May Forever Ba? (One Shot)

1 1 0
                                    

Totoo ba talagang nag-eexist ka?

"May forever ba talaga?"
"Totoo ba talaga yun?"
"Wala naman dibang forever diba?"
"Tayo lang"
Naaala ko iyan ang mga ilan lang namang mga tanong sa akin. Tinatawan lang naman kita noon tapos biglang lalaki ang mga butas ng ilong mo. Tapos sasabihin mong "Manahimik ka nga dyan! Pasalamat ka best friend kita hah!" Galit-galitang sabi mo.

Sobrang malapit tayo sa isa't-isa. Papano magkababata pa tayo. Tapos naging mag best friend pa tayo. Walang araw na hindi tayo mag kasama. Ang daming nagsasabi na bagay daw tayo. Baka sa atin daw ang may forever. Natatawa na lang tayo pag sinasabi nila iyon.

Minsan nag tanong ka sa akin kung totoo ba talaga yung forever. Pero lagi kitang sinasagot ng ganito
"Ewan ko. Pero naka depende yan sa tao kung saan sila maniniwala."
"Nakakainis ka naman eh. Iyan lagi kong naririnig sayo." Medyo nanlalaking ilong mong sabi at sabay pout. Nakakatawa talaga yung mala siopao mong pisngi kaya ang ginawa ko ay kinurot yung pisngi mo. "Ang cute cute mong talaga"
"Hoy! masakit ahh. Tanggalin mo nga yang kamay mo. Sasapakin kita" Pag kasabi mo noon ay agad akong tumakbo.

Naalala ko pa nung time na malapit na mag graduation ang dami na nating ginagawa. Busy ang lahat lalo na ako dahil running for cumlaude ako. Kaya kailangan maaga pa lang inaayos na ang lahat. Minsan hindi na kita napapansin. Tapos di na tayo nagkikita. May iba akong naging kaibigan noon. Si Lizah naging malapit kami sa isa't-isa. At sa hindi inaasahan na-inlove ako sa kanya. After ng mga ilang linggo naging mag couple kami.

Mahal ko na talaga si Lizah noon. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon bigla ka ulit nag pakita sa akin. Nagulat talaga ako sayo noon dahil mahigit dalawang buwan na tayong hindi nagkita. Gusto kita yakapin noon. Dahil miss na miss ko na ang best friend ko.
"Kamusta ka na? Ang tagal na kitang hindi nagkita ah" agadang sabi ko sayo. Pero nagulat ako sa ginawa mo. Bigla mo akong niyakap.
"Miss na miss na kita" mga katagang sinabi mo sa akin.
"Asan ka ba nag punta at hindi na kita nakita?" tanong ko.
"Mahaba-habang kwento yun."
Bigla akong nakarinig ng sigaw.
"Babe!!!" liningon ko iyon. Si Lizah.
Napatingin ako sayo.
"May girlfriend ka na pala"
"Ahh. Oo"
"Uyy. Babe Tara na!!" aya sa akin ni Lizah. Bigla siyang napatingin sayo.
"Babe, sino sya?"
"Ahh. Lizah siya pala yung best friend ko. Yung lagi kong kinukwento sayo noon."
"Ahh. So it's you?" tanong ni Lizah sayo.
"Oo." sagot mo pero halatang peke ang mga ngiti mo.
"Okay. By the way I'm Lizah. Girlfriend ng best friend mo."
Inaya ko na si Lizah. Dahil parang inis siya sayo.

Day past. Graduation na. Pero Hindi kita makita noon. Tinext pa kita pero you didn't replied to my message. Hinintay kita kasi may ibibigay sana ako sayo noon. Graduation gift ko sayo. Tapos na ang lahat at wala ka pa din. Nag tanong-tanong ako sa mga classmate mo pero sinabi nila hindi ka daw nila na kita.

"Sino ba ang hinahanap mo?". Tanong sa akin ni Lizah. Matapos ang gradution.
" Ahh. Si Best friend di kasi siya umattend ng graduation eh."
"Ano ba naman yan!!! Ako yung nandito sa harap mo ayun na lang ang laging mong hinahanap. Dapat ayon na lang ang shinota mo hindi ako!!! Halata namang gusto mo iyon eh."
"Sorry Lizah" ayon na lang ang nasabi ko.
"Let's take a break!!!" sigaw sa akin ni Lizah atsaka umalis.
Napabuntong hininga na lang ako. Siguro tama nga si Lizah.

Year past. Ang tagal ng panahon best friend hindi na kita makita. Hinanap kita, pero wala talaga. May trabaho na ako at naging successful na ang buhay ko. Pero hindi ka na talaga kita makita. Minsan napapatanong na lang ako sa sarili ko habang nakatingin sa mga bituin. May Forever ba tayo? Akala ko mag kakasama tayo ng habang buhay kasi yung ang pangako natin sa isa't-isa. Naaalala ko pa iyon. Yung mga tanong mo. Na ngayon ay isa na sa mga tanong ko.

End.

A/N: Joke di pa po end yan may part 2 pa po. Guys please support may first story.

Title po nung part 2. "Oo, May Forever"

Thanks sa lahat.

May Forever Ba? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon