Kabanata 20

2K 52 177
                                    

Kabanata 20

Last

Pagkatapos ilantad ni mommy ang katotohanang bumago sa akin, umalis na si Zion na sinabi kong sumabay na lang sa mga tauhan ni daddy na umuwi.

Naospital daw kasi yung mama niya na sabi daw ni Trina the bitch.

Pagkatapos din noong photoshoot ko, hindi ko na masyadong naenjoy yung mga natitirang vacation days namin sa Bolinao, kahit na si Zion lang naman ang umalis.

Bukas na ang birthday ko at ready'ng ready na ako para doon. Pero wala pa din ako sa mood ilang days na dahil nga doon sa nalaman ko.

Hindi na din ako masyadong pumupunta sa mga bars simula noong nagdate kami ni Zion.

Nitong mga nakaraang araw medyo hindi na kami nagkikita masyado ni Zion dahil hindi pa din naman pasukan. Pero lagi naman kaming magkachat.

Gusto ko siyang iwasan para hindi na siya masaktan, kung masasaktan man siya. Hindi ko pa din alam hanggang ngayon kung gusto ba talaga niya ako o ako lang mag isa ang nagmamahal sa aming dalawa. Kaya mas mabuti nang umiwas para hindi na siya mafall pa sa akin. Ayoko din naman siyang umasa dahil masyado siyang mabait at inosente para sa akin.

Mamaya mag babar kami dahil anila Jelina ito daw ang huling pagbabar kong 17 years old ako. Ngayon na lang din ulit ako magbabar so why not?

Naliligo pa lang ako nang tawagan ako ni Kara.

"hello? Ano ba? Naliligo pa lang ako" salubong ko.

"bilisan mo nga! Kanina pa kami nandito!" sigaw niya na para bang excited na excited. Anong meron ha?

"oo na eto na, sige" sabi ko at binaba na ang tawag at nagsimula ulit maligo.

Pagkatapos kong maligo nagbihis ako ng isang black na bodycon dress. Kinulot ko din ang buhok ko para maging soft curles ito kahit medyo kulot ang dulo ng natural na brown na buhok ko. Naglagay din ako ng makeup at bumaba na.

"I'm going out tonight mom" paalam ko kay mommy nang nakita ko siyang nagbabasa ng magazine sa sala.

Binaba niya ang eyeglasses niya para matignan ako.

"ngayon ka lang ulit mag babar ah? Iba talaga yang si Zion. Napakabait. Okay na sana eh, para tuluyan ka nang magtino, kaso, he's only poor hon" nahighblood naman ako sa dirediretsong pinagsasabi ni mommy na sobrang confident, akala mo alam na alam niya!

Naiinsulto ako. Para kay Zion.

"what the f mom? May kaya sila! Hindi sila mahirap! At wag na wag mong insultuhin ang isang kagaya niya!" sunod sunod ko ding sinabi habang hinihingal na ako. Hindi ko na napigilan.

"don't you raise your voice on me! Ano? Mas pinipili mo siya kesa sa akin? Na sarili mong ina?" nanggagalaiting balik ni mommy sa akin.

"of course, I will always choose you mom" sabi kong kalmado. Ayoko na siyang maospital muli. Hindi ko kaya.

"manang! Pakikuha nga ako ng tubig!" utos niya pero nakatingin sa akin.

"yes ma'am!" ani manang sabay abot kay mommy ng tubig.

"sige mommy, alis na ko" sabi ko sabay talikod at lakad palayo.

Hindi na nagsalita si mommy kaya dineretso ko na talaga ang paglalakad palabas hanggang sa makapunta ako sa kotse ko.

Tumunog ulit ang iPhone ko at si Jelina naman ang tumatawag ngayon. Ano ba meron at parang minamadali niya ako.

"huy! Asan ka na ba?! Ang tagal mo!" aniya na parang excited din. Ano ba ang ipinagpuputok ng mga butchi nila?

Hold on (Villarama Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon