Umiiyak akong nakatingin sa litrato naming dalawa. Ang sakit. Ang sikip sa dibdib. Bakit? Hindi ko matanggap na wala na.
"Nagkulang ba ko Hubby?" Malungkot kong sabi habang nakatingin parin sa picture naming dalawa. Stupid mo naman Rhian! Wag mo na ngang tawagin hubby iniwan kana nga niya e!
Nandito ako ngayon sa kanila. Pinapunta niya ko. Magkakaayos na kaya kami? Sana.
"Dyan ka muna kukuha lang ako ng miryenda." Sabi niya ng di nakatingin sakin. Nakaramdam ako ng panlalamig? Bat ang cold ata niya? Nalulungkot ako. Di ko parin tanggap na nakipag cool off siya sakin. Bakit siya nakipag cool off? Dahil daw nagbago na relasyon namin. Sus. Abnormal ata siya. Siya lang nagsabing may nagbago e. Ugh! Sabi naman niya walang magbabago pero nung tinanong ko siya kung bakit di siya nagtetext sakin, ang sagot niya tinatamad daw siya magtext. Ganda ng sagot niya nu. Akala ko ba walang magbabago. Nakakainis lang. At ngayon nga pinapunta niya ko dito. Makipagkasundo na kaya siya? Napatigil ako sa pagiisip ng makaramdam ako ng isang tunog?
*Vibrate. Vibrate. Vibrate*
Vibration pala. Saan naman yun nanggaling? Hinanap ko iyon at napatingin ako sa table. Pagkalapit ko don ay napakunot ako ng noo. Cellphone niya? Na nakatago sa ilalim ng table cover? Bakit niya tinatago cellphone niya? Kinuha ko yung cellphone. Binuksan ko yon, ang dami niyang messages. Ng babasahin ko ang mga messages para akong nanghina sa mga nabasa ko.
[Iloveyouuuu bbyyyyy!]
[Text moko katapos mo magcharge ha! Iloveyouuuu!]
[Letse ka! Tatadtarin talaga kita. Haha. Bbyyy! Iloveyouuuuu!]
Lahat yun ay galing sa Tita na nakapangalan dito.
Tita? Sinong tita? Wag niyang sabihing pumapatol na siya sa mas matanda pa sakin. Eeeew!
Naisip kong replyan siya. Naguguluhan ako e.To: Tita.
Sino to? Pinsan ni Rio to.*Sent.*
Sh*t! Dinig na dinig ko yung malakas na kabog ng puso ko sabayan mo pa na parang gusto ko matae. Ts. Bakit ako kinakabahan? Maya maya lang nagvibrate ulit ito.
From. Tita.
Future girlfriend. Maybe. :)Hindi ko alam kung matatawa bako o ano. Kasi naman di ko pa sigurado kung sino to. Ts. Pero Anong ibig sabihin nito? Niloloko na ba ako ni Rio? Hindi paba obvious? Bakit ang tanga ko? Mas lalo akong kinabahan. Nakarinig ako ng mga yabag papunta dito.
"Kia. Ano bang ginagawa mo dito?" Narinig kong tanong ni Rio. Kia? Sinong Kia?
"Bby. Hindi mo ba ko namiss?" Sagot ng isang babae. Bby? Siya na ba yon? Bakit parang pang dalaga yung boses? Tumayo nako at tinungo ang pinto. Natatakot man ay linabanan ko parin to. Iba e, iba kasi kutob ko. Kailangan ko ng malaman ang katotohanan. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto. Kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang pagtulo ng aking luha. Magkayakap si Rio at yung babae. Dahil sa galit nilapitan ko yung babae at hinablot yung buhok niya.
"P*ny*t* kang higad ka!" Galit kong sabi.
"Araaaay!" Sambit niya habang pinipigilan ang mga kamay ko sa pagsabunot sa kanya. Nagulat naman si Rio sa ginawa ko at pilit niya kong pinipigilan.
"Ouch! Buysit kang babae ka! Bitawan mo buhok ko!" Mangiyak ngiyak niyang sabi.
"Kakalbuhin muna kita!" Sagot ko at buong pwersa kong hinila ang buhok niya. Napatili siya sa sakit.
"Rhian! Stop it! Ano ba!" Pasigaw na sabi ni Rio at inawat ako. Napabitiw ako sa buhok ng malanding yon.
"Ano ba! Bitiwan moko!" Nagpupumiglas kong sabi. Habang nakatingin sa babaeng to na humihikbi. Damn it! Ang kapal niya! Siya pa talaga ang may ganang umiyak ha!
"Tama na Rhian!" Sabi ni Rio na nakahawak sa braso ko. Ouch! Ang sakit.. Ang higpit ng pagkakahawak niya. Bat siya ganito. Tiningnan ko siya at napaiyak ako..
"Nasasaktan ako hu.. bby.." Pagrereklamo ko. Binitawan niya ko at nilapitan niya yung babaeng yun at inalalayan sa pagtayo. Mas naiyak ako sa kinilos niya.
"Ano bang nangyayari Rio?" Tanong ko.
"Ikaw babae ka! Bakit mo ginawa yon ha!" Inis na tanong niya habang pinipigilan siya ni Rio. Hindi siya makatingin sakin. Bakit?
"Bakit? Sino ka ba ha? Ang landi mo e!" Sagot ko habang tinitingnan ko siya ng masama.
"Malandi? Excuse me? For your information! Girlfriend ako ni Rio!" Ha? Girlfriend? Tama ba narinig ko? Kaya ba tita yung nakalagay dun. Kasi ayaw niya ipaalam sakin na may iba na siya?
Mas lalo akong nanghina. Sana mali yung narinig ko. Pumikit ako sandali. Pagmulat ko nagsalita ako.
"Girlfriend? Tama ba narinig ko?
"Mali ako ng narinig diba? Diba Rio?" Dugtong kopa at nakatingin ako sa kanya.
"Haha. What a jerk! Girlfriend niya nga ako! Bingi kaba? At sino kaba ha?" Matapang niyang tanong. This time nagsilabasan na ang aking mga luha.
"Girlfriend niya rin ako e!" Sigaw ko dahil sa sobrang galit. Napakunot siya ng noo.
"Girlfriend? Means kayo? Is that true?" Tanong niya kay Rio habang nakataas ang kilay.
"Ha? Kami? Walang kami. Maniniwala ka ba dyan bby?" Sagot niya na ikinagulat ko. Tama ba yon? Dineny niya ko? Sabagay tama naman siya, cool off kami. Pero di pa kami break!
"Ano bang pinagsasabi mo Rio?" Tanong ko parin. Ang tanga mo talaga rhian!
"Hindi mo bako narinig? Walang tayo!" Sigaw pa niya. Napapikit ako kasabay nun ay ang pagyukom ng akong mga kamay. Gusto ko siyang suntukin ng napakalakas.
"Bawiin mo yan! Lumayo ka sa babaeng yan!" Matapang ko paring sagot.
"Hindi! Bat ako lalayo? Mahal ko siya e!" Ouch! Sige lang! Ipangalandakan mo pang hayop ka!
"Mahal mo siya? Pano ako Rio? Ha? Pano ako?!" Todo todo na talaga ang pagiyak ko dito. Nanghihina narin ako.
"Since 2nd year highschool mahal na namin ang isa't isa. Pinahiram ko lang siya sayo at ngayon kukunin ko na siya, kaya kahit anong gawin mo hindi ko na ulit siya ibibigay sayo." Tumatawa niyang sabi. Mas lalo lang akong nainis. Pinahiram daw niya sakin? Aba. Bat wala siyang nakapangalan niya. Ts. Ano yon? All along niloko lang ako ni Rio? Naiyak nalang ako. Ang sakit. Ang sikip sa dibdib.
"Umalis kana Rhian!" Hindi ko na talaga nakaya. Sobra nato. Tinataboy niya ko? Tumayo ako. Aalis nako katulad ng sinabi niya. Hindi ko na kaya. Ang sakit sakit na. Umalis ako don. Rinig ko ang
Napapikit nalang ako sa pagalala ng lahat. Sobrang hirap! Pagkauwi ko nun kagad kong binuksan ang facebook account ko. Tinanggal ko lahat ng bagay na about samin. Dala ng sobrang sakit, poot, at galit! Even pictures, mga pinost ko na status, at pati ang status ko na In a realtionship with thingy. Hanggang ngayon ramdam ko parin ang sakit. Di muna ako nagbukas ng facebook account dahil nagpopost si Rio about sa babaeng yun. Napatingin nalang ulit ako sa picture naming dalawa. Hinaplos ko yon.
"Goodbye Hubby. Goodbye fourteen." Nasabi ko habang napaluha.
Maya maya nagulat ako ng may humablot sa picture.
"Hoy! Akin na yan!"
BINABASA MO ANG
Walang Forever.. TUNAY meron!
AlteleKumbaga sa libro, Ang alam ko tapos na chapter niya sa buhay ko but i was wrong may To be continued pa pala. Siya na ba yung Tunay? Tunay na pagmamahal?