Wala pa pong prologue.
------------------------------------------------------------------------------------------------
Ch.01 Bridgette
"Yes" sabi ng isang dalaga sa lalaking nakaluhod ngayon sa kanyang harapan habang may hawak na bulaklak. Agad na tumayo ang lalaki at niyakap ang dalaga.Nagpalakpakan ang ma taong nakapaligid sakanila.
"Buti nman at nagkatuluyan sila" "Akala ko maagaw nanaman ni Stella the Stealer si Blake kay Jana" rinig niya sa bulungan ng mga babae sa likod niya.Naabuntong hininga na lamang sya. 'Mga chismosa talaga 'oh. tsk'' Nasabi na lamang niya sa sarili niya.
"Bridgette!" Agad syang napalingon sa taong tumawag sa pangalan niya, sa pangalang ayaw niya. Mula sa di kalayuan ay nakita niya ang bestfriend nyang ngitingngiti na kumakaway sa kanya, si Enrique "Bridgette" muling tawag sakanya nito. Naglakad sya patungo sa kaibigan.
Sino nga ba siya? Siya lamang si Bridgette Stella Sebastian-Del Mercado. Ang dakilang flirt.slut.mang-aagaw ng Del Mercado University. Hindi sya simpleng babae, fashionista kung manamit at parang model kung kumilos.Kaya maraming babae ang niingit sakanya.Maraming nag-aakala na mang-aagaw siya, pero hindi nila alam na sya ang direktor ng mga lovestory nakinakikiligan nila.
"Diba sabi ko sayo wag mo kong tatawaging Bridgette kapag nasa school tayo diba!" Ahis niya rito. Ayaw niya kaseng tinatawag syang Bridgette, dahil maraming makakaalam kung sino talaga siya. "Hahahaha!ang cute mo talagang magalit bestfriend!" sabay pisil ng lalaki sa kanyang pisngi. "Bitawan mo nga ako Enrique!, umuwi na tayo, ihatid mo na 'ko!" NAglakad na sya palayo mula sa kaibigan 'Aisht! to talagang babaen 'to' bulong ng binata sakanyang sarili at hinabol ang nagmamadaling kaibigan.
-
Pagkahatid ng binata sa dalaga ay agad din itong umalis.
Mag-isa lang sya sa bahay at tanging mga kasambahay lamang ang kanyang kasama.
Umakyat sya sa kanyang kwarto at nagbihis , pagkatapos ay binuksan niya ang kanyang laptop at binuksan ang isang site 'matinding trabaho nanaman ito'
-
"Pare wala ka pa rin bang balak umamin kay Stella?" tanong ng isang lalaki sa binata. "Saka na, pag tumigil na siya sa 'trabaho' daw niya" seryosong tugon ng binata sa kaibigan "Hay nako Quenito tumigil ka,parang hindi mo kilala si Stella.Kapag gusto niya ang ginagawa niya mahirap syang patigilin" Sagot sakanya ng kaibigan. Napailing na lamang sya 'hayy Stella, anong gagawin ko sayo, '
-
'Ms.Bridgette,
May isa pong lalaki na sobrang sobrang gwapo,yung tipong unang kita mo palang sakanya maiinlove ka na?, kyaaaahhh!! Inlove na talaga ako sakanya.Ms. Bridgette pwede po bang paglapitin mo kami sa isa't-isa?, I'm madly inlove with him. And his name is Krystian Benitez.
Phae ''
Isa lamang ito sa mga mensahe na kadalasan niyang natatangap sa tuwing binubuksan nya ang site na ito. Ito ang underground site ng eskwelahan nila. Mayroong section ito na kung saan ay maaari kang humingi ng love advice o kaya hilingin mo na paglapitin kayo ng taong mahal mo.
"aisht!ganun ba talaga kagwapo yung lalaking 'yun at maraming nagkakandarapa sakanya?" napapailing na tanong niya sa sarili. Pero totoo naman na ubod ng gwapo ang kanyang bestfriend, siya lang ang di makakitanito.
Tulad ng ginagawa niya sa mga gantong uri ng mensahe ay binabalewala niya.
'Ms.Bridgette,
Lagi na pong walang oras sa akin ang boyfriend ko, feeling ko may iba na siya . Sa tuwing tatanungin ko siya ay lagi na lang syang nagagalit . Minsan pa nga ay nung nakita nya na nagtatawanan kami nung bestfriend kong bakla ay bigla na lang siyang nagalit at sabi pa niya malandi daw ako, masyado syang seloso. Ms. Bridgette anong gagawin ko?, nasasaktan na ko sa mga ginagawa niya, nasasakal na ako, ayoko na, pero kelangan ko sya.
Angel'
Typical problem, typical answer. Kapag advice na ang hinihingi sakanya ay hindi nya binabalewala.
' Angel,
Iwan mo na sya. Hiwalayan mo na. MInsan nasa isip lang natin na kailangan pa natin sila, pero minsan hindi na talaga. O kaya para mlaman mo kung may halaga ka pa sakanya, magpamiss ka muna, like hindi mo siya papansinin be cold to him.