Mga mukhang naglalakad, nagmamadali
na akala mong may mga suosuot na
maskara.
Pilit itinatago ang mga lihim sa likod
ng mga nakangiting labi.
Mga mata ng isang kaluluwang
aking nakita. Kanyang palad ay naka-bukas
na parang santan na namumukadkad,
ngunit nalalanta,
naghihintay ng ulan na bumagsak.
Nanglilimos ng awa.
Sa gilid ay may nasusunog,
kaliwa't kanan na usok na nangagaling sa
bunganga ng mga bulkang nagkakalat ng
abong pumapatay ng mga baga.
Ang paligid ay makulay, pinintahan
at sinabugan ng mga payasong
akala mong hindi mga
nagsi-aral.
Sa pag-suong ko sa gubat na ito, na
puno ng mababangis na hayop.
Nalaman kong hindi ako nag-iisa ng minsang
mapatingin ako sa aking likuran, at nakita
ang isang aninong unti-unting lumalapit.
Binilisan ko ng lakad.
At ng makaarating ako sa aking dormitoryo,
dinukot at hiniwa ko
ang aking mga mata,
at sa dugo nito ay
lumabas ang lahat ng aking
nakita.