Thanks, bestfriend.

209 1 1
                                    

     Confidence and trust issues, sa tingin ko yan ang pinakamalalang weakness ko.
    
     Nung first year high school ako meron akong best friend, ang pangalan nya ay Marie. Best friend ko sya simula pa lang nung grade 5 kame. Okay lang ang lahat samen pero nasira ang lahat nung nagkaron sya ng manliligaw.
   
     Si Drew, first year highschool katulad namen iba nga lang section, parehas din kame ng school na pinapasukan. Transferred student sya, pogi at matangkad. Hindi ko ide-deny na nagkagusto din ako sa kanya.
   
     Pero pinilit kong ibaling ang pagtingin ko sa kanya, dahil manliligaw sya ng bestfriend ko.
   
     Kasabay namin laging umuwi si Drew kahit nung nagliligawan palang sila. Simula din non naging close kaming dalwa. Palagi kaming nagkakachat, nalaman ko din na parehas kame ng hobby, ang maginternet at ang mag basa ng mga stories.
    
     Since then, palagi na kameng nagpapalitan ng magandang stories na babasahin. Na kwento ko din sa kanya na mahilig kaming gumawa ng mga stories ni Marie, kaya ni recommend ko sa kanya na basahin nya yung nga ginawa na stories ng bestfriend ko.
    
     Pag katapos naming mag chat dalwa, pumunta agad ako kila Marie para ibalita sa kanya yung napagusapan namin sa chat. Nakangiti si Marie habang kini-kwento ko sa kanya yung napagusapan namin ng boyfriend nya.
    
     Kala ko okay lang ang lahat, kala ko lang pala.
    
     Doon nag simula ang problema sa pag kakaibigan namen. Halata pala ng mga classmates ko at ng bestfriend ko na may crush ako kay Drew.
    
     Alam ko nagkamali ako, dahil nagka gusto ako sa manliligaw ng bestfriend ko, pero ginawa ko naman ang lahat para pigilan yung nararamdaman ko. Oo masaya ako pag nag kakachat kame, pero nasasaktan parin ako, dahil puro si Marie ang pinaguusapan namen.
    
     Tinutulungan ko silang magkabati pag nagaaway sila. Ako ang nag e-encourage kay Drew para wag syang ma torpe kay Marie. Sinabi ko din kay Drew na nagsusulat si Marie ng stories, dahil alam kong interested si Drew sa mga ganong bagay at parehas silang mag be-benefit don.
    
     Hindi ako nanunumbat sa lahat ng ginawa ko, gusto ko lang malaman nila na genuine at galing sa puso ko ang pagtulong sa kanila. Pero hindi nila nakikita yon, tanging yung pagkakamali ko lang ang nakita nila.
    
     Kinabukasan nung pumasok ako akala ko okay pa ang lahat, nakangiti yung mga classmates ko pag nakikipag usap sila saken. Kahit si Marie kung umusta sya parang katulad pa din nung dati, doon ko na realize ang manhid manhid ko pala.
    
     They were talking behind my back, my classmates and also my supposed to be my bestfriend Marie. Alam kong mali yung ginawa ko, pero mag bestfriend kame, dapat kinausap nya ako, dapat tinapat nya ako, hindi yung paguusapan nila ako pag nakatalikod na ako sa kanila.
    
     Inabot din ng ilang araw bago ko nalaman ang ginagawa nila saken, although nakakaramdam na ako na parang may mali.
    
     Hindi ko na masyadong maalala ang mga nangyare dahil matagal ng nangyare to pero somehow nagkausap kame ng ex-bestfriend ko nung elementary sa backdoor ng classroom namen. Nakaupo kaming dalwa sa sahig habang nakatingin sa paligid, sa pwesto namen na yon makikita mo ang ibang mga classroom, ang kaunting part ng field at ang gymnasium. Very nostalgic kung iisipin.
    
     She was my bestfriend back on our elementary days and not only that pinsan din sya ni Marie. Ang pangalan nya ay Angel. Marami kaming similarities ni Angel, lalong lalo na sa hobbies. I guess nag fell apart lang ang pagkakaibigan naming dalwa nung elementary kame.
    
     Anyways, sa di malamang dahilan nagkatabi kame ni Angel at nagkausap. Heart to heart talk kung tatawagin. Si Angel ang nagpamulat saken sa mga ginagawa ni Marie saken at ng mga classmates ko behind my back. Nagagalit pala si Marie saken dahil close kame ng manliligaw nya. Ang feeling ni Marie nilalandi ko si Drew at may balak agawin sa kanya. Ganon din ang sinasabe ng mga classmates ko tungkol saken.
    
     Doon nagsimulang magiba ang tingin ko kay Marie at sa mga classmates ko. Dahil sa galit ko, sinabi ko din sa kanya na pina plastik din sya ni Marie katulad ng ginawa nya saken. Maraming kinikwento saken si Marie tungkol kay Angel na masasamang bagay, isa na don ang pagiging wala nyang kwentang kapatid. Pinag mukha ni Marie na masama si Angel saken. Doon ko nalaman na puro kasinungalingan pala ang sinasabi sakin ni Marie, na kabaliktaran pala lahat ng kinekwnto nya tungkol kay Angel. Hindi masama si Angel, mabait syang kapatid at anak, hindi din sya plastik na katulad ng sinabi ni Marie.
    
     Kumalat ang balita na ako ang nililigawan ni Drew, syempre nakarating din sa kanya ang balita. Nabasa ko sa chat namen na tinanong nya ako tungkol dito, at sya ko namang pinabulaanan. Nabasa ko din sa chat naming dalwa na sinubukan din akong ligawan ni Drew pero hindi ako pumayag kase hindi ako nananalo ng kaibigan. Pinatawad ko din si Marie sa ginawa nya pero dahil sa nangyare nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin.
    
     Natapos ang school year, second year highschool na kame. Akala ko okay ang lahat pero nagkamali na naman ako. Sa kalahatian ng pagiging second year highschool ko, nag kausap kami ni Angel classmate ko pa din sya pare parehas kaming section A.
    
     Somehow, si Angel nasa bahay namen, umiiyak tungkol sa pamilya nya. Malapit lang ang bahay nila Angel samen, magkakapit bahay lang kameng tatlo nila Marie, magkatabi ang bahay nila ni Angel habang ako naman lalakad ka pa ng kaunti bago makarating samen.
    
     Anyways, katulad nga ng sinabi ko nasa bahay si Angel umiiyak, nakakulong lang kameng dalwa sa kwarto ko at inaalo ang isat isa. Nagkaroon na naman kame ng heart to heart talk, at this time kwinento na saken lahat ni Angel ang nalalaman nya. Sinabi sakin ni Angel na sinisiraan pala ako ni Marie sa mga classmates ko, ang dami nyang sinabi na hindi totoo sa kanila. Parang binuhusan ako ng napakalamig na tubig nung araw na yon. Doon din nag iba ang tingin ko sa lahat ng tao, lalong lalo na sa bestfriend ko at sa mga classmates ko.
    
     Galit na galit ako non sa kanila, pero mas nanaig sakin ang lungkot at pagiging insecure. Doon kwinestyon ko lahat sa isip ko kung ano ba ang tunay na kabaitan at kung tunay ba ang mga ipinapakita nilang ugali saken.
    
     Doon din ikwinento ni Angel kung pano sya plastiken ni Marie sa kanila at ang masama pa, kasabwat ni Marie ang mismong kapatid ni Angel. Binuhos ko kay Angel lahat ng sama ng loob ko at ganon din sya saken. Sinabi ko sa kanya ang tunay na nangyare at kung ano ang naramdaman ko kay Drew, at alam nyo ba ang sinabi nya sa akin? "Malandi ka kase." Yan ang exact sentence na sinabi nya. Oo nasaktan ako sa sinabi nya, pero natuwa din ako. Dahil sinabi nya saken kung ano talaga ang tingin nya saken ng walang alinlangan at walang halong ka plastikan.
    
     Ng araw na yon nangako kame sa isat isa na hindi na kami muli pang mag titiwala kahit kanino, lalong lalo na sa kapwa naming na babae. Ang tingin namin sa kanila ay plastik silang lahat.
    
     Simula non naging mag bestfriend muli kame ni Angel, hindi ko na din pinagkaabalahan pang komprontahin si Marie, nawalan na ako ng ganang makihalubilo pa sa mga plastik na katulad nya. Nawalan ako ng trust sa mga tao, pero okay lang, may isang tao naman ako na kaya kong pagkatiwalaan...si Angel.
    
     Hanggang ngayon dala dala ko pa din ang mga sakit na nangyare saken noong bata pa ako, ng dahil doon hindi ko kayang magtiwala ng basta basta. Pero katulad ng lahat ng kwento, may positive din na nangyare saken dahil doon, nag karoon ako ng bestfriend na hindi hindi ko ipagpapalit kahit kanino, 7 years of friendship and still going on, strong ata kame ng besfriend kong si Angel. :)

++++++++
     Kaya sa mga tao na introvert at may trust issues, wag kayong mag alala somewhere somehow magkakaron din kayo ng katulad ni Angel sa buhay nyo. Angel na tatanggap sa inyo at Angel na mapagkakatiwalaan.
    
     Hindi din maling magkamali, basta alam nyo ang nagawa nyo at meron kayong natutunan don. :)

       Thank you, bestfriend. :)
                  -Jana❤

 :)                  -Jana❤

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Stories (Tagalog Ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon