Chapter 41

1K 34 0
                                    


"Sino ka?" Tanong niya sabay tingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya.

"Sino ka ba? Bakit mo ako hinahawakan? Hindi kita kilala kaya bitawan mo ako." Naiirita niyang sabi at hinigit ko siya papaalis ng park.

"JUNN!" Tawag niya sa ex niya na kasalukuyang bumibili ng ice cream at nang makita niya ako ay ngumiti ako sa kanya. Ang mukha niyang gulat na gulat ay nabitawan ang ice cream na binil at nagtatakbo papunta sa amin.

Hinawakan niya ang braso ko at ngumiti din sa akin.

"You are too late to get her from me.." sabi niya at inalis ang pagkakahawak ko kay terra at iniwan na ako.

"Sino ba siya? Kilala niya ba ako?" dinig kong tanong ni Terra

"Hindi ka niya kilala. Wag mo nalang siyang pansinin. Wala lang 'yan magawa sa buhay." Sagot naman ni Junn at saglit pang lumingon sa akin si Junn.

Sa puno ko nalang ibinunton ang galit ko kay Junn, pinagsisipa ko ito dahil sa galit na bumabalot sa puso ko at pagkatapos ay umalis na ako at sa ospital naman nagtungo.

"Kerk?" Kabababa ko lang ng kotse nang makita agad ako ni Nancy. Sa coffee shop kami nagpunta para doon mag-usap.

"Matagal na siyang nakipagbreak sa akin..dalawang araw bago niya kunin si Terra sa magulang niya. Alam na alam ko kung saan nakatapat ang galamay ng orasan nung panahong nakipaghiwalay siya. Tag-ulan din iyon at imbis na bigyan niya ako ng payong..iniwanan niya ako sa ulanan." Wika ni Nancy at sabay uminom ng kape

"Wala ka man lang ginawa? Ikaw pa naman ang inaasahan kong pipigil sa kanya." Sagot ko

"Ayaw ko ng masaktan kaya hindi na ako nagmakaawang huwag niya akong hiwalayan. Hinayaan ko nalang siya sa nais niya." Sagot ni Nancy habang sa labas ng coffee shop nakatingin. Sa mga mata niya ay namumuo ang luha, ayaw niya lang ipakita sa akin na parang wala lang sa kanya ang lahat pero..ramdam ko na nalulunod na siya sa sakit.

"Ikaw? Hindi ka naman na maaalala ni Terra kaya hayaan mo nalang din siya kagaya ng pagpapaubaya ko kay Junn." Dagdag niya subalit tahimik lang ako

"Anong pinaglalaban mo?" Tanong niya na nastuck sa isip ko.

"Ito na ang huling beses na ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya." Sagot ko at natawa naman siya sa sinabi ko. Oo. Sino man ang magtanong niyan sa akin at iyon ang aking isasagot ay talagang tatawanan ako. Isip niya ay ang tanga-tanga ko. Ang dami ko ng isinakripisyo pero laban pa rin? Dalawang letra. OO. Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya dahil sa hindi ako tanga kundi dahil..kaya ko pa.

"Siya?Lumalaban ba ang natitira mong ala-ala sa kanya? Pinipilit niya bang alalahanin ka kagaya ng pagpupumilit mong maalala ka niya?" sabi niya at hindi ako sumagot.

"Kung hindi mo lang sana mahal si Terra, ikaw nalang din sana ang mamahalin ko kaso..hindi ganun kadaling pilitin ang isang bagay lalo na't wala ito sa tamang kinalalagyan." Dagdag niya at saka inubos na ang natitira niyang kape.

"Ipagdadasal ko nalang na sana'y bumalik na ang ala-ala ni Terra, 'yun lang ang tanging maitutulong ko sa iyo Kerk." Wika niyang muli at tumayo na at lalakad na sana siya nang pigilan ko siya.

"Kung sakaling bumalik na ang ala-ala ni Terra sa akin, handa ka bang tanggapin muli si Junn?" Tanong ko.

"Oo. Tatanggapin ko siya dahil 'yun lang ang magagawa ko..'yun ay..kung bumalik nga ang ala-ala ng mahal mo. Kapag hindi..sorry para sa ating dalawa." Sagot niya at tuluyan na akong nilisan. At isang paraan lang ang naiisip ko upang maalala ako ni terra, ibibigay ko sa kanya ang ala-ala namin.

The Last Day of Summer [SMTS Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon