Nagpatuloy nga ang paglabas ng dalawa at pagpapalitan ng mga text messages. Madalas pa ngang inihahatid ni Matt si Gianna sa tinutuluyan nitong apartment. Isang araw niyaya nanaman sya nitong mag dinner sa labas sa isang restaurant.
"Pwede namang sa mga fast food na lang tayo"sambit ng dalaga habang hinihiwa ang karne na inihain sa kanya.
"Bakit ayaw mo ba dito?"tanong ng binata.
"Hindi naman sa gano'n,kaya lang di ba ang mahal mahal sa mga ganto tapos ikaw pa lagi ang taya"
"Wala namang kaso sa akin 'yun. Ako ang lalaki kaya natural lang na ako ang gumastos"
"Ehh kahit na ano,nakakahiya parin. Next time ako naman! Kaya lang hindi sa gantong kamahal na restaurant. Pero kung ayos lang sa'yo ipagluluto nalang kita sa apartment ko" nakangiti pang sabi ng dalaga.
"Talaga? Marunong ka palang magluto"
"Oo naman. Mag-isa lang akong nakatira sa apartment ko kaya walang ibang magluluto sa akin kundi sarili ko"
"O sige sa susunod. Aasahan ko 'yan"
Ngumiti lamang ang dalaga sa kanya at nagpatuloy sa pagkain.
Huminga ng malalim ang binata at nag ipon ng lakas ng loob para masabi ang gusto nyang sabihin sa dalaga at ang purpose ng pagyayaya nito na lumabas.
"Uhh Gianna..."
"Ano 'yun?"
"Ano kase,pwede--"
*ring* *ring*
"Ayy wait! Sagutin ko muna 'to"
Naputol ang sasabihin ng binata ng tumunog ang cellphone ng dalaga at sinagot ito. Matapos ang ilang minuto na pakikipag usap ng dalaga sa telepono ay bumaling ulit ang tingin nito kay Matt.
"Nako,pasensya ka na. Tumawag yung kapatid ko. Kinakamusta daw ako ni lola. Alam mo ganun talaga yun eh. Hindi lilipas ang isang linggo na hindi ako patatawagan sa bunso kong kapatid at kukumustahin. Hindi ko naman masisisi ang lola kasi halos hindi na ko nakakauwi sa amin dahil nga sa busy ako sa trabaho. Pero teka,ano nga yung sasabihin mo?"
Napangiwi na lang si Matt sa daldal nito at parang naubos na nga ang inipon nyang lakas ng loob kanina. Pero susubukan niya ulit.
"Ahmm pwede bang--"
"Sir ito na po yung bills"
Naputol nanaman ito ng dumating ang waiter at ibigay ang bills nila. Naglabas na lamang sya ng wallet at inipit doon ang pera.
"Keep the change" sambit nya.
nag-ayos na si Gianna at isinuot ang kanyang shoulder bag. Maging sya ay nag ayos na rin at kinuha ang kanyang coat atsaka lumabas sa restaurant.
Muli ang inipon nyang isa pang lakas ng loob ay nawala ng ganoon na lamang dahil sa mga pangyayaring pumipigil sa mga dapat nyang sabihin. Naglalakad sila noon papunta sa kotse ni Matt ng napa buntong hininga na lamang at narinig ito ni Gianna kaya naman napatingin ito sa kanya.
"Okay ka lang?" tanong nito.
"Yeah" nanghihina nyang sabi.
"Ayy teka,may sasabihin ka nga pala. Ano nga 'yun?"
Huminga sya ng malalim at humanap ng bwelo. Susubukan nya ulit.
"Pwede ba akong--"
"Ayy ate sorry,pasensya na po kayo nabangga ko po kayo"
Nakita ng binata na tinutulungan ng dalaga ang nabangga nitong ale na may nalaglag na mga pinamili at tinulungan nya narin ito. Hanggang sa makarating sila sa sasakyan ay wala. Wala parin syang nasasabi. Sa palagay nya'y pinipigilan sya ng pagkakataon.Nasa loob sila noon ng kotse at pinapaandar nya na ito. Nasa driver seat ang dalaga at nakatingin ito sa labas sya naman ay sa daan. Tahimik lang silang dalawa kaya naman binuksan nya na lang ang music sa loob ng sasakyan.
[>]Tulad mo-TJ MonterdeSa isip isip ni Matt ito na siguro talaga ang pagkakataon. Sila na lang dalawa sa kotse at walang sinuman ang biglang susulpot.
"Gianna,kanina ko pang gustong sabihin 'to kaya lang mukhang madami atang humahadlang sakin. Hindi ako pinapayagan ng pagkakataon pero sige sasabihin ko na. Pwede ba kitang ligawan?" Binaling nya ang tingin sa dalaga at wala itong response sa sinabi nya dahil sa tulog na ito. Napasapo na lang sa ulo at umiling iling si Matt. Iba talaga pag hindi pinahihintulutan ng pagkakataon.
Nagising na lamang ang dalaga noong makauwi sila at nasa tapat na sila ng apartment nito.
"Nakatulog pala ako"uminat inat pa ito sabay hikab.Akmang bubuksan nya na ang pinto ng kotse ng pigilan sya ng kamay ni Matt.
"Baket?"nagtatakang tanong ni Gianna.
"Pwede ba akong manligaw sayo?" sambit ni Matt na ikinagulat ng dalaga. Hindi na makapagtimpi ang binata at talaga namang pinursigi nya nang masabi sa dalaga ano't anuman ang mangyari. Dahil kanina pang hindi matuloy tuloy ang sasabihin nyang iyon.
"Ano?" parang hindi pa makapaniwala ang dalaga at di pa nagsi-sink in sa utak nya ang sinabi ni Matt.
"Gusto kitang ligawan. Kanina ko pa gustong sabihin yan"
Bigla na lang tumawa ng malakas ang dalaga at humahawak pa sa tiyan nito. Napakunot naman ang binata dahil sa inaakto nito.
"Haha yan pala yung hahaha sasabihin mo hahahahah kanina"
"Tatawanan mo lang ba ako?"
Napatigil ang dalaga at halatang pinipigil na ang kanyang tawa.
"Sorry. Kase natatawa lang kasi ako. Kase kanina mo pa hindi masabi yan eh. Ang dami kasing sumisingit"
"Oo nga eh. So ano ang sagot mo?"
Hindi sumagot ang dalaga bagkus ay tumango lang ito sa kanya.
"Oo?!" unti unting napapangiti ang lalaki.
"Oo" mahinang sabi ni Gianna.
Lumawak pa ng lumawak ang ngiti ni Matt sa dalaga.Hanggang sa nagpasya na silang bumaba ng kotse at ihatid si Gianna hanggang sa tapat ng pinto nito.
"Pasok na ko. Salamat ha?"sabi ni Gianna na nakangiti pa sa kausap.
"Your welcome and thank you also"
"Para san?"
"Pinayagan mo kong manligaw sayo"
"Haha ano ka ba! Sige na papasok nako,bye. See you next time"
Tumango lamang ang lalaki at nagsimula ng umalis. Si Gianna naman ay pumasok sa loob ng apartment nya.
"Oh my God! Thank you! Finally! Waaaaah!" Nagtitili pa ito sa loob ng kwarto nya habang niyakap yakap ang unan nito. Sobrang kinikilig talaga sya na kanina nya pa pinipigil sa harap ni Matt. Ayaw nyang makita nitong nag hihysterical sya sa kilig kaya binuhos nya lahat sa loob ng apartment nya. Sobrang saya nya talaga dahil sa wakas may lalaking nagkamali sa kanya! Sa isip isip nya hindi nya na palalampasin pa ang pagkakataon na ito. Gusto nya rin si Matt at gusto rin naman sya nito. Kaya lang gusto nya muna maranasan yung ligaw factor na mga ganyan ganyan.
Napahiga na lamang sya at napatingin sa kisame ng nakangiti.
BINABASA MO ANG
Does Age Matter?
RandomKaming mga nasa tamang edad na ngunit hindi parin makahanap ng taong para sa amin. 'Wag nyo isiping gusto naming tumandang dalaga. May mga dahilan naman kami. Katulad na lamang ng pagiging workaholic,bread winner,o di kaya'y hindi pa nadating ang "T...