Si Kuya Ang Nauna

680 3 0
                                    

#SKANPaglayo (Chapter 3/5)

Nagising ako dahil sa lamig ng aking naramdaman. Bumangon ako agad at napadaing ako dahil sa sakit ng aking tiyan. Napansin ko na wala akong suot ni isang damit. Nakatulog pala ako matapos ng ginawa sakin kuya. Bigla akong naluha matapos kong maalala ang nangyari samin ni kuya kagabi.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko.. 1:30 na ng umaga.. Sinubukan kong bumangon kahit masakit ang katawan ko. Paika ika pa akong naglakad papuntang banyo. Maligamgam na tubig ang pinagbanlaw ko para mabawasan ang lamig sa aking katawan. Pagkatapos ko magbanlaw ay nagbihis narin ako ng pantulog at humiga na ulit ng kama.

Pinilit kong ipikit ang mga mata ko pero hindi na ako makatulog. Naalala ko ulit ang nangyari samin ni kuya kagabi. Hindi ko maisip na magagawa ulit niya sakin yun. Sinusubukan ko ng kalimutan ang ginawa sakin ni kuya nung bata pa ako pero mukhang hindi ko na maalis ito sa utak ko dahil ginawa na naman niya ulit. Wala akong ibang hinangad kundi maging okay kami ni kuya pero sa ginawa niya sakin, wala na akong kilalang kuya..

Kring!!! Kring!!! Kring!!

Nagising ako sa ingay ng alarm clock. 5:45 am na panigurado, lagi kasi itong nagaalarm kapag 5:45 am para hindi ako malate sa school. Pero wala naman akong pasok ngayon, nakalimutan ko lang i-off kagabi ang alarm..

Sinubukan ko umidlip ulit pero di na ako makatulog kaya bumangon na lang ako at lumabas ng kwarto. Dahan dahan akong bumaba papunta ng kusina pero laking gulat ko ng makita ko si kuya na naglalagay ng pagkain sa lamesa.

"Oh,nandyan ka na pala bunso. Goodmorning! Gigisingin pa sana kita..Tara breakfast na tayo." nakangiting sabi ni kuya na parang wala syang ginawang masama sakin..

"Hayop ka! Ano ha?! Magdadrama ka dyan na kala mo wala kang ginawa sakin kagabi!! Napakababoy mo! Kuya pa naman kita pero nagawa yun bagay na yon!!!." agad kong sabi kay kuya sabay hampas at suntok ko sa kanya pero nasasalag niya lahat ng mga suntok ko.

"Sorry bunso, hindi ko naman sinasadya yung nangyari kagabi. Lasing ako at may pinainom sakin ang mga kaibigan ko, at ngayon ko lang naisip na drugs pala yun..Patawarin mo sana ako sa nagawa ko." sabi ni kuya habang hawak niya ang dalawa kong kamay..

"Hindi sinasadya?! Wow ha! Ang dami mong dahilan para makalusot ka sa nagawa mo. Bata pa lang tayo lagi mo na akong pinaparausan tapos sasabihin mo na hindi mo sinasadya!! Kagaguhan yun KUYA!!." sigaw ko sa kanya at halos kita ko na maluhaluha na siya..

"Bunso, sorry. Patawarin mo ko. Di ko talaga sinasadya. Matagal ko ng pinagsisisihan ang ginawa ko sayo. Kaya sana--" sabi ni kuya pero agad ko siyang sinuntok sa mukha at agad nagdugo ang labi niya..

"Ito na ang huling beses na tatawagin mo akong Bunso, dahil wala na akong kilalang Kuya!. Sayang! Salamat na lang sa ilang taon na naging close tayo. Ngayon kasi ay ilalayo ko na ang sarili ko sa mga taong walang kwenta!." sabi ko kay kuya. Bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako mula sa likod.

"Wag mo naman gawin sakin ito bunso..Hayaan mo muna ako magpaliwanag.. Bigyan mo ko ng isa pang pagkakataon..Please! Pinapangako ko na hindi ko na ulit gagawin sayo yun. Parang awa mo na bunso. Please give me a chance!." pagmamakaawa ni kuya habang nakayap parin sa likod ko at umiiyak..Kumalas ako sa yakap niya at hinarap siya.

"Mga bata pa lang tayo ay Idol nakita pero simula ng gawin mo sakin ang kababuyan na yun ay nagiba na ang tinggin ko sayo at sa sarili ko!. Habang lumalaki ako ay sinubukan kong burahin sa isipan ko ang mga ginawa mo. Nakipagclose ako sayo, tinawag kitang kuya kahit labag sa puso ko, ginawa ko yun para makalimutan ko man lang ang ginawa mo sakin. Pero habang tumatagal na realize ko na kailangan na kitang patawarin dito sa puso ko kaya ginawa ko para maging okay na tayo at ang sarili ko.. At napatawad na nga kita noon at naging okay na nga tayo. Pero anong ginawa mo sinira mo nanaman ulit ang tiwala ko!. Pasensya kuya, pero hindi ko kayang patawarin ka." mahaba kong paliwang kay kuya.

Tag-InitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon