Chapter 26

576 24 1
                                    

Jade's POV

Paniguradong mukha akong zombie habang naglalakad papasok sa H.U., kagabi ko pa kasi iniisip si Shawn este 'yung mga pinagsasabi niya, medyo nagets ko na na ang gusto niyang sabihin ay may crush siya sakin at nagseselos siya pero hindi pa rin ako sure kung 'yun nga talaga.

"Yay Jade!" masiglang bati ni Bea sakin pagkakita niya sakin, ngumingiti na naman ang kaniyang mga mata.

"Uh, morning." sabi ko na lang at nagsabay na kami sa paglalakad sa hallway.

"Para kang tae." sabi bigla ni Bea sa gilid ko kaya napatingin ako sakaniya.

"Huh? Ako parang tae?" kunot noong tanong ko sakaniya.

Ngumiti muna siya saka nagsalita ulit,

"Hindi kita kayang paglaruan." namumulang sabi niya.

Ano? Hindi ko na lang siya pinansin.

"Pustiso ka ba?" sabi na naman niya habang nakangiti nang malawak.

"Be─"

"Because I can't smile without you." This time, hindi na talaga siya namumula, kinikilig pa. 

"Pinagsasabi mo Bea?" tanong ko sa kaniya nang makapasok na kami sa aming room at naupo na sa upuan namin.

"Kasi, err. 'Ya-yan 'yung mga banat sakin kagabi ni Trick sa phone." kinikilig niya sabi at kinagat pa ang ibabang labi para mapigil ang mga labi niyang umunat.

Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi ni Bea, kaya napatingin sakin ang mga kaklase namin. Sobrang korni kasi ni Trick!

Pagkatapos ng ilang minuto ay tumigil na ko sa pagtawa, hinawakan ko ang tiyan ko na sumakit dahil kay Trick. Nilingon ko si Bea na masama ang tingin sakin.

"What are you? Hindi nakakatawa, nakakakilig kaya." inis na sabi nito sakin sabay pinagkrus ang dalawang braso niya sa dibdib.

Napahagikhik na lang ulit ako. Mukhang tinamaan na talaga si Trick kay Bea at ganu'n din si Bea kay Trick.

"Bea?" tawag ko dito

"What?" iritadong sagot niya.

"May tatanong ako sayo." sabi ko at medyo lumapit pa sakaniya.

"Spill." tipid na sabi nito.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "Anong ibig sabihin kapag umamin sayo ang isang tao?" tanong ko

"Of course he likes you." simpleng sagot niya.

"Kahit na pagalit 'yung pagkakaamin tapos may mga kasama pang mura?" tanong ko ulit.

"He's jealous because he likes you." sabi pa niya.

Selos?

"Tangina lang. Nagseselos ako Jade! Nagseselos ako!"

"Ah, sige salamat." pilit na ngiting sabi ko.

"Don't tell me. Oh my gosh!" impit na sigaw ni Bea habang nakataas ang dalawang kilay, naninigurado siya kung umamin nga sakin.

Tumango ako nang dahan-dahan.

"Yiee! Nu'ng nasa Bicol kayo? Bakit siya umamin? Anong sinabi? Kwento ka Jade!" excited na sabi nito kaya kinuwento ko sakaniya. Lahat, as in lahat, wala akong tinira maski isang maliit na detalye.

"Hala ka Jade! Baka nagselos siya sa pinsan niya. Kasi base on your story nu'ng nagkakilala kayo ng Sean na 'yun saka lang nainis sayo si Shawn at tinatawag kapag 'Tina' nu'ng pinsan ni Shawn na galing sa word na 'tinamaan ako sayo'." sabi nya at ngumiwi pa.

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon