Author's Note: 'Who do you love' na kanta sa gilid. --->>
Pwedeng background music yan habang binabasa niyo 'to. :3
--Stelly16
************************************************************************
“Hoy Princess!! Nako, kanina pa nakabusangot yang mukha mo. Nako, sige ka maaga kang tatanda niyan!” untag ni Ethel sa akin.
“Kasi naman ang boring boring boring dito sa room!!!” nag-iingit na dahilan ko sa kanya.
Pero sa totoo lang, di naman talaga yun yung rason kung bakit nakabusangot yung mukha ko.
“Paanong di ka mabo-bored, kanina ka pa kaya tulala diyan.” saad ni Ethel.
“Tsk, samahan mo na nga lang ako sa canteen! Kanina pa lunch time oh tsaka nagugutom na din ako! Doon ka na din magpalamig niyang ulo mo. Bumili ka na din doon ng pagkain mo, di yung nagmumukmok ka diyan!” pangungulit niya pa sa akin.
“Ayoko. Ikaw na lang.” diretsong saad ko.
“Dali na kasi! Samahan mo na ako. Sabay naman tayo lagi bumibili sa canteen ah?” pangungulit niya ulit.
“Ayoko nga! Ikaw na lang, wala akong ganang kumain ngayon!”
“Ano ba’ng meron at parang badtrip na badtrip ka yata ngayon??” tanong niya. Na siyang di ko naman pinansin.
“Sige na kasi! Samahan mo na ko! Dali na.” Pangungulit na naman ni Ethel. Nako, kung di ko lang bestfriend ‘to.
“Ayoko.” Madiing sabi ko.
“Anong ayaw mo? I don’t accept ‘no’ for an answer!” nakangiting nang-aasar na sabi ni Ethel sabay hila sa kamay ko.
Ugh. Ang kulit nakakainis!
At dahil sa mas malaki si Ethel sa akin, nahila niya ko papunta sa labas.
Ayaw ko naman na maghilahan din kami hanggang sa labas, alam ko naman na kayang kaya niya pa din ako hilahin. Kaya sumama na ko. -___-
Bumaba na kami ng hagdan. Nasa may ibaba kasi yung canteen.
Pagkabili namin ng lunch naming, umupo kami sa table doon. Magkatabi kami ngayon ni Ethel sa table.
Akala ko makaka-kain na ko ng maayos.
Pero biglang may nahagip yung mga mata ko.
Kaya ayaw na ayaw ko lumabas eh. Ang sakit masaktan.
“Pansin ko, nagiging close friends si Stephen at Sabrina these past few days.” saad ni Ethel. So, tinitignan din pala ni Ethel yung tinitignan ko.
And ano daw? Nagiging close na sila? Ouch naman. :’(
Oo, yan yung dahilan kung bakit ayaw na ayaw ko lumabas ng classroom namin. Alam ko naman kasing makikita ko na naman sila na masayang nag-uusap.
Dati ko pa crush na crush si Stephen.
Nakapag-uusap naman kami pero bihira lang.
Gusto ko pa naman siya maging boyfriend! Aish. Ang assumera ko talaga! Tss. Sobrang nakakaselos lang kasi lagi na lang sila magkasama ni Sabrina! Pwe.
Samantalang ako, bihira lang niya makausap tapos minsan nagkakahiyaan pa kami.
Naramdaman kong tumawa ng bahagya si Ethel sa tabi ko. “Kaya naman pala kanina ka pa nagmamaktol huh. Now I know..” May tinig na pang-aasar ni Ethel.
BINABASA MO ANG
Who Do You Love? (One Shot)
RomanceWho do you love? Siya ba? Wag naman sana! Sana, ako na lang...