(9) Bulaklak

12 2 0
                                    

2025

"Mapunta tayo kay cristoff at fret. Magkasama pala sila nung foundation day kaya hindi nakapag perform si fret" roxanne

"Kaya pala wala sa program ang president" pang-aasar ni gelo kay cristoff

"Magkasama kayo?" gulat na sabi ni jewel

"Oo sa laboratory pa haha" natatawang sabi ni keiser

"Nagka emergency lang nun" sabi ko naman

"Hindi mo ko iniwan non alam mong kailangan ko ng tulong" lahat kami napatingin kay cristoff

2015

DAY 3

Nasa gym kami ngayon nanonood ng performance ng ACC dancers grabeeee ang galing galing ni jewel.

"Galingggg mo jewel!!" sigaw ko

"Ang galing mo jewel!! Crush na kita! haha. Nakakainlove ka ang galing mo girl!" sigaw naman ni roxanne.

"Mas lalo akong nahuhulog sayo jewel ang galing moooo" sigaw naman ni keiser na nakaupo sa bandang kaliwa ko. Todo sigaw talaga siya para kay jewel yieeeee ang sweet.

May biglang kumalabit sa likuran ko dahilan para mapalingon ako.

"Ikaw pala vanessa bakit?" tanong ko

"Tawag ka ni sophie" sagot niya pero ang ingay kasi kaya di ko marinig.

"Ha? Ano di kita marinig lakasan mo boses mo"

"Ta-wa-g ka-ni so-phie!"

"Ahh sigee asan ba siya?" tanong ko

"Nasa bandang yun" tapos turo siya sa bandang unahan.

"Ahh sige sige susunod ako"
.
.

Twerk it miley aha ah ah twerk it like miley yeah..

"Roxanne pupunta lang ako kay sophie"

"Oho twerk it like miley.. . Teka ano naman gagawin mo dun fret?"

"Ewan ko basta pinapapunta ko dun pero baka siguro about sa team ACC"

"Ahh oki text mo na lang ako"

Umalis na ako at pumunta sa unahan

"Bakit sophie?" tanong ko ng makarating ako doon.

"Halika upo ka sa tabi ko" naupo naman ako sa tabi niya

"Gusto ko sana sabay tayo mag lunch? Masasamahan mo ba ko?" bulong niya sakin

"Pero kasi ano eh"

"Pleaseee?" (sabay nagmamakaawa face )

"Oo sige na payag nako sabay tayo mag lunch" tapos ngumiti ako sakanya

"Yeyyy buti na lang pumayag ka!" minsan talaga iniisip ko bakit kaya ang babaw ng kaligayahan ng babaeng to haha

Natapos na ang program. Naglalakad na kami palabas ng. . .

"Fret?" tawag sakin ni jewel kaya napalingon kami ni sophie. Lumapit samin si roxanne, keiser at jewel.

"Ang galing mo jewel congrats!" magiliw kong bati sakanya

"Thanks fret. Lunch tayo libre ko" nakangiting alok sakin ni jewel

"Oo nga tara fret manlilibre si dancing queen" dagdag pa ni roxanne

"Ahh ano kasi eh aa"

"Actually niyaya ko na si fret mag lunch" sophie

"Ikaw ba kausap namin ha?" naiiritang tanong ni Roxanne

Fall (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon