Chapter 2: Kapatid, Bestfriend (Flashbacks)

2 0 0
                                    


"Hoy! Akin na yan!" Pilit kong kinukuha ang picture sa kanya.

"Ayoko nga! Umiiyak ka na naman? Move on na. Wag kang tanga ate." Napatigil ako sa sinabi niya.

"Pag nagka first love ka maiintindihan mo rin ako, ang kaso nga lang wala ka pang gf kasi TORPE ka." Pinagdikdikan ko talaga yung salitang torpe. Tiningnan niya na lang ako ng masama. Haha. Yung barumbado kong kapatid nagsalita ng ganun? Akala ko puro kalokohan lang alam niya.

Naalala ko nung minsan umiiyak ako.

" Ate, umiiyak ka ba? Wag ka ng umiyak nandito lang ako sa likod mo wala sa harap." Anu daw? Napangiti nalang ako. Loko talaga.

"Don't smile! Ang pangit mo!" Nakangiti na pala ako. Haha. Ang sweet ng kapatid ko nu.

"Akin na sabi yan e." Pagpipilit ko parin sa pagkuha nung picture. Napangisi siya. Ano na naman kalokohan ang gagawin niya? Napataas nalang ako ng kilay.

"Abutin mo muna." Nakangisi niyang sabi at tinaas niya ang kamay niya na may hawak nung picture. Buysit! Yun pala.

"Malamang di ko maaabot yan. Ang tangkad mo kaya. Ts." Sagot ko. Oo, matangkad ho siya sakin. Para ngang siya yung panganay e.

"O yan na, baka umiyak kapa e." Then tumawa siya. Psh. Baliw. Ang sweet ho niyang tunay. Tiningnan ko nalang siya ng masama.

"Ohh watch me whip! Watch me nae nae." Natawa ako kasi sinayaw niya yon at yung parang naninigas na pag nae nae.

"Finally. Tumawa ka. Namiss ko yan. Namiss ko yung masayahin kong ate, kalog." Sambit niya ng nakangiti. Tsaka niya ginulo yung buhok ko tsaka na siya umalis. Aba aba! Ginawa niya kong bata ha. Psh. Infairness ha. Namiss niya daw ako. Ang sweet niya. Haha. Kasi po hindi po siya mahilig magsalita ng ganun. Yumakap nga lang kay tatay ayaw niya e. Korni daw. Kung alam ko lang nahihiya lang siya. Haha.

" Move on na ate. Wag kang tanga."
"Move on na ate. Wag kang tanga."
"Move on n ate. Wag kang t.."

"Ugh! Oo na. Ts." Kailangan magpaulit ulit sa isip ko yung sinabi niya? Ts.

Inipon ko lahat ng bagay ng about saming dalawa. Lahat ng makakapagpaalaala saming dalawa. Nilagay ko lahat ng yun sa isang box. Naisip ko kung itatago ko ba o susunugin na. Kapag kasi tinago ko, makikita ko parin. Pero pag sinunog ko di ko makikita kahit kailanman. Pero parang ang bitter naman nun. Ahh basta susunugin ko nalang. Nagdala ako ng lighter at Pumunta nako ng garden. Sinindihan ko na yung lighter at nagpulot ako ng isang picture. Napulot ko yung kaming dalawa. Nakayakap siya sakin at natutulog. Ito yung pumunta kami ng Marikina kung saan nakatira mama niya. Broken family kasi sila kaya siguro siya badboy. Ts. Hinulog ko na yung picture habang nilalamon na ng apoy tsaka ko na hinulog lahat. Napaluha ako nung lahat ng yon ay sinisira na ng apoy. Katulad ng relasyon naming sinira niya. Damn! Ang sakit talaga!

"Hey! Dont cry!" "Ay. Butiking anak ng zombie!" Nasabi ko dahil sa gulat.

"Ha?" Natawa tuloy ako sa nasabi ko. Umiling nalang ako.

"Stop crying!" Sambit niya tsaka niya pinunasan yung luha ko. Tsaka siya napatingin dun sa mga sinunog ko tsaka niya ko binigyan ng Anong-ginagawa-mo-look.

"Ahm. Sinunog ko lahat ng mga bagay na about samin. Mga bagay na nakakapagpaalaala sa aming dalawa. Naisip ko nga itago ko nalang kaso makikita ko parin nun. Kaya sinunog ko nalang.

"Alam mo Rhian." Tsaka niya ko inakbayan. Mukhang mahaba haba yung sasabihin niya. Hehe.

"Kahit itapon o sunugin mo pa yan. Kung naiisip mo parin o nasa utak mo parin at pati sa puso balewala rin. Oo, mahirap magmove on bestfriend pero yun yung kailangan mo. You need to accept the fact na tapos na ang chapter niya sa buhay mo. But dont worry wag kang magmadali sa pagmomove on kasi it takes time to heal. Balang araw masasanay kana din na wala na siya. Basta lagi mong tatandaan nandito lang ako at wag mong kalimutan na tumingala sa taas kasi siya never ka niyang iiwan." Naiyak na talaga ako sa sinabi niya. Tama siya. Ilang araw akong nagmumukmok iniisip na walang nagmamahal sakin. Nakalimutan ko tumingala sa taas. Niyakap nalang ako ni Ram.

"Sige lang. Ilabas mo lang yan."

Bulong niya sakin. Umiyak nalang ako. Inalala ang lahat. Mula sa kung pano kami nagkakilala hanggang sa maging kami hanggang sa pagtapos ng aking pinakaaalagaan na relasyon.

"Bakit ganon Ram? Ginawa ko naman lahat ha. Tiniis ko lahat ng hirap. Tinaggap ko ang ups and downs niya, yung good side at bad side niya. Na kahit badboy siya tinaggap ko yon. Tapos mauuwi rin pala sa ganito? Nagkulang bako ha? Tell me." Umiiyak kong sabi. Napahigpit ako ng yakap kasi sobrang sikip ng dibdib ko. Feeling ko any time lang hihimatayin ako. Ang sakit. Yung sakit na unting pumapatay sa puso ko.

"Hindi ka nagkulang Rhian. Hindi lang siya nakuntento." Sambit niya habang hinihimas ang likod ko.

"Hayaan mo nalang. Kung kayo, kayo talaga naman e. Pagtatagpuin din kayo ng tadhana. Sa ngayon hayaan mo muna, makakapagisip din yun." Dugtong pa niya.

Ilang minuto din akong umiiyak. Maya maya lang may naramdaman akong patak ng tubig sa aking balat. Tumingala ako. Umuulan. Pati langit nakakasabay sakin.

"Ram. Favor?" Sambit ko habang nakangiti. Yung pilit na ngiti. Binigyan naman niya ko ng Ano-yon-look.

"Pwede ba tayong maligo sa ulan?" Pagkasabi ko nun biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"O yan. Naliligo na tayo e. Haha. Wooooh!" Sabi niya sakin. Tawa nalang ako ng tawa sa kanya. Humiga pa siya sa damuhan. Tsaka niya ko hinila at napahiga nadin ako sa damuhan. Lahat ng sakit na naramdaman ko kanina biglang nawala. Lamig nalang ang ramdam ko ngayon lalo na nakapambahay lang ako. Haha.

Pumikit ako. Nagulat ako nung biglang kumidlat. Then a memories flashback on my mind.

Napayakap sakin si Rio dahil sa lakas ng kidlat.

"Mahal. Uwi nako. Kumikidlat o." Takot niyang sabi. Natawa nalang ako. Yung badboy na si Rio takot sa kidlat? Hahaha.

Napabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Ram.

"Rhian. Tara na. Baka masobrahan ka at magkasakit ka." Alalang sabi ni Ram. Tumayo naman ako at naglakad na kami papasok.

Pinahiram ko naman ng damit si Ram. Yung mga damit bg kapatid ko, si ranz.

Pumunta na siya sa banyo para maligo. Ako naman, kumuha muna ako ng towel at nagpunas.

"Ate o. Ikiss mo to kasi siya si Prince charming mo." Sambit ni Ranz habang may hawak na palaka.

"Ranz! Itapon mo nga yan!" Bawal ko sa kanya.

"Bakit natatakot ka? Waahh!" Pananakot niya habang nilalapit niya sakin yung palaka.

"Mahal di ata ako makakauwi." Sabi niya habang nakatingin sa bintana ng kwarto ko.

"Bakit naman?" Takang tanong ko.

"May mga palaka sa labas. Sh*t! Saan nanggaling yung mga yun?" Natawa ako.

"Wag mong sabihing takot ka sa palaka." Natatawang tanong ko.

Tiningnan nalang niya ko ng masama. Haha.

"Hoy! Ate!"

"Ha? May sinasabi ka ba?" Na pre occupied na naman isip ko. Ugh! Pano ako makakapagmove on kung simpleng bagay lang nakakapagpaalaala sa kanya. Sabi nga ni Avril sa kanta "Everything that i do reminds me of you." Ts.

"Tingnan mo to. Bahala ka nga dyan. Para kang timang!" Sambit na Ranz at umalis na. Problema nun?

Bigla nalang sumakit ang ulo ko, kasi naman wala akong ginawa sa maghapon kung hindi magdrama. Ts. Buti nalang nandya si Ranz at Ram syempre pati si god na hindi niya ko iniwan kahit nakalimutan ko siya. Ugh. Sila lang ang mga nakakasama ko lagi kasi wala si Papa nagaasikaso ng business. Si mama? Ayun. Sumama dun sa lalaki niya. Syempre masakit, mahirap. Hindi ko lang siya basta mama, bestfriend ko siya. Mas close ako kay mama kesa kay tatay. Yung turingan naming parang magbarkada lang kami. Nakakinis! Di ko maiwasang hindi magalit! Iniwan niya ang pamilya niya just for her own happiness! Ts. Kaya heto, Ako na yung tumayong magulang kay Ranz. Naiintindihan ko naman si tatay alam ko para samin din yung ginagawa niya. Magkaka time narin naman nyan siya kasi malapit nako mag graduate tapos ako na yung magmamanage sa bar nila dito sa pilipinas so hindi na sila masyadong magiging busy.


Thanks for reading.
Vote and Comment. :)

Walang Forever.. TUNAY meron!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon