Kinabukasan ay para akong zombie.
Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Ang alam ko lang eh pagkagising ko parang isang oras lang tulog ko. Kaya naman eto ako ngayon. Nakapikit sa classroom.
Hindi padin ako makagetover sa nangyari kagabi. Masakit padin.
"Hoy!"
Inangat ko ang tingin ko kay D.
Nabigla naman siya sa itsura ko. Siguro ang laki ng eyebags ko.
"You didn't sleep?"
Concern na sabi niya habang may hinahalungkat sa bag niya.
"Oo naman. Kaso nagising ako ng 1 tapos nahirapan kong bumalik sa tulog."
Tumango siya tapos binigay niya sakin yung concealer.
"Mukha kang zombie A. Takpan mo eyebags mo."
Sabi niya tapos tumawa.
I roll my eyes at her.
Wala pa yung prof so pumunta muna akong restroom.
Nilagyan ko ng concealer ang ilalim ng mata ko na nangingitim.
Pakatapos kong ayusin ang mukha ko, lumabas nako ng restroom.
Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
My eyes we're glued sa dalawang taong paparating.
He was carrying her books and they are smiling to each other.
Nester and Jaren.
Naalala ko na, Jaren's the pretty girl in Block B. Siya pala yung pinag uusapan ng mga ka block ko na maganda daw.
Napahawak ako sa puso ko ng naramdaman kong kumirot ito.
Ang sakit sakit.
Ang sakit makita na masaya yung taong gusto mo sa iba.
Hindi ko alam kung anong nangyari sakin kasi una, crush ko lang siya pero ngayon parang lumalim.
Lumalim to the point na ayokong makita siya kasama ang ibang babae.
Tumingin si Jaren sa direksyon ko.
Umayos ako ng tayo tapos kumaway sa kanila.
"Hi!" Sabi ko kahit mukha akong tanga dahil sa pilit kong ngiti.
Tumingin sakin si Nester tapos ngumiti siya. Pero hindi kagaya ng ngiti niya kay Jaren.
Ouch. Ang sakit sakit.
Tumingin ako kay Jaren at nakita kong nakayuko siya.
Bakit ka nakayuko Jaren? Guilty kaba sa ginagawa mo?
Lumakad ako papunta sa kanila kasi sa direksyong ding yun ang daan pabalik sa classroom.
"Good Morning." Sabi ko.
"Hi." Pilit ngiting sabi ni Jaren.
"Hi Jaren. Hi Nester."
"Hello Aly, san punta mo?"
Ang sarap pakinggan kasi siya lang ang tumatawag sakin nun. Kaso mas nasasaktan ako lalo eh.
Pinilit ko paring ngimiti.
"Pabalik na ko ng classroom galing restroom. Kayo?"
Papalit palit ang tingin ko sa kanila. Si Jaren, nakikita ko sa mata niya na hindi siya comportable.
Hindi din naman ako komportable. Ang sakit kaya.
"Ihahatid ko si Jaren sa classroom nila."
Shoot.
"Kurt!"
Kahit na alam ko na yun talaga ang gagawin niya eh masakit pa rin pala talaga pag galing mismo sa kanya.
Nagbabadya ng tumulo ang luha ko. Wag muna pwede? I need to be strong for myself. Hindi ako magpapaawa sa kanila.
"Oh. Sige. Kayo ha!"
I faked a laugh.
Ngumiti lang sakin si Nester.
Hindi ko na to kaya. Ang sakit na masyado.
"Sige! Balik nakong classroom. Ingat kayo!"
Agad akong tumalikod sa kanila at nagsimulang maglakad.
Narinig ko pa si Nester na tinawag ako pero hindi nako lumingon. Ayoko. Ayokong makita na masaya siya kasama si Jaren. Ayoko.
Pakaliko ko sa corridor ay tumigil ako sa paglalakad.
Pinunasan ko yung pisngi ko na basa na ng luha. Hah. So this is what pain feels like.
The pain that we feel when someone we like the most is with other girl.
Stop Alyna. Get yourself together.
I tried to calm myself. Pumikit ako at huminga ng malalim.
Pagdilat ko mata ko, may nakalahad na panyo sa harap ko.
Tiningnan ko yung lalaking nag-aabot sakin ng panyo.
Hindi ko siya kilala. Hindi ko pa siya nakikita dito sa school.
Inilapit niya sa mukha ko ang panyo.
"Why do girls always cry over a guy?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napaiyak nalang ako sa sinabi niya.
Bakit nga ba? Bakit nga ba umiiyak ako ng dahil sa isang lalaki?
BINABASA MO ANG
If There Is An Us
Teen FictionAly has only looked at one man in her life until another man came and made her feel all the things she never intended to feel.