1

5.9K 102 0
                                    

We Meet Again



"Are you sure na hindi mo na sya susunduin sa school ngayon?" Tanong sakin ng kaibigan kong si Yanna.

Magkasama kami ngayon ng kaibigan ko palabas ng campus. Tapos na ang klase at kailangan na naming umuwi. Pero sa tingin ko hindi pa ako makakauwi. May kailangan pa akong daanan.

"Tingin ko naman nasa bahay na sya." Sambit ko.

Sinimulan na naming maglakad pauwi. Kami ni Yanna, ang matalik kong kaibigan since nung pumasok ulit ako sa college. Nag-aaral parin ako. I stopped for two years. Kagaya ko, ganun din si Yanna. Parehas lang kaming kapos sa pera. Kaya nagpa-part time job kami. Have the same age of 23. Ahead kami sa lahat ng kaklase namin.

College na kami ni Yanna. Bukod sa pagkakapareho ng edad, maging kurso ay nagkatulad din kami, which is Business Administration. Sa panahon kasi ngayon marami nang tao ang gustong maging business minded at magtayo ng sarili nilang business. Kaya yun na din ang kinuha namin. I met Yanna nung first day ko sa university. Wala pa akong masyadong kilala nun. Actually, wala naman talaga akong kilala dahil transferee lang ako. No one even bother to approach me until she came in. So lucky to have a good friend like her.

Dumiretso na kami sa coffee shop kung saan kami nagtra-trabaho as waitresses and cashier. Medyo maliit ang kinikita pero sapat na para sa pag-aaral ko at ng anak ko. Oo nga pala, may anak na ako. Limang taon na sya ngayon. Kinder to be exact. Sa private school ko sya pinag-aaral kahit nahihirapan na akong magbayad ng tuition fee. May ilang tao din naman kasing tumutulong sakin para sa ibang gastusin nya.

"Good evening, Sir." Binati namin agad yung boss namin.

"Hmmp! Late nanaman kayo!" Sermon nito.

Napatingin agad ako sa orasan ko at napabuntong hininga. "Sorry, Sir. Kagagaling lang po kasi namin sa school tapos------"

"Aist! No more excuses! Trabaho na!" Sambit nito nang hindi man lang pinatapos yung dapat na sasabihin ko. Ganyan kalupit ang boss namin. Kaya pinagtiya-tiyagaan nalang namin. Wala na kasi kaming ibang mahanapang trabaho.

"Sige po, Sir." Sabay naming sagot ni Yanna.

Nagbihis na kami ng uniform namin na polo shirt, pants at apron. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusuot ng mga maiikling damit para sa mga waiter and waitresses na katulad namin. Mas gusto kasi ni Boss na ang dinadayo ng mga tao ay yung tinda namin hindi yung legs naming mga trabahador. At isa pa, isa ang coffee shop na 'to sa mga pinakasikat na coffee shop sa lahat dahil madalas itong dayuhin ng mga Celebrity. So far, wala pa naman akong nagiging problema. Baka kung sino pa ang makita ko.

"Welcome po, Ma'am." Agad kong binati ang isang costumer na kapapasok lang ng shop. I guide her papunta sa VIP seat. Yun kasi yung madalas na costumer naming pumupunta dito. Medyo may katarayan pa nga kaya ingat na ingat kami sa pagse-serve dyan. "May I take your order please?"

Hinanda ko na yung maliit na notebook at ballpen ko na ginagawa kong listahan para sa mga orders ng costumers. "Cuban espresso." Matipid na sagot nito sa tanong ko. Nilista ko yun nang mabilis at pumunta sa serving area. Hinintay kong matapos yung order nya tsaka ito inihatid papunta sa table nya.

"Here's your order, Ma'am." I then said with a cheerful smile. Pero hindi man lang nya ako nilingon. Effortless ang pagngiti ko nang pagkalawak-lawak.

Sunud-sunod na costumers ang dumating. Pahirapan pa kaming mga waiter and waitresses sa pagha-handle ng bawat isa sa kanila. Konti lang kasi kaming trabahador dun at hindi ko lubos maintindihan ang boss namin kung bakit ayaw pang mag-hire ng mga bagong empleyado.

That's My Dad! (Book 2) [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon