Pagpasok ni Rachel sa opisina takang taka sya kung bakit ganun kung makangiti ang mga empleyado sa kanya.
Tapos pagdating nya sa department nila.. andun lahat ng pictures nila ni Franco. Pictures nung kasal nila, nung namasyal sila sa Paris at lahat ng mga pictures na stolen o hindi basta silang dalawa ni Franco.
“Ma’am Asawa pala kayo ni Sir. Bakit ho ngayon ko lang kayo nakita?” Cindy
Bigla namang nagsalita si Franco na dala dala yung abo ng nanay ni Rachel
“Kase Cindy tanga ang boss mo. Niloko ko ang pinakamabait at pinakamagandang asawa sa buong mundo kaya nya ako iniwan ng labinlimang taon. At ngayon na nagkita na ulit kami nangako ako kay nanay Magda na aayusin ko ito bago matapos ang buwan na ito ibabalik ko ang anak nya sa bahay namin.” Tumigil sya sa harap ko at iniabot ang bulaklak na hawak ng isa nyang kamay “Rachel mahal na mahal kita. Sabihin mong mahal mo pa ako kasi kung hindi na pakakawalan kita kasi gusto ko palagi kang masaya at kung ang pagkawala ko sa buhay mo ang mgpapasaya sa’yo gagawin ko basta sabihin mo lang.” Franco
Matagal bago sumagot si Rachel naiiyak na kasi sya kaya hindi sya makasagot. Niyakap nalang nya si Franco para kumalma sya at makapagsalita.
“Salamat Franco sa paghihintay ha…. Pero ayoko na eh..
……
….
Napaiyak na si Franco.
Kumalas si Rachel sa yakap…
“Ayoko nang malayo pa sa’yo. Miss na miss na rin kita. Kaya ako nagsikap makatapos para may maipagmalaki rin ako sa’yo. Nahihiya rin ako para sayo na kapag nalaman ng lahat na binili mo lang ako at wala pa akong pinag-aralan pagtawanan ka nila. Mahal pa rin kita. Ikaw ang una at huling lalaki na mamahalin ko.” Humarap sya sa mga empleyado..
“Isa akong Made to Order Bride na nabili ni Franco pano kasi ayaw nyang magpakasal nuon kay Alma kaya nya ako binili, ako naman gusto ko lang maipagamot ang nanay ko nuon kaya napilitan akong pumasok sa ganong trabaho. Pero sa isang taon na pagsasama namin natutuhan ko syang mahalin kahit na niloloko lang nya ako mahal ko pa rin sya at hanggang ngayon...” humarap sya kay Franco “MAHAL PA RIN KITA.” Rachel
“Mahal din kita. Promise, I won’t hurt you again. I will never hurt you again sweetheart..” yumakap ulit sya kay Rachel… “Pwede ko na ba ulit isuot ‘to sayo?” nilabas nya ang wedding ring na isinoli ni Rachel nuon.
“Oo naman.” Rachel
Lumuhod ito at isinuot ang sing sing tapos hinalikan ang kamay ni Rachel..
KISSSSSSS!!!!!!!!!!!!! Sigaw ng mga tao……….
Nagkiss sila…
“I Love You.” Sabi nya habang nakayakap kay Rachel
“I Love You Too Sweetheart.” Rachel
*And they live happily ever after. With their treaures, their three beautiful kids.*
The End
BINABASA MO ANG
My made to order Bride
FanfictionIsang lalaking piniling umalis sa poder ng kanyang ama dahil pinipilit syang magpakasal sa babaeng kailanman ay hinding-hindi nya matutuhang mahalin. At sa kanyang muling pagbabalik kasama na nya ang babaeng magbibigay sa kanya ng.. . . . . . . . . ...