Habang tumatagal palungkot ako ng palungkot. Lalo na nung napadaan ako sa agency kung saan ko unang nakita si Rachel..
“Hi po, good evening. Kayo po ba si Franco Gomez? Ako po si Rachel Taleon yung order nyo po.” Rachel
“A-ako nga. Ilang taon ka na?” Franco
“23 po. Kayo po?” Rachel
“26. Pwede wag ka ng manganopo bata pa naman ako eh.” Franco
“Ok.” Rachel
Napangiti ako at napaisip.. “15 years na pala kitang hindi nakikita. Kumusta ka na kaya? Mahal mo pa kaya ako. Kung sana hindi ako nagloko edi sana kasama pa rin kita. Siguro may mga anak na tayo.” Sabi ni Franco sa isip nya habang nakatingin sa sarado ng agency
Umuwi ako at dumeretso sa dati naming kwarto. Andun pa rin yung mga pictures namin. “Nakakamiss ka rin pala.” Franco
===
“Namiss ko ang pinas. 15 years. Eksaktong labinlimang taon ng umalis ako sa bahay ni Franco. Nagtrabaho ako bilang waitress sa ibang bansa ng limang taon para magkaroon ng sapat na ipon at ang apat na taon ginugol ko sa pag-aaral. Nakapagtrabaho rin ako sa kumpanya doon kaya inabot ako ng 15 years bago makauwi. Ngayon dito na ako magtatrabaho. Luma ang kumpanyang ito inibhan lang ng pangalan. “Eternity” bongga.” Rachel
===
“Sir andito na po yung bagong admin assistant.” Sabi ng secretary ko
“Sige papunta na ako.” Franco
Nagmadali ako pagpunta sa conference hall at laking gulat ko ng makita ko si Rachel na halatang nagulat rin sakin.
“Franco? Ikaw ang magiging boss ko?” Rachel
BINABASA MO ANG
My made to order Bride
FanfictionIsang lalaking piniling umalis sa poder ng kanyang ama dahil pinipilit syang magpakasal sa babaeng kailanman ay hinding-hindi nya matutuhang mahalin. At sa kanyang muling pagbabalik kasama na nya ang babaeng magbibigay sa kanya ng.. . . . . . . . . ...