Day 5
Naging prominente nang malaking cocoon ang umbok na nabalot sa puting sapot. Mayroon iyong pulso at kitang-kita ang pagpintig. Kinabukasan inaasahang iluluwa ng cocoon ang bagong katawan ni Blair, ayon kay Redder.
Marami ang magtatapos bukas. Sana ay ganoon din ang ulan na hindi pa rin tumitila.
Naabutan ni Div Umbra si Eros na nakatayo sa tapat ng selda ni Blair at nakatunghay sa may siwang ng pinto. Tumayo siya sa tabi nito.
"Sa totoo lang ay mas gusto ko siya bilang isang batang paslit... nakakatuwa," ani Eros nang hindi nililingon ang Diablo. "Ngunit nakakatuwa rin naman siya kahit tangkaran niya ulit ako. Sa ganoong anyo naman natin siya unang nakilala."
"Ang mabuti pa ay bumalik ka na sa pagpipinta," suhestiyon ni Div Umbra sa kanyang pasaway na agrimensor.
Ngumuso si Eros. "Bakit ba? Sa tingin ko ay normal pa naman ang kalagayan sa Praragas."
Tumikhim si Div Umbra. "Kahit ano'ng oras ay puwedeng may mangyari."
"Bakit pakiramdam ko ay gusto mo'ng magkulong na lang ako sa aking silid? Kawawa naman ako! Bilanggo sa sarili kong basilica!" Pagkasabi nu'n, bumuntong-hininga pa si Eros.
"Dapat lang na maglagi ka sa silid mo. Tingnan mo nga iyang hitsura mo! Hindi disente!" Ani Div Umbra nang nakakunot na ang noo. Mga ilang minuto pa at mabubulyawan na niya si Eros.
Kumilos si Eros. Inilapat niya ang mga daliri sa pagitan ng mga salubong na kilay ng Diablo. "Alam mo, mas maganda kung hindi palaging simangot ang nakikita diyan sa mukha mo. Kaya lalong hindi bumubuti ang panahon, eh! Nakikigaya sa'yo ng kasungitan—!"
Mayroon pa sanang balak asarin ni Eros si Div Umbra ngunit natigilan siya. Sigurado siyang nakaramdam siya ng presensya at pairamdam na parang may nagmamasid sa kanila ngunit agad namang nawala.
Maging si Div Umbra ay napansin iyon. Marahang niyang itinulak si Eros. "Basta bumalik ka na sa iyong silid. Tapos."
Umalis na si Div Umbra. Dumiretso siya ng kusina pero wala pa roon ang kasama niya sa pagtsa-tsaa. Hindi rin niya ito nakitang bumaba para silipin ang selda ni Blair.
Ipinagpaliban muna ni Div Umbra ang paghahanda ng tsaa para puntahan ang Payaso. Nandoon ito sa pansamantalang silid nito.
Pabalibag niyang binuksan ang pinto. Madilim sa loob ng silid dahil nakababa ang lahat ng mga kurtina. Nakahiga sa kama ang pakay niya at nakakumot ito hanggang dibdib. Hindi man lang ito natinag sa ingay ng pinto kani-kanina lang.
Lumapit si Div Umbra sa kama. Hinablot niya ang kumot at hinila ang braso ni Redder kaya napaupo ito. "Huwag mo'ng sabihing masama ang pakiramdam mo?"
Hindi man lang siya tiningnan ni Redder. "Tama ka. Masama ang pakiramdam ko. Wala akong ganang bumaba para magtsaa. Hayaan mo na akong makapagpahinga."
"Kahit hindi ang tungkol sa tsaa. Ni hindi mo binisita ngayong araw ang selda ng iyong 'anak'. Wala ka talagang kuwenta!" Halata na ang inis kay Div Umbra.
"Pinilit kong pumunta roon kanina... Pero naabutan ko kayo at mukhang makakaabala lang ako kung tumuloy pa ako. Kaya baka mayamaya na lang ako bumisita kay Blair."
"Kayo?" Ulit ni Div Umbra. Hindi na niya kailangan pa ng sagot ni Redder. Naisip niya agad na si Eros ang tinutukoy nito. Si Eros lang naman ang kausap niya kanina.
Pinilit na agawin ni Redder mula sa kanya ang kumot. "Lumabas ka na. Wala na akong pakialam sa iyo at sa tsaa mo."
Naupo si Div Umbra sa gilid ng kama. Hawak niya sa braso ang Payaso dahil baka may balak itong layasan siya. "Ano naman ang maaabala mo sa amin ng aking agrimensor? At ano ang problema kung magkasama kami?"
BINABASA MO ANG
Six Days Tea for Two
FanfictionTwo mortal enemies. Cozy kitchen. Tea time. For six days A fan fiction of Div x Redder Universe: FMBB