HDHA - Fourteen - Kiss Me

3.5K 94 21
                                    

Hi guys! I am back! Sensya na kung natagalan ha. :)) Nauudlot lagi ang balak ko magUD eh. Sensya na talaga. Ito na po continuation. Salamat sa  mga nag-aabang! Wooot! Tuwa ako nung nakita ko ang HDHA na nasa Top10 according sa pinost na link ni moonshe_dawn. Hihi :> 

Hi sa mga new readers na nagcomment...CleverDizGirl, icia_laine, jeszca, thehappymegy. Awe, sana dumami pa. HAHA :D Ito na. Happy reading! HAPPY 2K pala! Please spread the love for Luigi and Shekinah ♥

By the way, ito na ang chapter na nagsisimula nang magkaroon ng emotions si Shekinah. Hihi sana matuwa kayo sa kulit niya! XD

==========================================================

FOURTEEN 

Kiss Me

At dahil parehas lang kami ni Queenie ng village, hinatid ko siya sa bahay nila. Nalaman ko din kung saan sila nakatira banda. Medyo may kalayuan sa phase namin dahil phase 2 pa sila. Ayos din ang babaeng ito, nilalakad nya lagi ang ganung layo.

"Salamat, Luigi." Bilang sagot ay tumango na lang ako habang nakatingin ng diretso. Akala ko naman ay bababa na siya, hindi pala. Nanatili lang siyang nakaupo pagtapos niyang tanggalin ang seat belt nya. Anong meron? "Luigi...yung sinabi ko kanina...a-anong gusto mong gawin ko?"

Gustong gawin? Yun ba ang tungkol sa pagpapanggap niya bilang girlfriend ko? Ayos ah, so talagang kakarerin niya ang pagpapanggap namin? Mukhang gustong gusto naman niya.

"Kapag andyan lang si Myca, magpapanggap tayo." Sabi ko naman. Ibang course si Myca, anong silbi naman ng pagpapanggap namin kung wala naman siya diba? Kaya nga pumayag ako sa alok nya dahil wala naman masyadong gagawin. Buti sana kung same course namin ang babaeng yun.

"Ah. Sige, kung yan ang gusto mo."

"Bakit? Ano bang gusto mo?" Tanong ko. Napatingin naman siya sa akin kaya nilingon ko siya. Nagkatitigan kaming dalawa. Ano pa nga bang gusto niya? "Sabihin mo." Napayuko siya at hindi nakasagot. Teka nga...halatadong halatado na talaga ang babae na to. Alam kong may gusto siya sa akin.

"W-wala. Sige pasok na ako. Salamat." Agad siyang bumaba ng kotse ko at dire-diretsong pumasok sa gate nila. Napangiti na lang ako sabay iling. Don't tell me she wants more than pretending?

Sa bahay...

Nabigla ako pagpark ng kotse sa loob ng gate. Bukas na ang mga ilaw, may liwanag na hindi katulad noong isang araw na sobrang dilim talaga. Ayos, marunong na siya magbukas ng ilaw. Hindi na rin siya mahuhulog pa sa hagdan. Ano na kayang ginagawa ng babaeng yun? Baka may gawin o sabihin na naman yun mamaya na ikakagulat ko. Tss.

Pagpasok ko ng bahay ay walang Eva sa paligid. Walang ingay talaga hanggang sa nung nakarating na ako sa may bandang living room ay may narinig akong...

HE'S DATING HIS ANGEL ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon