AILA
Pagpasok ko sa school ay tinginan na naman, at nagbubulungan din. Alam na siguro nila ang nalalapit na kasal ni Clarence.
Pagpasok ko sa room ay sinalubong ako ng mga bestfriend ko, at halatang nag-aalala yung mga mukha habang nakatingin sa akin. Nginitian ko lang sila at umupo na ako sa may dulo.
Habang nag di-discuss yung prof namin ay lutang lang ako, kaya ang ending ay pinalabas ako dahil ilang beses akong tinawag ng prof pero di ako nasagot kaya nahalatang di ako nakikinig.
Pumunta ako sa may garden at naglakad-lakad. Napatingin ako sa isang lalaki na naka upo sa isang bench, naka headphone siya at nakapikit, lumapit ako at umupo sa tabi niya.
Napadilat naman sya at gulat na tinignan ako.
"Aila?" Ani Ace at napa ayos ng upo.
"Hey" walang gana kong sabi.
"Anong ginagawa mo dito, may klase ka pa 'di ba?" Inaalis niya yung headphone niya habang tinatanong yun.
"Napa labas ako ng prof eh" kibit balikat kong sabi.
"Huh? Bakit naman?" Nagkibit balikat lang ulit ako, ayokong magkwento.
"Pahiram nga muna niyan"
Kinuha ko yung headphone sa kamay niya at sinuot kahit di pa sya pumapayag.
At ang nakaka asar ay isa sa mga super memorable na kanta ang naka play, alam niyo kung ano? Edi 'God Gave Me You', Hindi siya yung theme song namin ni Clarence, pero super memorable siya dahil heto yung kinanta niya sa akin nung 3rd aniversarry namin.
"Hey, bakit ka umiiyak?" Tarantang wika ni Ace. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, eh kasi naman.
Iniisip ko pa lang na magpapakasal na ang mahal ko sa iba, parang pinipiga na yung puso ko sa sakit.
"Ano bang problema uy?" Nakuha na pala ni Ace ang headphone niya at tinignan ako ng may pag-aalala.
Umiling ako. Umiyak at hindi sumagot. Siya naman ay binigyan lang ako ng panyo. He looks worried.
Nung medyo kumalma na ako dahil sa kakaiyak ay nag aya siyang pumunta sa cafeteria na hindi ko tinanggihan.
Habang papunta kami ay doon ko lang napansin na breaktime na pala.
Pinaupo nya lang ako sa isang table at siya na ang bumili ng makakain namin.Nang makabalik na siya ay may kasama siya na lalong nakasakit sa puso ko, si Clarence at yung fiancee niya.
"Aila, siya nga pala yung sinasabi ko sayo na pinsan ko, si Krisia, tapos siguro kilala mo na si cLarence na fiance nya nuh?"- acE
Gago kang Ace ka, hindi ko lang yan kilala dahil kilalang kilala ko yan. Mahal na mahal ko pa.
Napatingin sa akin si Clarence at nakita ko siyang napa kunot noo, nagtataka siguro kung bakit ko na naman kasama hetong si Ace.
" Hello, Aila" ani Krisia na naka ngiti. Mukha namang mabait ang babaeng to eh, at halatang hindi plastik, kaya nginitian ko na lang din kahit ayoko.
BINABASA MO ANG
Mahal Akin Kalang (✔️)
RomanceAila Rodriguez and Clarence Brickson are in a relationship for approximately five years and they were so in love with each other. They are completely happy and contented, but they had to break up because of the sudden arrange marriage of Clarence to...