Hayaan mong hanapin ko ang sarili ko nawala .
Noong sinabi mong tayo'y wala na .Hayaan mong muli ay mapuno ang puso ko ng pag-asa .
Na nagsawang umasa sa iyong mga salita ..Hayaan mong muling tumibok ang puso ko.
Na tumigil bahagya nung iniwan mo 'ko ..Hayaan mong bumalik ang mga luha ..
Na bumuhos noong sa paningin ko'y naglaho ka ..Hayaang muling makaramdam ng kilig
na napalitan na pighati't sakit nung sayo'y umibig ..Hayaang bumalik ang dati nararamdaman
lalo na ngayon na bumabalik ka sa aking harapan ..Hayaang maramdamang muli ang init ng iyong bisig
dahil baka muli iyon ay isa lamang kathang isip ..Ipikit ang mga mata habang nariring ang iyong salita ..
Sa ikalawang pagkakataon ay muling maniniwala sa mga kataga ..Mata'y imumulat at sana ako'y nasa realidad ..
Ikaw ay nagbabalik sa aking harapan at iniaabot ang iyong palad ..