Chapter 49: "Fiance"

191 6 1
                                    


Chapter 49: "Fiance"


Clary's POV


Magda-dalawang lingo na rin simula nung nalaman kong ex-boyfriend ko si James este Jamie pala. Simula non pinili kong magpaka-busy na ako sa coffee shop para lang di maisip yung bagay na yon. Para di ko ma-feel yung pain. Para makalimot ako kahit saglit lang dahil sa trabaho.


Minsan nag-aasikaso ako ng mga papeles na related sa coffee shop ko. Minsan naman tumutulong ako sa pagbe-bake ng mga tinapay, minsan naman tumutulong ako sa pag-gawa ng mga kape or frappucino. Minsan sa cashier ako nag-uubos ng oras.


"One strawberry frappucino, one pure black coffee and two classic bread." Dinig kong sabi nung isang lalaking costumer sa cashier namin. Ngayon, sa pag-gawa ng mga coffee at frappucino ako tumutulong.


Ginawa ako agad yung order nung lalaking costumer. One strawberry frappucino, one pure black coffee and two classic bread. Pagkatapos kong gawin yung mga inorder nung costumer tinanong ko na lang sa cashier naming kung anong table number nung umorder nito.


Table No. 11..


Nilagay ko agad sa tray yung orders niya at dumiretso na sa table no.11 para i-serve yung orders niya. Isa-isa kong nilapag sa table niya yung mga inorder niya at tumalikod na papunta sa working place namin nung biglang nagsalita yung costumer.


"Clary?" sabi nung lalaking costumer. Mukhang gulat pa ata siya. Wait, teka bat alam niya yung pangalan ko?


Well, ako nga pala yung may-ari nito kaya posibleng malaman nila yung pangalan ko. NIlingon ko agad yung lalaki at nagsalita.


"Yes sir? Do you need anything?" sabi ko sabay yakap sa tray.

"You don't know who I am?" taas kilay niyang sinabi.

"No sir. I'm sorry." Sabi ko at yumuko ng bahagya.

"Talaga? This fcking handsome face? Di mo to kilala?" sabi niya habang hinihimas pa yung baba niya sabay look up. Tsk. Feeling naman siya gwapo siya.


(Hmm, well medyo gwapo naman pero ang kapal! Sobrang mahangin pa!)


"Sorry sir. I really don't know who you are. Enjoy your coffee." Sabi ko sabay talikod ulit at saka nagsimulang humakbang papunta sa kitchen.

"Strawberry is your favourite. Right? The strawberry frappucino is yours." Pahabol ni kuyang mahangin. Pano niya nalaman na favourite ko ang strawberry? Another friend from my past? Kung oo, maybe he can help me remember. Kahit konti lang..

"Sino ka ba talaga?" sabi ko sabay harap sa kanya at lumapit ng konti. Humigop muna siya ng kaunti sa mainit niyang black coffee tsaka tumingin ng diretso sakin at nagsalita ng tuluyan..

"Di mo talaga ako kilala noh?" ngisi niya.

"Sorry ha. Naaksidente kasi ako. Amnesia." Sagot ko.

"Hmm, okay. I'm your fiance." Plain niyang sabi.

"Excuse me? Fiance? I mean.. What the.. Fiance kita?" sabi ko. Woah! Siya? Si kuyang mahangin? Fiance ko si kuyang mahangin?

MY BESTFRIEND IS A GANGSTER | JADINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon