyang wig na pang matanda na, naka slacks na itim at naka-stripe na t-shirt at naka tuck in pa. Si Nalu naman ay nag asta lola , suot niya ang partner na damit na kulay pula, blouse at short yun, may wig siya na kulot at naka salamin. At ako ? Ayoko sana pero pinilit nila ako arrrggghhh ! Sasabihin daw nila kay Althe yung ginawa ko habang natutulog siya pag di ako nagsuot non' mga bwisit, bakit ba kase nila nakita yun ?
Pinagjumper over tshirt nila ako, high sock, may nerdy glass at hinati ang buhok ko sa gitna at nilagyan pa ng wax na parang kahit mag head bang ako ay hindi magugulo. F*ck ! What now ? I look liked their grand-grand child. Bwisit na Nalu kase to ang daming alam. Hindi talaga kami makikilala kung sino man ang makakakita samin.
BINABASA MO ANG
Chasing Apple
HumorI don't attach weigh to love. I f*cking really don't But ... Once Upon A Time IT TURN THE OTHER WAY AROUND....