Valery's POV
" ok students alam niyo naman siguro bakit nandito kayo ngayon diba? " tanong ng Isa sa mga teachers ng Brent University.
Nagkaroon kasi ng contest sa school about sa research then sumali ako. Pinapasa kami ng mga research na ginawa namin. And ayun I'm kinda lucky kasi naisama ako para sa magaganap na research ulit pero kasama na yung taga ibang school pero di ko naman expect na mga yayamanin pala yung mga makakasama ko. And yung other reason kung bakit ako sumali kasi kapag kayo ang nanalo sa research na ito magiging scholar ka until maka graduate ka ng college.
" so as you can see 10 kayong lahat and hahatiin namin kayo by two's " sabi ng teacher.
pini pair ng teacher yung mga magkakapartner until pangalan ko na yung tinawag.
" Valery and Darren" sabi ni Teacher. Inikot ko yung paningin ko sa loob ng room kung naasaan kami ngayon. Hello? Di ko kasi kilala yung mga kasama ko dito. Ako lang kaya yung taga school namin na nakuha kaya ayun.
" good morning po. Sorry I'm late" sabi nung lalaking kakapasok lang at hingal na hingal pa.
" Mr. Espanto you're late again. By the way pumunta ka na sa partner mo. Kay Ms. Valery" sabi ng teacher tsaka ako tinuro. Tumango naman siya tsaka pumunta sa tabi ko.
I smiled at him. Friendly naman kasi ako " hello. I'm Valery" pakilala ko sa kanya
" Darren." Simpleng sagot niya tsaka ngumiti. Cute niya ><
" ok so yung topic niyo is about relationships. Yung iba't ibang klase ng relationships. You can interview someone depende na din sa inyo basta yun. We will be giving you 3 weeks to finish the research. Kayo na ang bahala kung kelan kayo magsisimula kung kelan kayo free basta we are giving you only three weeks . Understood?" Sabi ng teacher saamin.
" yes maam " sagot namin.
" okay. You may go now. " sabi niya tsaka siya naunang lumabas ng conference room.
" so..."
" so what?" Sabi ko pabalik sa kanya
" kelan ka free?" Tanong niya tsaka tumayo na.
Omg? Is he asking me out on a date?
" huh??"
" ah I mean about the research? Kelan tayo mag sisimula?" Tanong niya. Research pala. Ambisyosa ko naman.
." Uhmm, wala kaming klase this whole week kasi foundation ng school so any time this week I'm available. " sabi ko sa kanya as I was fixing my bag.
" may class ako eh. But until 3 pm only. Tsaka minsan may practice kami ng basketball" sabi niya
Lumabas na kami ng Conference room . He was walking first kaya nakasunod lang ako sa kanya. Di ko naman alam yung pasikot sikot sa school na to no!
" teka saan ba school mo?" Tanong ko
He faced me " here."
Oh kayyyy
" can I get your number nalang ? So that i can text you if ever may free time ako or what?" Tanong niya as he continued to walk again. Saan ba to pupunta ? Kanina pa kami naglalakad. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang students eh. May mali ba?
Maya maya pa pumasok kami sa cafeteria . Gutom yata tong si Darren eh.
" just sit there first. Wag kang aalis." Sabi niya tsaka umalis sa harapan ko. Ok?
Bumalik siya habang may dalang tray na puno ng pagkain. Patay gutom ba to? Dami ah.
Nilapag niya yung tray sa mesa tsaka umupo sa harapan ko. Ngumiti pa siya. Hay naku na fefeel ko pa fall to. nakakabwiset yung mga ngiting ganyan.
