Chapter 13
Okay. Aamin na ako. In love ako kay Frina.. sa wakas.
Pero nakakainis. Bakit ngayon pa?! Kung kailan magbabakasyon na at gagraduate na kami?
Wrong timing!
Badtrip!
At sa hinaba-haba nga ng stay ko sa Xavier High, sa graduation din nauwi ang lahat!
Ang totoo, ayoko na mag-graduate! Natatakot ako. Hindi ko kaya na mag-isa. Ayoko ng lumayoooooooooooo~
Pero ano nga ba ang meron sa amin? Alam ko gusto ko siya.. Hindi ko alam kung ako gusto rin niya pero feeling ko.
OO!
Nahawa na ako sa pagiging FEELER niya e! Hindi na kailangan pa ng mga salita para sabihin na gusto namin ang isa’t-isa. Sapat na ang actions namin.
Come graduation day, hindi ko siya nilapitan. Tinangka kong gawin pero hindi ko nagawa. Natakot ako. Hindi sa kanya kundi sa nanay niya, baka mapatay ako e. Natakot din ako kasi hindi pa alam ng mga barkada ko. Baka ilaglag pa nila ako. Pero para saan pa na ilaglag ako E nahulog na rin naman ako kay Frina?
Tengene. Bumabanat.
Natapos ang Graduation Ceremony at nagkagulo na ang madlang tao.
Hinanap ko si Frina. Hindi ko siya nakita. Pumunta ako sa linya ng mga girls. Hinanap ko siya doon pero FAIL.
Tapos..
“Blue!”
Lumingon ako saka hinanap ang tumawag. Nakita ko siya. Lumapit siya sa akin. Nakangiti.
“Congrats!” inabot niya ang kamay niya for shake hands.
At ewan ba, instead na abutin yun e niyakap ko na lang siya. Niyakap ko siya. Umiiyak sya.
Parang tumigil na ang oras nung moment na yun! Pagkakataon ko na sana yun para sabihin sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin kaso wala na akong nasabi. Niyakap ko na lang siya.
Hanggang sa huli ang torpe ko pa rin.
Natigil ang eksena naming nung nagsigawan ang mga kaklase namin nung nakita kaming dalawa na magkayakap sa pangunguna ni Shie at Chrissy.
“WOOOOOOH. ALICEPER FOR LIFEEEEE~”
Kahit kelan.
Panira silang lahat :’)