...

38 0 0
                                    

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1213859141958830&id=100000042675405

"Kasi kung journalist ka na tama, wala namang gagalaw sa iyo, especially if it is true. I mean, you cannot hide the truth, by the way, " he said.

"Just because you are a journalist, you are not exempted from assassination if you are a son of a bitch," he added.
-Rodrigo Duterte

at sa aking pagbasa ay nabigo, nasaktan, lumuha ang puso kong ang tanging hiling ay makapagsulat para kay Inang Bayan.

Sa aking pagkamusmos pa lamang ay pinangarap ko na ang naging isang manunulat o  mamamahayag. Pangako ko nga noon sa aking sarili, na ako susunod sa mga yapak ni Jessica Soho.

Pangarap kong isulat at ihayag sa mga mamamayan ng Pilipinas ang katotohanan sa bawat kaganapang mangyayari sa bansa, ano man ang maging kapalit nito.

Kaya naman sa aking pagtungtong sa kolehiyo, sinikap kong kunin and kursong nais ko: Journalism. at araw-araw akong pumapasok ng may ningning at saya sa aking mga mata. Masaya dahi alam kong ilang taon pagkatapos ko ng kolehiyo ay makakapagsulat na ako para sa bansa.

marami na ang nagsabi sa akin na maliit ang kita ng isang manunulat. Kung hindi ka  nabibilang sa mga magagaling, ay sapat lang ang kikitain mo para sa pang araw-araw na gastusin. Kadalasan nga raw ay kulang pa. Ngunit hindi ako nagpapigil, dahil pagsusulat ang nais kong gawin sa aking buhay. Gusto kong malaman ng mga tao ang dapat nilang malaman. gusto kong  maglakbay at isulat ang mga mgagandang ala-ala aking maiipon sa bawat lugar. nais Kong sumulay ng tula para sa nga umiibig, nagluluksa, matatanda man o paslit. Hangad kong makipagunayan sa buong mundo gamit ang mga salitang binuo ng tinta at inilapat sa papel.

Ngunit...
Nang aking mabasa ang sinabi ng Uupong Presidente ng Pilipinas, nakaramdam ako ng matinding pighati

Ang panayam na aking nabasa ay tungkol pa sa nangyaring Maguindanao massacre, isang pangyayari sa  nakaraan kung saan  daan daang mamahayag ang brutal na pinatay at ibinaon sa lupa.

Ayon sa susunod na Presidente,
Karamihan sa mga namatay ay korup, mga manunulat na nagpasuhol para kampihan ang isang kandidato. Nararapat lamang daw ito sa kanila, dahil kung isa ka naman daw maayos at matinong manunulat ay walang mangyayaring masama sa iyo.

Nang tanunging pa nga sya tungkol sa isang brodkaster sa Davao na nagngangalang Jun Pala, namatay noong 2003 at isa sa mga Kritiko ni Duterte, ay ito abg kanyang isinagot:

"Ang example natin dito, kung tagarito ka man, si Pala. I don't want to demean his memory but he was a rotten son of a bitch. He deserved it. Eh ganu'n eh,"

"Of course I know who killed him. Kasi binastos niya 'yung tao eh."

Nagbalik tanaw sa aking ala ala lahat ng naganap noong mga nagdaang taon.

Si Ginoong Gerry Ortega, isang Journalist at Kritiko ng dating Gobernador ng Palawan ay ipinapatay noong Enero 24, 2011.papunta sana sya sa Maynila para sa kanyang ten  Million Signatures campaign laban sa pagmimina sa Palawan.

Agosto 28, 2015- si Cosme Maestrado, isang Brodkaster na kilala sa pagtuligsa at korupsyon at dating Media consultant ng Mayor ng Ozamiz City, Misamis Occidental ay  namatay matapos itong pagbabarilin ng sampung beses.

Si Teodoro Escanilla naman, Radio anchor ng DZMS radio at Spokesman ng Karapatan Human right groups sa Sorsogon ay binaril sa tapat ng kanyang bahay noong Agosto 20, 2015.

Binaril din sa tapat ng kanyang tahanan si Gregorio Ybanez,  newspaper publisher sa Tagum City, Davao noong Agosto 18,2015

At noong Enero 8, 2015, si Nerlir ledesma ang kauna unahang mamamahayag na pinapatay sa taong 2015.

Ayon sa CNN, meroon 77  journalists na ang namatay sa Pilipinas mula noong 1992. Lahat sila ay pinapatay liban sa dalawa. 

Lahat laban sa korupsyon, pagmimina, o kahit na ano pa mang uri ng pang aabuso, lahat isinulong ang karapatang pantao, lahat magsilbing boses ng mga mamamayan

Nakalulungkot isipin na ang tingin ng ating susunod na Lider ay nararapat sa mga mammahayag na ito ang mamatay dahil may ininsulto silang tao, at sila ay mga "son of a bitch" . Na si Marcos ay isang Bayani, habang ang mga taong buong tapang at malasakit na nagsulat ng katotohanan  para sa bayan ay naiwang nakalugmok sa lupa. Na ang tingin ng magiging pinuno ng bansang ito sa nga namatay na brodkaster ay mga bayarang diniktahan lamang ng mga sakim para magsulat para sa kanila.

Sa kabila ng lahat ng kapahamakan, ibinuwis nila ang kanilang buhay at ng kanilang pamilya upang maging mikropono ng bayan. Namatay sila ng may ipinaglalaban, ng may dangal, .namatay sila na ang mga tinig ay pilit na binubusalan.

Kung ang mga manunulat na namatay at malalagay sa panganib dahil sa pakikipaglaban para  karapatang pantao, kalikasan, mapigil ang korupsyon, o kahit na anong maling gawain ay tatawagin mong "son of a bitch", sasabihin ko sayo, ginoong presidente, ipagsisigawan kong isa ako sa kanila. "YES, I AM A SON OF A BITCH"  at patuloy kong aabutin anv aking pangarap, kasama ng mga kapwa kong nangangarap maging manunulat  at sabay sabay naming ipaglalaban ang karapatan ng Pilipinas. 

Sources:
gmanetwork.com
Wikipedia.com
Theguardian.com
Cnn.com
Www.hrw.org

Dalawang Libo't Labing Anim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon