Sigurado ka na ba sa pinasok mo?
Alam ko kasing alam mo na mahal niya pa rin ako.Kakayanin mo bang tumitig sa mata mga niya na repleksyon ko ang makikita at hindi sa'yo?
Matitiis mo bang paulit ulit niyang binabanggit ang pangalan ko habang siya'y nahihimbing sa tabi mo?Kahit anong gawin mo sa ngayon, ako at ako pa rin ang kanyang reyna.
Patuloy niya akong sasambahin kahit siya'y pinagtabuyan ko na.Simula pa lang, binalaan na kita.
Mag-ingat ka tulad niya
Na nagmamahal nang sobra.Sana ri'y matulungan mo siya
Na limutin ang tulad kong
Babaeng siya ay tinalikuran na.