Selene's POV
Ako si Selene. 19 years old na at may boyfriend ako na ang pangalan ay Zylex. Pupuntahan ko siya ngayon sa bahay nila para sabihin ang good news ko. Pero bago ko siya puntahan ay mag susulat muna ako sa diary ko para mabawasan naman ng konti ang kaba ko.
Dear Diary,
Plano ko nang sabihin ang good news na ito kay Zylex ngayon.Nandito na ako sa bahay niya ngayon. Pababa na raw siya sabi ng katulong nila dito. Oh! Ayan na pala siya. Tumayo ako sa kinauupuan ko para salubungin siya ng yakap subalit umiwas siya. Bahagya akong nadismaya.
"Hi babe! I miss you." sabi ko
"Bakit ka nandito?"
"May sasabihin kasi ako."
"Ano yon?" aniya
"Ah, ano--" pinutol niya ang pag sasalita ko
"Makikipag break na ako sayo, Selene. May bago na akong mahal, sorry." aniya sabay alis sa harapan ko
Nagulat ako sa sinabi niya kaya dali-dali akong lumabas sa bahay nila at umuwi. Umiyak ako ng umiyak sa bahay hanggang sa maubos na ang luha ko at hindi na ako maka-iyak.
***
Makalipas ang isang buwan ay nakita ko si Zylex sa mall na may kasamang magandang babae. Sa tingin ko ito yung sinasabi niyang babae na bago niyang mahal. Nagulat ako nang bigla nila akong nilapitan.
"Hi Selene! Ito pala si Taylor, fiancé ko. Taylor, ito si Selene, kaibigan ko." aniya
Medyo nasaktan naman ako sa sinabi niyang 'kaibigan' pero di ko pinahalata
"Ah ok, hi Taylor. Nice to meet you." sabi ko sabay ngiti nang matamis
"Nice to meet you too, Selene. Imbitado ka sa kasal namin ha? Sa susunod na buwan na yon."
Kasal? Agad-agad? Bat ang bilis naman? Minahal niya ba talaga ako?
Pero sa dinami-daming tanong sa isip ko eh
"Ah talaga? Oh sige, pupunta ako." yan ang sinabi ko
"Salamat Selene!" aniya
"Walang anuman"
"Ah sige, Selene. Una na kami, paalam." sabi ni Zylex
"Sige paalam" sabay alis
***
Third Person POV
Pag katapos nang isang buwan ay araw na nang kasal nila Zylex at Taylor. Bago pumunta si Selene sa kasal ay nag sulat muna siya sa kanyang diary. Dahil excited siya sa kasal, ay minadali niya ang pag sulat sa diary niya at pumunta agad sa sakayan nang mga taxi pero sa kasamaang palad ay nasagasaan siya ni Zylex. Dali-dali namang sinugod ni Zylex si Selene sa hospital at ipinasok sa Emergency Room.
Habang nag hihintay si Zylex sa labas ng Emergency Room ay biglang lumabas ang doktor at kinausap siya.
"Kamag-anak po ba kayo nang pasyente?" tanong ng doktor
"Kaibigan niya po ako, ligtas na po ba siya?" tanong din ni Zylex
"Pasensya na sir, ginawa na po namin ang lahat ngunit hindi na namin nailigtas ang pasyente pati ang bata sa sinapu-punan niya." malungkot na litanya ng doktor
Nagulat si Zylex sa narinig na may anak si Selene, ngunit hindi niya ito pinahalata.
"Ah ganon po ba? Oh sige po, tatawagan ko muna mga magulang niya." sabi ni Zylex
"Sige sir, pasensya na po talaga" sabi ng doktor
Pag katapos tawagan ni Zylex ang mga magulang ni Selene ay bumalik na siya sa kanyang sasakyan at nakita niya ang bag ni Selene. Binuksan niya ito at nakita ang diary. Kinuha niya ito at binasa ang nasa huling pahina at nag sisi sa kanyang ginawang panloloko.
Dear Diary,
Excited na akong pumunta sa simbahan ngayon kasi sa tingin ko, ito na ang huling pagkakataon na makikita ko ang tatay nang baby ko.