Naalala na naman niya kung gaano kadali para sa kanyang Ama na iwan siya. Naalala na naman niya ang mga katagang sinabi ng kanyang Ina noong siya ay namatay dahil sa aksidente.
Naalala na naman niya ang sakit at kahit anong gawin niya ay masakit pa rin ito , o mas tumitindi ang sakit na naramdaman niya.
Ilang beses niyang inulit sa kanyang isipan na matatapos din ang lahat. Ngunit, wala pa ring naging epekto at mas lalo pa rin siyang nasasaktan. Bakit ba lagi na lang siya nasasaktan? Kahit sabihan siya na kakayanin niya ang lahat, ay napapagod na rin siya.
Konti na lang.
Bibitaw na siya.
"Bakit mo ba ito ginagawa? Bakit mo sinusubukang patayin ang sarili mo?" Naalala niya ang tanong na pumigil sa kanyang balak noong isang araw. Ito ang tanong sa kanya ng isang taong naging malapit sa puso niya. Isang tao na nagparamdam sa kanya ng pag-asa at kasiyahan. Ngunit, alam niya na ang lahat ay mayroong katapusan. Alam niyang mawawala rin sa kanya ang taong mahal niya. Walang bagay na mananatili na sa'yo. Lahat ay mawawala.
Ngunit, bakit nga ba niya ito ginagawa?
Napangiti na lamang siya. Iniisip niya, naalala kaya ng taong mahal niya na sinabi nito na sana'y maging masaya siya?
Sa wakas, magiging masaya na siya.
Hinigpitan ni Thana ang hawak niyang kutsilyo. Tuloy-tuloy lamang ang pagtulo ng kanyang mga luha. Ang sakit na nararamdaman niya habang nakadikit ang kutsilyo sa kanyang pulsuhan ay wala lang sa sakit na nararamdaman niya nang iwan siya ng mga taong mahal niya. Mas lalo niyang diniinan ito at naramdaman niya ang pag-agos ng dugo.
Malapit na.
Matatapos na rin ang sakit na nararamdaman niya.
Ngunit, hindi niya naisip ang sakit na mararamdaman ng iba.
BINABASA MO ANG
From Quotes to Stories
De TodoAng librong ito ay naglalaman ng iba't ibang kwento mula sa iba't ibang mga manunulat sa bansa. Ang mga kwentong inyong mababasa ay pawang mga interpretasyon ng mga manunulat sa mga siping ibinigay ng grupo.