CLARENCE POV
"Who's that girl Clarence?" galit na tanong ni mama sa akin pagkabigay niya sa 'kin ng isang brown envelope.
Pagkabukas ko nung envelope ay nakita ko ang picture namin ni Aila na magkasama. Ang picture ay sa may harap ng bahay nina Aila, actually kahapon pa lang 'to nung inihatid ko siya sa bahay nila.
"Ma, how did you get this?" Kunot noo kong tanong at tinignan si Mama ng seryoso.
"That's is not the answer to my question Clarence! I'm asking you, who's that girl?" Halata kay mama na galit siya.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. There's no way na maitatago ko pa 'to. "Her name is Aila"
Nakita kong kumunot ang noo ni mama, it means talagang galit na siya.
"She is the reason kaya hindi mo naihatid ang fiancee mo kahapon, dahil mas inuna mo ang babaeng yun?" Hindi niya makapaniwalang wika sa akin.
"She's not just a girl ma, she's too important to me"
"I don't care, dapat mas unahin mo si Krisia dahil siya ang pakakasalan mo at hindi ang babaeng yan dahil sugurado akong pera lang ang habol niya!"
"I dont even care to Krisia ma, Aila is more important to me, because she's the girl that I love the most" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mapasigaw din. Insultuhin na lahat ni mama ang lahat huwag lang si Aila, not my Aila.
"How dare you! Alam mo kung paano ako magalit Clarence, kaya kung ayaw mong masira ang buhay ng babaeng yan, layuan mo na siya"- pagkatapos niyang sabihin yun ay iniwan na niya ako dito sa library. Damn it! Iniisip ko pa lang na hindi ko na makikita si Aila, ay halos hindi ko na alam ang gagawin ko, paano pa kung tuluyan ko na siyang hindi makita? Parang ikababaliw ko pag nangyari yun.
Hindi pwede yun. Ikamamatay ko.
***
KRISIA'S POV
"I don't even care to Krisia ma. Aila is more important to me because she's the girl that I love the most"
Ulit-ulit na nag e-echo sa utak ko ang salitang yun na narinig ko mismo sa bibig ni Clarence kanina nang hindi sinasadyang mapadaan ako sa library room ng bahay nila.
So tama pala yung bulungang narinig ko dati sa school? Na may dating relasyon sina Clarence at Aila? I thought it was just a rumor, totoo pala.
Ang sakit malaman na kaya pala hindi niya ako makuhang bigyan ng pansin ay dahil may iba na palang taong nagmamay-ari sa puso niya. Kaya pala parang halos kilala na niya si Aila, kaya pala wagas siya kung mag-alala para kay Aila, dahil ito ang babaeng mahal niya.
Pero hindi parin ako susuko, wala akong pake kung magmukha akong kontrabida sa buhay nila. Because I know someday mamahalin niya rin ako, sa oras na ikinasal kami I'm sure na matututunan niya rin akong mahalin katulad ng pagmamahal niya kay Aila.
Mapapasa akin din ang puso ni clarence.
— Hazlyn Styles —
BINABASA MO ANG
Mahal Akin Kalang (✔️)
RomanceAila Rodriguez and Clarence Brickson are in a relationship for approximately five years and they were so in love with each other. They are completely happy and contented, but they had to break up because of the sudden arrange marriage of Clarence to...