Special Chapter #1

71.2K 1.2K 53
                                    


Disclaimer:
Ang special chapter na ito ay parang isang interview lang po kina Vannie at Sam tungkol sa buhay nila bilang isang pamilya na. So it will be written like a script version.

Interview with the Rivera Family

Setting:
At the newly-wed couple's residence, in the living room. With Era Lee, the interviewer--sitting opposite to Samuel and Vanessa Rivera.

•••

Era: Good morning Mr. and Mrs. Rivera. Sorry kung maaga ang interview natin.

Vanessa: (laughs) Okay lang, Ms. Lee. Maaga naman kaming nagigising.

Era: Charot. Sinong early bird sa inyo?

Samuel: (tumingin kay Vanessa) (laughs) Siya. Napakamaagang gumigising. I don't know maybe 4am, gising na siya.
Vanessa: (laughs again) Eh kasi si baby, madaling araw pa lang, umiiyak na kaya nagigising na rin ako. Malapit lang kasi yung crib niya sa bed namin. Sa may side ko. Kasi itong si Rivera, ewan ko kung bakit hindi nagigising sa iyak ni baby.

Era: Haha. So, diba kakakasal niyo lang? How is the life of a newly wed couple now?

Vanessa: It's really wonderful. We're together for seven years na rin kasi so we know each other that much already.

Era: Paano ba siya nagpropose? How did Samuel propose to you?

Vanessa: (laughs) Nung graduation ko 'nung college. The night after I graduated. Hindi naman proposal yun. Parang statement. Paano ako makakahindi? Bigla na lang niya akong sinuotan ng singsing tapos 'I'm gonna marry you, Velasco.' I couldn't even disagree! Hindi naman kasi tanong. Haha.
Samuel: (raising his hand, defensive, laughing) I did it to make sure she's gonna marry me. But she still rejected it though.

Era: Oh, why?

Samuel: Sabi niya sa akin, she'll marry me after we graduate law school. But on our six year anniversary, something happened unexpectedly. She couldn't wait anymore so we decided to have baby.
Vanessa: (hinampas sa balikat si Sam) Baliw ka talaga! No, Ms. Lee. (giggles) Siya nga itong pumikot sa akin para hindi na ako makawala.
Samuel: She has really been fantisizing my body since we started dating kaya I gave it to her on our sixth anniversary.
Vanessa: (tumatawa pa rin) Isa, the third, baka gustong mong matulog sa sala mamaya.
Samuel: She's the boss. (tries to stop from laughing)

Era: Hahaha. Diba you got pregnant on your sixth anniversary? Paano ka naglihi? Cravings, moodswings?

Samuel: Ms. Lee, it was scary.
Vanessa: Grabe ka talaga, hindi kaya!

Era: Paanong scary?

Samuel: Nung pinagbubuntis niya ang daughter namin, araw-araw hindi ko alam kung anong magiging mood niya. Ang bilis magalit. Lalo na tuwing nagluluto siya, I could feel that I was the one being chopped not the damned vegetables. Lagi pa siyang naghihinala na may babae ako.
Vanessa: (giggles) May isang beses kasi 'nung umuwi siya, may naamoy akong pambabaeng perfume sa kanya kaya akala ko may babae.
Samuel: Binigyan kasi ako ni Mrs. Mendez, isa sa mga board member ng company namin ng perfume. Nagbakasyon kasi siya sa 'nun sa France kaya dinalhan niya ako ng pasalubong. Pinatry niya sa 'kin yung perfume kung mabango ba. Kilala ni Vanessa si Mrs. Mendez. Kung hindi ko ipinakita sa kanya yung perfume baka pinugutan na ako ng leeg.
Vanessa: Haha, tapos pinagsabihan ko siya 'nun na maglagay siya ng CCTV sa office niya tapos yung monitor ng CCTV, ilalagay sa bahay para makita ko talaga siyang hindi mambababae.

Era: Haha! Feeling ko nakakatakot kang magalit.

Samuel: She's really scary. (laughs) Lalo na kapag 'the third' na ang tawag niya sa akin, it means she's really mad kaya tiklop na ako.

Era: May balak ba kayong sundan na ang baby girl niyo ngayon?

Vanessa: (tumawa at tinuro si Sam) Siya. Gusto niya kaagad na sundan si baby.
Samuel: (laughs) Gusto ko lang naman na may the fourth na sa pamilya namin. Pero gusto niya na 3-4 years yung gap ng mga anak namin.
Vanessa: Gusto ko kasing lumaki si baby na alagang-alaga ko until na medyo may alam na siya.
Samuel: Kaya ako na yung hindi naaalagaan niya dahil mas focused na siya sa anak namin.
Vanessa: Tumigil ka nga. (laughs again) Malaki ka na. (both of them laughed)

Era: Hahaha. Okay, makikiuso na rin ako kay Boy Abunda. Magfast-talk tayo. I'll give you 3 questions each. Vannie, ikaw muna.

Vanessa: Sure.

Era: Favorite part of your husband's body?

Vanessa: Hmm.. Sa may chin niya. The stubbles area? Ewan ko. Hahaha. Gusto ko talagang ako yung nagsheshave kapag tinutubuan na siya ng balbas.

Era: Ikaw pala nagsheshave?

Samuel: Yeah. (laughs) Nagtatampo pa siya kapag hindi siya ang magsheshave sa stubbles ko.

Era: Okay, next. How many times do you do it?

Vanessa: H-Ha?

Era: Sex. Nasa tanong. Hahahaha.

Samuel: Almost every day. Diba, honey?
Vanessa: (blushes) Bastos ka talaga! H-Huwag kang maniwala dito, Ms. Lee. Saka bakit ka ba sumagot, ako yung tinanong.

Era: Most memorable moment?

Vanessa: (smiles) Giving birth to our daughter.

Era: Aw. Okay kay Samuel naman tayo.

Samuel: Shoot.

Era: Who's the boss in the house?

Samuel: (tinuro si Vanessa) My wife. Kailangan mong sumunod sa kanya kung ayaw mo ng world war 3.
Vanessa: A happy wife means a happy life.
Samuel: She's blackmailing. (chuckles)

Era: Favorite part of your wife's body that you always want to kiss?

Vanessa: Kapag talaga sumagot ka ng bastos, the third, sa sofa ka matutulog.
Samuel: (chuckles) Lips. Although I also love kissing the lower part--.
Vanessa: The third, isa.

Era: Haha, okay, last question, greatest weakness?

Samuel: My wife, her tears. My family. They're all my weaknesses.

Era: (stands up) Thank you so much for the interview Mrs. Vanessa Rivera and Mr. Samuel Ignacio Rivera the third.

Samuel: Thank you too, Ms. Lee.



●●●





The Bad Boy's Club (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon