CLARENCE POV
"Where have you been?" Yan kaagad ang tanong sa akin ni mama pagkakita niya sa akin. Gabi na kasi ng maka uwi ako sa bahay, hinintay ko muna kasing maka tulog si Aila bago ako umalis sa kanila.
"Galing lang ako sa kaibigan ko ma"
Hindi ko naman pwedeng sabihin na galing ako kina Aila. At isa pa, hindi naman kilala nina mama at papa si Aila, kahit almost five years kami ni Aila ay hindi naman ako nagkaroon ng chance na ipakilala sa kanila si Aila dahil nga nasa states sila at laging busy.
"Ipapaalala ko lang sayo Clarence na ilang araw na lang at hindi ka na binata kaya umayos ka" utas ni mama sa akin.
"Ma, hindi ba pwedeng iatras nyo na lang to? Hindi ko naman gusto si Krisia eh"
"Pinag-usapan na natin to Clarence at matutuloy ang kasal" Pagkasabi niya nun ay iniwan na niya ako. Bakit ba kasi ang duwag ko pagdating sa parents ko?
Ni hindi ko man lang kayang suwayin yung gusto nila. Pero kung wala akong gagawin, paano na kami
Aila?***
AILA'S POV
After almost three days na hindi ako naka pasok sa school dahil sa nagka lagnat nga ako, sa wakas ay makaka pasok na rin ako ngayon.
Pagdating ko sa school ay agad akong kinumusta nung mga over OA kong mga kaibigan. kesho daw baka mahimatay na naman ako, bakit daw pumasok na ako agad.
But super thanks sa kanila kasi ipinagsulat pala nila ako ng notes, kaya hindi ko na kailangan mangopya pa.
Habang nagtuturo yung prof namin ay narandaman kong nag vibrate yung phone ko, nasa may likod kami ni Yumi kaya pasimple kong inilabas yung cp mula sa bulsa ko
From: Mak
Pumasok ka na pala, okay ka na ba?I smiled. Then I reply.
To: Mak
Yup! okay na ako. Thanks, sa 'yo ;)From: Mak
That's nothing, just take care always. I love you. <3To: Mak
Okay, I love you too <3After that ay ibinulsa ko na ang phone ko habang may ngiti sa labi.
Nang break time na ay nag text na naman si Clarence sa akin.
From: Mak
Mak, kita tayo dito sa rooftop. I'll be waiting.Kaya naman agad ko nang pinauna sina Yumi sa cafeteria, nagdahilan na lang ako na may gagawin pa ako.
Nang makarating ako sa rooftop ay agad kong nakita si Clarence na nakasandal sa may pader. Pagkakita niya sa akin ay agad siyang lumapit at hinawakan niya ang kamay ko.
"Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko.
"Hindi naman,"
Inaya niya akong umupo sa may likod na part ng rooftop. Habang pareho kaming naka upo ay nakayakap siya sa akin. Tapos ay may inabot siyang sandwich sa akin at isang bottle of water.
"How about you, kumain kana ba?"
"Hindi pa. Don't worry busog pa naman ako"
Suminghap ako. Ang isa sa mga ayaw ko ay ang hindi siya kumakain sa tamang oras, kaya pinilit ko siyang hati na lang kami sa sandwich. Ayaw pa nga niya nung una, buti at napapayag ko din sa huli, kaso ang arte, parang bata, gusto niya subuan ko pa siya.
Para siyang batang nakayakap sa akin, tapos ay halik pa ng halik sa pisngi ko. I missed this.
"Uy, mak" tawag ko sa kanya at nilingon ko siya.
"Hmm?"
Nakapikit siya habang nakapatong sa balikat ko ang baba niya.
"Five minutes na lang at tapos na ang break, kailangan na nating pumasok sa mga next class natin" Dumilat naman siya at tumingin sa akin, tapos ay bigla siya kong hinalikan sa lips.
"Okay" simple niyang sabi at tumayo na kami
— Hazlyn Styles —
BINABASA MO ANG
Mahal Akin Kalang (✔️)
RomansaAila Rodriguez and Clarence Brickson are in a relationship for approximately five years and they were so in love with each other. They are completely happy and contented, but they had to break up because of the sudden arrange marriage of Clarence to...