A/n:A must read chapter! Maraming clues dito! :))
Chapter 16: Threat on a SaturDate
Nagising ako sa ingay ng nagriring kong cellphone kaya kahit inaantok pa'y pinilit kong abutin 'to sa side table. Hindi ko na tiningnan ang caller ID. Sinagot ko na lang ito agad.
"Hello?" Sino ba kasi to? Ang aga agang nambubulabog! >_<
"Rise and shine, Ellaine! Musta tulog natin?"
Napabangon ako ng de oras. This voice...
"Gray??... Ah..I mean... Greg?" Kunot noong tanong ko.
"Yep it's me. Anyways, you can still call me Gray kung hindi ka pa sanay."
"Whatever. Sa'n mo nakuha number ko?"
"Sa may basurahan. Hahaha. Joke lang! Siyempre, secret ko lang yun."
I rolled my eyes. "Secret mo mukha mo! Ba't ka tumawag?"
"Wala lang, gusto ko lang malaman kung tama nga bang number nakuha ko."
"Huh?"
"Anyways, may reunion pala kayong magkakaibigan mamayang gabi? Sayang, gusto ko sanang ako ang maging kadate mo. Naunahan lang ako ni Sid,eh."
"H-how did you know about that?"
"Secret. Hahaha!! Mag-iingat ka dun, ah! Tandaan mo, lab na lab kita! Hahaha! Bye." And he hung up.
Seriously, what's wrong with him? •.•? Napadako ang tingin ko sa may wall clock ng kwarto ko. Alas nwebe na pala ng umaga. Tinanghali na pala ako ng gising. Mukhang napagod yata ako kahapon.
Nagvibrate naman yung phone ko. Pagtingin ko, si Sid nagmessage sa'kin.
'Gonna fetch you up at 5. Better be prepared before I arrive. Just reminding you. :)'
Ba't may smiley pa? Tss. Makababa na nga lang sa dining room. Ginugutom na tuloy ako.
Pagbaba ko, nakita kong may pagkain na sa lamesa, pero wala si Dad. Pumasok na siguro sa trabaho. Kumain na rin naman ako at pagkatapos naghanap na ako ng pwede kong isuot mamaya.
Nung wala na akong magawa, nagbasa lang ako ng mystery novel tapos nanood sandali ng TV.
Bandang 2 pm, nagbabad na ako sab bathtub. Nung matapos na'ko, syempre nagbihis na'ko. Simple lang naman ang outfit of the day ko. I just wear a pink mini skirt tapos white spaghetti pero sinapawan ko ng peach blazer. Pinaresan ko na rin ito ng white belt na bigay sa'kin ni Ate LJ nung nabubuhay pa siya. Sinuot ko na rin yung pink doll shoes na binili ni Dad para sa'kin. Mga 4:40 ng hapon ako natapos sa mga kaek-ekan ko. Ikaw ba naman magbabad ng isa't kalahating oras sa tub?

BINABASA MO ANG
Alta Casta Academy
Mystery / ThrillerCuriosity killed the cat. So STOP BEING CURIOUS!!!! Being a transferee, Ellaine Dina Altamira begins her new journey as she travels around the buildings of Alta Casta, finding the endangered secrets that caused the mysterious deaths of her schoolmat...