Sa dati nating tagpuan. Dating tagpuan kung saan madalas tayong dalawa yung laman, tanda ko pa, palagi akong unang dumadating sa'yo kapag mayroon tayong usapan, naghihintay ng mga kalahating oras, nakatingin lang sa mga taong pumapasok at lumalabas ng store, umaasang sa susunod na pagbukas nito, ikaw naman ang makikita ko. "Kanina ka pa ba?" Yan yung una mong itanong sa akin sabay ngiti na para bang hindi mo ako pinaghintay ng sobrang tagal. Kung minsan, nagtataka na ako kung sino nga ba yung babae sa ating dalawa sa sobrang bagal mong kumilos. Alam na alam mo na din na aawayin kita dahil ayaw kong pinaghihintay, kaya madalas mo kong lambingin bago pa ako makapagreact sabay lapit kay ateng madalas tayong pagkalamang lovers na nasa may cashier para bumili ng kakainin natin. "Kuya, kailan mo ba liligawan si ate?" Yan yung madalas na itanong nya sayo, lagi din nyang sinasabi na bagay daw tayong dalawa at sayang naman daw kung hindi tayo magkakatuluyan. Tatawa ka lang sabay kamot ng ulo at kukunin yung cup noodles at yung mogu- mogu. "Dadating din tayo dyan." Araw-araw ding paliwanag mo kay ate. Gaano katagal bago humantong tayo doon sa sinasabi mong panahon? Kasing tagal ba ng laging paghihintay ko sa 'yo? Madalas ko yung naiisip dati habang nakatingin sayo at nakikinig sa paliwanag mo dun sa babaeng nasa cashier."I received 100 pesos po." Kinuha ko na yung binili kong cup noodles, umupo sa isang sulok kung saan nakikita ko lahat ng taong dumadaan sa may labas. "Favorite area" nga daw natin tong dalawa. Ngayon ako na lang mag isa, nakaupo sa dating madalas nating tambayan, nakatingin sa bagong cashier na ngayon ay lalaki na, umaasa pa din ba ako kahit na alam kong may iba ka ng mahal? Oo nga pala, hindi mo nga pala ako minahal. So, kahit na alam kong may mahal ka na. Umaasa pa din ba ako? Yung tipong bigla ka na lang dadating, basa pa ang buhok mong kulay uling, tatanungin ako ng "kanina ka pa dyan?" Tapos next time na makikipag usap ka dun sa nasa cashier, wala ng awkward moments kapag tinatanong yung nag iisang tanong nya. Yung confidently mong sasabihin na this time ako naman yung priority mo, yung hindi ko na kailangang maghintay pa kasi moment na talaga natin to. Nakakatawa, siguro nga umaasa na naman ako.
"Tamo best, tingnan mo yung babae sa labas, kulang na lang mag two piece."
"Kung kani-kanino ka na naman nakatingin. Pwede naman sakin."
"Hahaha. Pwede ba. Wala ka ngang hinaharap best. Wala ka ding balakang. Mas lalaki ka pa ngang kumilos sakin.
"Ang sama mo!"
Ganun tayo noon. Katulad ng dalawang mag kaibigan na 'to na sobrang magkulitan sa kabilang table. Wala lang, naisip lang kita at kung paano mo ako laitin mula ulo hanggang paa. Nakakatawa pa lang makita yung sarili natin sa pagkatao ng iba. Yun bang sana ganto na lang ulit tayo. Puro asaran lang. Pero minsan hindi din maganda, minsan gusto mo ng mag seryoso pero dahil sa sobrang paglolokohan nyo, pati feelings nyo sa isa't isa, nagiging joke na lang din. Tulad na lang din nung babae, hindi ata nagets nung lalaki yung pahiwatig nya. Mahirap ba talagang makasense yung mga lalaki o sadyang ayaw lang nila na makasakit ng feelings lalo na kung mas mahalaga yung babae bilang kaibigan lang. Ang hirap ano? Sana hindi matulad sakin yung babae. Nagmamahal. Pero hindi minamahal. Hindi pala. Minamahal pero palaging kulang. Akala ko dati, lahat ng pagmamahal, masaya. Lahat maganda. Hindi pala lahat, may pagmamahal pa lang nakakasakit, yung pagmamahal na may limitasyon, pang mag kaibigan lang. Yung tipong gusto mong umasa, pero alam mong hanggang dun lang talaga. Pinagtagpo, hindi tinadhana. Pero sila kaya? Itinadhana ba? Sana oo. Masakit kasi kapag hindi. Bakit ba kasi ang hirap mahanap yung taong para talaga sa atin, kailangan pang dumaan tayo sa "trial and error" napaka uncertain. Bakit di na lang tayo pwede magmahal ng mahal tayo at mamahalin tayo hanggang dulo? Napaka complicated ng pagmamahal. Napakalabo hindi lang minsan pero madalas.
Nauuhaw ako, gusto kong mogu-mogu. Isa talaga 'to sa panahon na sobrang namimiss kita, pag ganito kasi, madalas hindi ko na kailangan pang umalis sa upuan ko, tatayo ka na at ibibili ako ng drinks, ganun ka kasi, normal na gentleman talaga, sa lahat, hindi lang sakin. Hindi lang talaga sa akin.
"May nakalimutan ako, 30 pesos 'to di ba?" Sabay abot ng 30 pesos sa binatang nasa may cashier.
"Received 30 pesos po. Meron pa po ba? Piattos yung malaki?" Nilapag nya yung piattos dun sa may lane. Alam na alam na ni kuya yung mga binibili ko. Halatang madalas ako dito. Madalas, ako na lang.
"Oo nga pala. Salamat." Nag add pa ako ng 27 pesos at iniabot kay kuya tsaka umalis.
Nawala na yung dalawang magkaibigan na kanina lang ay nagkukulitan kasabay ng iba pang pumasok at lumabas na sa store. Nandito pa din ako. Nakatingin sa kawalan. Umaasang hindi na muli aasa na dadating ka dito sa same place, sa dating nating tagpuan. Sa dating tagpuan na madalas tayong dalawa yung laman.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Naghihintay sa wala, Umaasa sa wala (Prose and Poetry)
PoezieDahil ang lahat ng nararamdaman at libo libong mga tanong at salita na gumugulo sa puso't isipan ay kailangan ding isulat pagkat kailan man ay di ito mabibigkas at maipapahayag ng isang manunulat.