Chapter 68

370 13 4
                                    

JANELLA'S POV

Hindi ko mapigilang hindi matawa nang mahagilap ko ang mata ni Jerome. He's already waiting for me outside the cafe he said he'd meet me. Naka white shirt lang siya at gray pants habang nakasuot ng black cap. Bumusangot ang mukha niya nang makitang nakatawa ako.

"Nakakatawa ba acting ko?"

Umiling ako at bumungisngis. Inirapan ba naman ako. Nagtetext kasi kami kanina habang nanonood ng Ipaglaban Mo episode niya na medyo bad boy siya at may dala pang baril.

"Eh bakit tumatawa ka?"

"Ang cute mo kasi," sagot ko saka ko na siya hinila papasok sa loob ng cafe na wala naman masyadong laman.

Natigilan ako nang may mapansin pagkapasok na pagkapasok sa cafe.

Pinamulahan agad ako ng pisngi. Pero hindi ko mapigilang matawa, kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ito.

Kunot-noo akong pinagmamasdan ni Jerome nang mapatingin ako sa kanya. Nagtaas siya ng kilay pero binalewala ko lang iyon at naghanap na ng mauupuan. Medyo malaki 'yung cafe at pinil kong doon maupo sa dulo kung saan hindi kami tanaw ng mga papasok sa pinto at uupo sa may mga lamesa doon.

"Anong meron doon?" Takang tanong niya pagkaupo sa harap ko.

"Wala.."

"Natatawa ka na naman. Panget ba ako umarte?" nakasimangot na sabi niya.

I shook my head. "Of course not. Ang cute mo lang talaga sa role mo." Seryosong sabi ko saka ko siya nginitian.

"Anong cute do'n? Bad boy ba mga type mo?" Matabang na sabi niya.

Natawa ako. "Ang cute kasi ikaw 'yung nag portray, okay?"

Nag taas lang siya ng kilay at nagpigil ng ngiti. Napailing ako. "Kinikilig ka, e."

"Oo naman," napangiti siya ng malaki. Magsasalita pa sana siya pero may waitress na lumapit sa amin para itanong kung anong order namin.

Sinabi ko 'yung order ko. Ginaya lang ako ni Jerome. Napataas ang kilay ko sa waitress nang mapansin kong halos kay Jerome lang siya nakatingin at ngiting-ngiti pa siya.

"Kayo po 'yung nasa Be Careful 'di ba?" Tanong niya. Ngumiti si Jerome sa kanya bago tumango.

Nanliit ang mata ko at hindi na nagsalita. Sumulyap si Jerome sa akin at parang nagdadalawang-isip kung pati ako ay sasabihin niyang gumanap rin doon pero umiling na lang ako.

Tumili 'yung babae at nagpaselfie sa kanya. Sinundan ko lang ng tingin 'yung waitress hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

That was weird. I just shrugged to shake off the thought.

"So anong plano mo sa Mother's day?" Pag-oopen ni Jerome ng topic.

"I don't know yet. Pupunta ka sa bahay bukas?"

"Baka hindi na," pumangalumbaba siya at sumandal sa lamesa. "Aalis kaming magkakapatid kasama si Mama."

"Sweet." I smiled. "Greet her for me."

Tumango-tango siya hanggang sa makarating na 'yung order namin. Napairap ako sa waitress na hindi ako binabalingan.

Napailing ako pag-alis niya. I don't like her.

"Janella.." Tawag ni Jerome kaya binalingan ko siya. Seryosong-seryoso ang tingin niya kaya kinabahan ako. I get scared whenever he's serious, pakiramdam ko may sasabihin siya palagi na makakasakit sa akin, tulad ng pag-iwan sa akin.

What's The Real Score? [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon