*Edwin's Pov
Isa na namang araw na punong-puno ng pag-aasa ang bumulaga sa'kin. Umaasa na baka mapansin din nya ako. Umaasa na sana kahit 0.5 millisecond lang maglapit ang mga mata namin.
Asa-asa! Puro na lang asa! Wala na'kong nagawang matino! Sabi nga nila diba? Iwas-Asa para Iwas-Nganga! Pero 'di ko pa'rin mapreno ang sarili ko na mahulog sa kanya. Kay Zoey.
Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko, umaasang lumabas sya doon sa bahay nila na katapat lang ng bahay namin. Tama nga ako.. Nandoon nga sya sa labas ng bahay nila na may kausap.
May kausap syang ibang lalaki. Ang laki ng ngiti ni Zoey habang kausap nya ang lalaki. 'Yan ang pinakamagandang bagay sa buooong mundo. Ang ngiti ni Zoey. Pero masakit lang dahil naiibigay nya ang ngiti na 'yan sa ibang lalaki. Sana pala hindi na ako sumilip pa kung ganito lang ang makikita ng mga mata ko.
Bigla niyakap ng mahigpit ni Zoey ang lalaking 'yon. Sa tingin ko, ito ang boyfriend niya.
UMAASA. Yung feeling na palagi syang nasa isip ko sya at lagi akong naghihintay na ma-notice niya din ako.
Hindi ganun kasakit pakinggan pero, napasakit maramdaman.
--Isang araw, nahuli ko sa akto na bibili si Zoey sa sari-sari store na malapit sa bahay namin.
Syempre ako naman, gagawa na ako ng move para mapalapit ako sa kanya!
Bumaba din ako sa kwarto ko at lumabas para bumili. Kahit na hindi ko pa alam kung anong bibilhin ko, pinili ko paring bumili.Grabe! Ang bango-bango ng buhok nya! Kahit na medyo malayo ako sa kanya, naaamoy ko ang mabangong scent ni Zoey nung nandito na ako sa sari-sari store.
Nasaksihan kong bumili sya ng mantika at yelo.
Teka, ano bang bibilhin ko?! Wala naman akong balak bumili eh! Gusto ko lang talagang makita si Zoey. Wala pa naman akong dalang pera dito!
"Ano sa'yo, iho?" Tanong sa'kin nung tindera. "May bibilhin ka ba?" Dagdag nya pa.
Baka mapansin ni Zoey na sinusundan ko siya! Ayoko namang layuan niya ako! Hanggang ngayon 'di pa din sya umaalis kasi hinihintay nyang matimbang yung yelo na binili nya.
"Ah.. Ano po... Stik-O lang po, isang piraso." Sabi ko na nauutal-utal pa!
Maraming salamat sa piso na nakapa ko bulsa ko! Nang dahil sa'yo, may dahilan ako sa kanila kung bakit ako nandito!
Kinuha nung tindera yung isang pirasong Stick-O at binigay sa'kin. "Sus! Stick-O lang naman pala!" Sabi nung tindera. Napansin kong nakaalis na pala si Zoey dito sa store.
Nalungkot ako ng konti. Pero okay lang kasi nakita ko sya! For once in my life, hindi ko na sinubukang maging masaya. Kapag katabi ko sya, nangyayari na.
--Sumapit na naman ang gabi at nagpapaka-busy ako.
Nag-susulat ng kung ano-ano, nag-cocomputer, nood ng T.V, nag-toothbrush, nag-exercise, at kung ano-ano pa. Pero sa tuwing mahihinto ako, si Zoey parin ang nasa isip ko. Kanina lang nakita ko ulit syang nakipag-usap doon sa lalaking iyon na dala pa rin yung ngiti niya. Mukhang masayang-masaya si Zoey na kasama yung lalaking iyon. Sana nabulag na lang ako kanina para 'di ko na lang 'yon nakita.
*Tok Tok Tok* May kumatok sa pintuan namin downstairs. Bumaba ako, nakita ko si mama na natututulog kaya hindi nya naririnig yung kumakatok.
Hindi pa rin ako nagtitiwala kung sino yung kumakatok.
Baka mamaya, akyat-bahay, o magnanakaw! Naku Lagot! Hindi pa ako handang mamatay!
Dali-dali akong kumuha ng frying pan sa kusina bilang sandata ko kung akyat-bahay man sya o something.
*TOK TOK TOK* This time, ang lakas ng pagkaka-katok nya! Naku, kabahan ka na, Edwin!
Pagbukas ko ng pinto,
.
.
.
.
.
.
.
."Tinolang Manok pa'ra sa inyo!" May dala syang ulam.
Badtrip! Siya lang pala. At bakit naman sya pupunta dito para bigyan kami ng ulam!? Tsk. Ito talagang lalaking ito! Nakaka-ilan na nga sya kay Zoey eh.
"Para kanino 'yan?" Tanong ko sa lalaking iyon.
"Para kanino pa ba? Edi para sa inyo! Eto oh." Binibigay na nya sa akin ang ulam.
"Salamat ah... Sige pasok ka muna." Pinapasok ko yung bokyang lalaki na yon. Kahit na ang bait nya sa'kin, 'di pa rin mawala sa isip ko ang inis sa kanya.
Alam kong wala akong karapatan pero nakakaasar!
"Ang ganda at ang linis naman ng bahay ninyo." Nilibot nya ang tingin nya sa bahay namin habang nakaupo na kami sa sofa. "Matagal na ba kayo dito?" Tanong nya.
"Ah oo. Dito na ako lumaki." Sabi ko sa lalaki. Masasabi kong, pogi sya, matangkad, maputi, chinito. Siguro kaya din naging sila ni Zoey dahil nasa kanya na ang lahat.
"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo? Gusto lang kasi kitang maging kaibigan. Tsaka magkwento ka na din tungkol sa buhay mo." Sabi nya sa akin.
"Ako si Edwin Reyes. 18 years old na ako. Yun nga, katulad ng sinabi ko, matagal na kami dito dahil dito na ako pinalaki. Nag-aaral ako sa BayView Academy." Pagpapakilala ko.
"How about your family? Yung nanay mo lang ba ang kasama mo? May kapatid ka ba?" Tanong nya.
Ano ba 'to? Bakit kailangan nya akong interview-hin? Bakit ko din ba pinagkatiwalaan kasi ang lalaking 'to?
"Wala akong kapatid. Kami lang ni mama ang natira sa pamilya namin dahil matagal ng patay ang tatay ko." Shocks. Naaalala ko na naman yung aksidenteng nangyari kay Papa. Erase! Erase! Bawal sad!
"Oops. I'm sorry. Really really sorry."
"Hindi okay lang. Oh, tapos na ako. Ikaw naman!" Sabi ko sa kanya.
Nagkuwento din sya tungkol sa kanya. Sya nga pala si Anthony Jai Ferrer. Nagkuwento din sya tungkol sa buhay nya. Meron pala syang mga kamag-anak dito sa lugar namin. May pinsan at mga kapatid sya. At kung tatanungin nyo kung may girlfriend ba sya,
OO ang sagot nya. Sa tingin ko, alam ko na kung sino yun.
Lumubog na din ang gabi at 'di na sya nagpatagal pa. Nakakainis kasi! Bakit pa ba sya nakipag-kaibigan sa'kin. Yan tuloy, alam ko na yung status ng buhay nya. Alam ko nang may girlfriend sya!
Hinatid ko sya hanggang sa labas ng bahay namin.
New friend in town. Please welcome, Anthony Jai, na boyfriend ni Zoey! :'(
BINABASA MO ANG
Wrong Thoughts
Short StoryThink Positive. Don't let your mind be poisoned with your wrong thoughts. [Year 2016]