Two Is One by Ciel0Sky

6 2 0
                                    

Isang malagim na balita ang gumulantang sa halos kabuuan ng Pinas at ito'y umaabot na sa iba't-ibang bahagi ng bansa.
Isang dalagang may Telekinesis at Animna Animnapung Anim(666) na kriminal ang nakahawak sa isang libong estudyante sa isang unibersidad.
Walang laban ang mga pulis,sundalo at ano pang uri ng mga taong humahawak sa kaso ng 'Hostage Crisis'.

Hindi nila alam ang gagawin maliban sa pagbabantay sa labas ng unibersidad at pakikipagnegosasyon sa pinuno ng mga kriminal na walang iba kundi ang babaeng may Telekinesis na tinatawag ang sarili na 'Eleka'.
Siya'y may mahaba at kulot na buhok,nakasuot ng kulay pulang 'dress' ngunit ang kanyang muka ay natatakpan ng maskara nitong walang emosyon.

Galit na galit si Eleka dahil hindi nagawang iligtas ang mga magulang niya na napagkamalang kriminal kaya ngayom ay sobrang miserable siya sa buhay at kasalanan daw yun ng kapulisan at iba pang tao na hindi man lang nagawang magtanggol sa kanyang magulang na gumawa sakanila ng mabuti lalong-lalo na sa mga estudyante.

Malapit ng maubos ang pitong oras na palugit niya sa kung sino ang pipigil sakanya at sa kampon niya samantalang desperado naman ang mga kapulisan ganun din ang mga magulang ng mga estudyante na unti-unting nawawalan ng pag-asa sa kabila ng kanilang taimtim na pagdarasal hanggang sa dumating ang isang binata...siya'y lumilipad gamit ang malakas na hangin at may kabagalan sa pagbaba.

Nakasuot siya ng kulay grabang 'hooded jacket' at nakasuot ng 'safety eye goggles' at ang huli ay may armas din siya na arnis."Hindi mo kayang mabuhay sa ibang tao.Kailangan mong gawin ang tama para sa'yo kahit na ito'y makakasakit pa ng mga taong mahal mo..."umihip ang matinding hangin bago siya magpatuloy"tama ba ako?Eriz...o Eleka?".

From Quotes to StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon