KABANATA 06

918 33 0
                                    

AILA

Ano naman ba 'to?
Ang pangit ng pakirandam ko, parang nilalamig ako at parang nahihilo pa.

Pero pinilit ko parin na tumayo, pumunta ako sa may banyo at naligo.

Pagkatapos kong mag breakfast ay pumasok na 'ko, ayaw nga akong papasukin ni ninang kasi parang namumutla daw ako, pero nagpumilit parin ako. Wala naman kasi akong gagawin sa bahay.

"Uy Aila, okay ka lang? Ba't ang putla mo?" Pansin ni Yumi pagkakita niya sa akin.

"Okay lang ako, don't worry" wika ko sa kanila at naupo na. Nginitian ko na lang sila para hindi sila mag-alala.

"Ms. Rodriguez, can you please give this one to Mr. Sebastian?" Utos s akin Maam.

At dahil nasa may harapan ako nakaupo ngayon ay ako ang nakita ni ma'am para utusan, tss.

No choice ako kung hindi sumunod, at saktong sa klase ni Clarence nagtuturo ngayon si Mr. Sebastian.

Bago ako pumasok ay kumatok muna ako, lumapit ako kay Mr. Sebastian at ibinigay yung folder.

Aalis na sana ako nang makarandam ako bigla ng hilo.

"Ms. are you okay?" Ani Mr. Sebastian at nilapitan ako.

Hindi ko na nasagot si sir dahil biglang nagdilim ang buong paligid ko.

***

CLARENCE

Kasalukuyan akong nakikinig ng music sa headset ko ng pumasok si Aila sa room namin.

Nakatingin ako sa kanya nung may inabot siyang folder kay sir. mukhang nautusan lang.

Pero napansin ko na ang putla niya, anong nangyari sa kanya?

Bigla akong napatayo at napatakbo sa pwesto niya ng bigla siyang nawalan ng malay habang palabas na siya.

"Aila!" Nataranta ako habang hawak ko ang walang malay na si Aila.

Binuhat ko siya at nagmamadali ko siyang dinala sa clinic at hindi ko na pinansin si sir at ang mga classmate ko na kung ano ano na ang sinasabi.

Nakasalubong ko pa sa hallway sina Krisia at Ace.

"Hey, what happened to her?" Ani Krisia.

Hidni ko siya sinagot, mas importanteng madala ko siya sa clinic, nakasunod naman ang dalawa.

Nang madala ko na siya sa clinic ay tinignan agad siya nung Mrs. Leila na siyang doctor dito.

"Kumusta na po siya?" Kaagad kong tanong sa doctor.

"Don't worry, mataas lang ang lagnat niya kaya siya nahimatay kanina. Kailangan niya lang magpahinga at uminom ng gamot. I think mas maganda kung iuwi niyo na lang muna siya" anang doctor. Tumango ako at nakahinga ng maluwag. At least maayos si Aila.

Sinunod ko naman agad ang doctor, nang magkamalay na si Aila ay pinilit ko na siyang umuwi, pumayag naman siya. Sumama din sina Krisia at Ace sa paghatid ko kay Aila na hindi ko naman natanggihan.

Pagdating sa bahay ay wala si ninang Josie, si Lala lang ang sumalubong samin na agad tumakbo sa akin at dinilaan ako sa mukha.

Namiss ko din tong asong 'to. Nagtaka ako ng biglang nagtatahol nang makita si Ace. Mukhang ayaw din niya kay Ace katulad ko.
Nang makapagpahinga na si Aila sa kwarto niya ay iniwan muna namin siya. Pumunta kami sa sala na nagtatahol na naman nung makita si Ace.

"Lala behave!" Utos ko dito at hinawakan siya sa ulo upang kumalma.

Ayun buti at tumahimik.

"Kilala mo yung aso?" tumango ako sa tanong ni Krisia, paanong hindi ko kilala eh sa akin galing ito?

Umupo ako sa sofa at agad namang tumabi sa akin si Lala na parang batang naglalambing.

"Wow, mukhang close kayo ah?" May pagtataka sa boses ni Krisia, pati ang tingin ni Ace ay nagtataka rin. Hindi na lang ako nagsalita.

***

KRISIA

Bakit parang at home siya sa bahay nina Aila, yung tipong parang alam niya ang pasikot-sikot ng bahay na parang ilang beses na siyang nakapunta dito.

Yung aso naman ay super lambing sa kanyA at sinusunod siya. Kanina ay kitang kita yung pag-aalala niya kay Aila. Magkakilala ba sila ni Aila? Magkaibigan?

May bagay ba akong hindi alam tungkol sa kanila? Kung meron man, ano yun? Para kasing sobrang importante ni Aila kay Clarence eh, yung tipong parang ayaw niya itong masaktan.

At dahil dun ay nakakarandam ako ng selos. Selos kasi never kong narandaman na nag ca-care si Clarence sa akin, samantalang kay Aila ay parang halos ayaw niya itong bitawan.

Tinignan ko ang pinsan ko na tahimik at alam kong randam din niya na may kakaiba may Clarence dahil sa kilos nito.

Sino ba si Aila sa buhay niya? Importanteng tao ba? Gaano kaya kaimportante? Gusto kong magtanong pero natatakot ako sa maaari niyang maging sagot sa akin. Ayokong pangunahan siya lalo na at hindi ko alam kung ano talaga sila. I'm just his fiancee na ipinilit ipinapakasal sa kanya.

Nakagat ko ang labi ko sa mga naiisip ko. I like Clarence a lot, at masakit isipin na baka wala pala talaga akong pag-asang makapasok sa puso niya dahil baka mayroon na palang ibang laman iyon.


- Hazlyn Styles -

Mahal Akin Kalang (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon