KAKAIBA

69 1 0
                                    

Sabi ng mga magulang ko,
kakaiba daw akong bata.
Kasi imbes na maging prinsesa,
gusto ko maging bampira.
Masaya rin ako kapag tag-ulan.
Di ko kase hilig na sa kalsada'y magtagu-taguan.

Sabi ng mga magulang ko,
kakaiba daw akong dalaga.
Dahil kung yung iba'y nag-aaral,
Ako nama'y nakahiga lang sa kama.
Nililibang na lamang ang sarili sa libro,
Dahil di ako naman ako makalabas para makihalobilo.

Sasabihin mo rin bang ako'y kakaiba?
O ikaw ba ay nagtataka, bakit ba?

Kakaiba ako sa lahat,
May pasanin akong buhat.

Kinulong na ako ng aking sakit,
Na di na mabibigyang lunas.
Buhay ay puno na ng pait,
Dahil sa karamdamang dinaranas.

Gustuhin ko mang maging tulad ng iba,
Tila di na magagawa.
Pinanganak akong kakaiba,
Na dadalhin ko na rin hanggang sa aking pagkawala.

" HINDI AKO MAKATULOG "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon