AILA
Nakakainis!
Late na ako sa school! Paano kasi ay ang hirap mag para ng jeep.
Nagmamadali na akong pumunta sa room ko nang may biglang lalaki ang sumulpot sa harapan ko at nabangga ako.
"Ano ba! Tignan mo nga ang dinadaanan mo" inis kong sabi sa lalaki.
I know it's rude, pero nakakainis kasi talaga. Late na nga ako ay lalo pa akong tumatagal dahil nalaglag pa 'tong mga gamit ko.
"I'm sorry miss." anang lakaki.
Hindi na lang ako sumagot, pinulot ko na lang ang mga gamit ko, buti at tinulungan niya ako.
"Sorry talaga miss, hindi kasi kita napansin"
"Wala ng magagawa yang sorry mo" sabi ko nang hindi siya nililingon.
Pagkatapos nun ay nagmadali na akong umalis. At pagpasok ko ay mahaba habang sermon ang nakuha ko sa prof. ko dahil sa pagiging late ko.
Hay...
Nang mag break time na ay diretso kami nina Amy sa Cafeteria.
"Anong nangyari sayo Aila? badtrip ka ata?" Tanong ni Elisse dahil kanina pa ako hindi kumikibo at naka kunot noo.
"Obvious ba?"
Nagtawanan lang sila, ako naman ay lalo lang napasimangot, bwisit! Natigil lang sila sa pagtawa nang may biglang lumapit sa amin na isang pamilyar na lalaki, at sa akin siya nakatingin habang nakangiti.
"Sino ka?" Diretso kong tanong sa lalaki.
"Ahm, ako nga pala yung nakabunggo sayo kanina sa may hallway, and I'm here para ibigay to" May inilapag na key chain sa mesa ang lalaki, yung key chain na yun ay isang heart shape na may nakalagay na 'I Love You Mak', galing yun kay Clarence, actually pareho kaming merong ganun.
Kinuha ko yung key chain at nagtatakang tumingin sa kanya.
"Nahulog mo ata kanina yan, nagmamadali ka kasi kanina kaya hindi ko naibigay" ngiting sabi ng lalaki.
"Ah ganun ba, sige thank you"
"By the way, ako nga pala si Ace " pakilala ng lalaki sa akin. Inabot niya ang kamay niya, mukha naman siyang mabait kaya nakipagkamay ako.
"I'm Aila, and mga kaibigan ko nga pala, sina Amy, Elisse at Yumi"
Nakipagkamay din siya sa tatlong kaibigan ko na naka ngisi.
"Nice to meet you all guys, but kailangan ko nang umalis, see you again later na lang" naka ngiting wika ni Ace at naglakad na palayo.
Pagka-alis niya kumain na ulit kaming apat.
"Ang gwapo nun ah" komento ni Elisse pagka alis ni Ace.
"Oo nga eh, single kaya yun?" Dagdag naman ni Amy.
"Mukhang type si Aila eh" ani Yumi habang nakangisi sa akin. Napatingin ako kay Yumi, at binigyan siya ng 'what are you talking about' look.
"Like duh! Di mo ba halata? The way he looks at you ay parang may something eh"
"oo nga, ganun ka din tignan ni Clarence nung High School tayo" singit ni Elisse.
"Tss... Magsitigil na nga kayo"
Kumain na lang ulit ako, sila naman ay tinawanan lang ako. Hmmp!
After a while ay lumapit sa table namin si Marco na isang varsity player, may dala siyang bulaklak.
BINABASA MO ANG
Mahal Akin Kalang (✔️)
RomanceAila Rodriguez and Clarence Brickson are in a relationship for approximately five years and they were so in love with each other. They are completely happy and contented, but they had to break up because of the sudden arrange marriage of Clarence to...