Chapter 2: Hundred Evil Soul's Parade XVII

1K 67 0
                                    



"TUUUULLLONG! TULONG! TULONG!" Sigaw ng lalaking puti ang buhok.


Tinapatan ito ng spot light na nakuha ng mga taga evacuation center sa malapit na high school.

Puti ang buhok at medyo silvery ang mata nito. Putol ang kanang braso nito at kung tititigan mo ito ng mabuti ay mararamdaman mo ang parang banal na aura ang nagmumula sa katawan nito.


"Tigil! Sino ka!" Sigaw ng kumander habang itinutok nito ang isang advance version ng Armalite.


"Kamay sa sahig! Yuko!"


Agad namang lumuhod ang lalaki at inilagay sa sahig ang nag-iisa nitong kamay.


Tararararararararrattt!!


Pinagbabaril at pinagbabato ng mga fireball,iceballs at kung ano-ano pang skill ang mayroon ang mga gwardiya hanggang sa natakot ang malaking ulo at saka ito lumayo papasok sa tila gubat ng mga sira-sirang gusali at bahay sa labas ng evacuation center.


"S-s-salamat! Maraming maraming salamat po! Isang linggo na po akong hinahabol ng ulo na iyon! Lahat po ng kasama ko ay kinain na nito at ako lang po ang natira sa kanila!"


"Fighter ka ba?! Anong skill mo? " Tanong nito sa binatilyo na may putting buhok.


"Heal po! Healer po ako!"


Kumuha ng kutsilyo ang kumander at inihiwa ito sa braso niya!


"Ipakita mo sakin!"


Natigilan ang binatilyo na tila may iniisip sa kanyang utak. Medyo nag-alinlangan ito ngunit inilagay din naman niya ang kanyang nag-iisang kamay sa sugat ng kumander.

Nagulat ang lahat pati ang kumander!

Dahil imbis na gumaling ang sugat ng kumander ay may unti-unting lumabas na nana sa sugat nito. Mabilis na kumalat ito sa sugat.


"Hihihihi Rot!"


Nagkaroon ng itim ang braso nito at dahang-dahan nagsulputan ang mga medyo berde na madilaw-dilaw na nana.

Kumalat ang pagkabulok sa kanyang daliri hanggang sa ang hintuturo nito ay nahulog.

Nawala sa pagkagulat ang komander at ang mahigit twenty na gwardiya sa likod nito!

May lumipad na fireball patungo sa lalaking may puting buhok!

Nagroll ito sa kanan at sumigaw ng "Rot" .

May mga wind slash, may tinubuan ng pakpak , fireballs,iceballs at may earth spike pa nga na biglang lumabas sa lupa.

May nagsummon pa nga ng skeleton.

Pero iniwasan lang lahat ito ng lalaki na may puting buhok na tila sanay na sanay sa ganitong pakikipaglaban. Sumigaw ito ng "Alpha".

Mula sa kanang bahagi ng mataas na bakod, sa anino ng isang gumuho na tatlong palapag na apartment ay may malaking ulo na lumabas.

May lumabas na itim na kamay sa harap nito. Ang haba nito ay may 5-6 meters at ang kapal nito ay may 2 hanggang 3 na metro. Ang mga daliri nito ay patusok at ang kulay nito ay kulay uling.

Sinuntok ng kamay nito ang tatlong gwardiya sa kanang dulo ng mga gwardya.

Tararararararat!!!

Tararararararat!!!

ROT!
ROT!
ROT!
ROT!
ROT!
ROT!

Sunod-sunod namang cast ng lalaking may puting buhok. Naiwas ito sa mga projectile skills habang natakbo patungo sa malaking ulo. Kagaya ng lalaking may puting buhok ay nalipad naman ang ulo habang naataki sa mga gwardiya papunta sa lalaki! May dalawang gwardiya pa nga na nagsummon ng weird na bear at aso ang bigla na lang kinain nito.

Hanggang sa dalawang metro na lang ang pag-itan ng ulo at ng lalaki. Tumalon ito sa ulo at umupo sa tuktok nito. Lumipad ng mataas ang ulo habang nakasakay dito ang lalaking may puting buhok.

Habang pataas ng pataas ang ulo ay tuloy-tuloy pa din ang pagcast nito ng rot hanggang sa lahat ng gwardya ay wala ng magawa kung hindi tumingala sa kanila.

Natigilan ang lahat saglit ngunit nawala din dahil sa mga sunod-sunod na pagsigaw at pagpapanic na iyak!

"Ang paa ko!"

"Ang mga buhok ko! Unti-unti nalalagas!"

"AAAHHHHH ! "

"TANG INA!"

"ANONG GINAWA MO SAKIN!"

"ANG BALAT KO UNTI-UNTI NAHUHULOG!"

"TULONG! HEALER! TAWAGIN ANG MGA HEALER!"

Mula sa gate ng mataas na bakod ay may mga lumabas na tao. Tatlo lamang sila. Nagsimula ang mga itong gamitan ng Heal ang mga nabubulok na bahagi ng mga gwardya. Unti-unti naman nagaling ang mga ito ngunit kapag itinigil ang pagheal sa mga ito ay muling nabalik ang pagbubulok nito't lalo lang nakalat.

"Anong gusto mo! Bakit mo ito ginagawa!" sigaw ng kumander na wala na ang isang braso.

Makikita mo dito sa pinagputulan ng braso ang mga nana na nabula-bula pa.

"Ipaka-usap mo sakin ang Mayor o kung sino mang pinuno sa lugar na ito!" Sagot ng lalaki na may putting buhok mula sa ere habang nakasakay sa lumulutang na ulo.


Beast Mode: OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon