Para sa ikabubuti niya.
Yan ang palagi kong sinasabi sa sarili ko pero iniwan at sinaktan ko siya mahal na mahal ko pa rin hangang ngayon.
"Ro-ron-nie I-im sorry, pero ayoko na tapusin na natin to"
sinubukan ko mang di mautal habang sinasabi yan sa kanya pero di ko pa rin nagawa.
Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ito ng matagal.
Nakakaiyak ang katahimikang bumalot saming dalawa.
Tinignan niya ko ng diretso saaking mata tila nagtatanong at nag-iisip kung joketime lang ba ang lahat ng sinabi ko.
Pero nung nakita niya di ko pa rin ito binawi dun na si Ronnie nagsimulang mamutla."Ki-kimmy bawiin mo yun kimmy nagjojoke ka lang diba? Di magandang biro yan" umiiyak na sinasabi saakin ni Ronnie, pero buo na ang desisyon ko.
"A-ano bang mali ang naigawa ko sayo? Hah? Kimmy? Naman oh pleasee wag ganito" Halos lumuhod na siya sa harapan ko.
Isa pang pagmamakaawa niya ay babawiin ko na lahat ng sinabi ko.Binawi ko ang kamay ko sa kanya at tinalikuran na lamang siya. Ayokong makita niya ang luhang sunod na pumapatak sa mukha ko tila naguunahan sa paglabas nila mula sa aking mata.
Gusto ko na lang umuwi at matulog at isipin na panaginip lamang ito. Isang masamang panaginip.
"KIMMMMMMY!!"
'Wag kang lumingon please kim wag ka ng lumingon'
Nagtuloytuloy na ko sa paglakad malayo sa kanya sa lalakeng pinakamamahal ko
"Im sorry Ronnie im sorry im sorry" bulong ko sa sarili ko pagkasakay ko ng taxi di ko na lang napigilang humagulhol sa iyak.
Yun na ang huling araw ng pagkikita namin.
BINABASA MO ANG
Wherever You Are
Teen FictionMahal ko siya pero iniwan ko... Mahal ko siya pero tinakbuhan ko... Mahal ko siya pero sinukuan ko... Mahal ko siya, kaso kailangan ko nang lumayo.. Para sa ikabubuti niya.